ANG AKING PAGMUMUNI MUNI


Heto na naman ako sa isang tabi

Walang makausap kaya ‘di makali

Marami ang tanong sa aking sarili

Makasagot nito’y aking ililibre

Siguradong pustiso mo’y dekalibre

 

Panay ang takbo ng aking utak ngayon

Pati ang puso ko ay sumasang ayon

Namamayagpag aking imahinasyon

Kahit diwa’y pagal pilit iaahon

Ang mga tanong ngayong napapanahon

 

Ang tumingin sa kawalan ay mahirap

Mata ko ay hindi man lang kumukurap

Utak ko tuloy maraming nasasagap

Ang mga kwentong dapat nating makalap

Lalo ang pag-abot ng mithing pangarap

 

Takbo raw ng buhay natin ay makupad

Kay hirap abutin ng munting pangarap

kahit pa tayong tao ang gumaganap

Pero wag umabuso laging mag-ingat

Tiyak uusad kung tayo’y  magsisikap

 

Tanong ko’y tungkol sa mga kabataan

Kaninang pag uwi ng aking tahanan

Di ko napigilan sila’y pagsabihan

Sa sobrang kalat nilang aking nadatnan

kabataan ba ngayo’y talagang ganyan?

 

Hala! kalat dito, kalat doo’t diyan!

Naka tatlong beses ng pinagsabihan

Pipi’t bingi pa ring nakatitig lamang

Di man lang kumilos para isalansan

Ang mga kagamitang pang eskwelahan

 

Huwag daw tayong maging magagalitin

Mag-ingat at baka sakit ay sapitin

Kabataan ngayon dapat unawain

Ang kukute nila’y mahirap arukin

Di raw tulad nong kapanahunan natin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: