ANG SARAP NG ULAM KO


 

Iniisip ko ngayo’y anong aking iuulam

Sawa na ang dila ko sa luto ni manang

Parati na lang isda o baboy na sinigang

Putaheng iba naman ang aking titikman

 

Ulam namin sa probinsya’y aking naalala

Nilagang talong, talbos ng kamote at okra

Tiyak na masarap kaya dapat kong iluto na

Para sa dilang naghahanap ulam na naiiba

 

Sawsawang toyo’t kalamansi’y inihanda ko na

Pati ang bagoong may kasama pang mangga

Kapag ganito ang ulam pagkain ko’y magana

Sinaing ay damihan siguradong mauubusan ka

 

Bigla akong nanabik sa ganitong uri ng pagkain

Naisip ko tuloy ano kaya’t mag prito pa ng daing

Mayroon pala si manang sili at sukang maasim

Dito naman isasawsaw ang prito kong uulamin

 

Isa pang masarap ang itlog na pula o maalat

Kamatis naman ang isasama iyan ang katapat

Kapag inulam ko pa ito tiyan ko’y mabubundat

Paano pa ang paglakad siguradong nakahiyad

 

Tunay na napakasarap nga ng ganitong pagkain

Lalo’t malambot lambot pa yaring aking sinaing

Dito’y bagay na bagay naman ulam ay bibilutin

At gagamitin ko’y kamay sa pagsubo ng kanin

 

Gusto ‘nyo rin ba ng ganitong klase ng pakain

Halina’t sabayan ako at kayo’y aking bubusugin

Sapagkat sobra sobra na itong aking uulamin

Sa maliit kong tiyan kung ito’y aking sosoluhin 

Sarap ng ulam ko noh? 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: