MY TRAVEL IN SINGAPORE

 

Simula pa lang sa airport, mapapahanga  ka na sa ganda at linis ng paligid ng bansang ito. Maraming puno, puro berde ang kapaligiran at ang mga gusali mapapa “wow” ka sa gabi. Marami pa raw pasyalan sa Singapore pero dahil 3 araw at 2 gabi lang kami kinapos ng panahon ang aming pamamasyal. Kung dito sa atin sa Pilipinas ay may City of “Pines” sa Singapore ay mayron namang City of “Fines” na ipapakita sa yo kapag lumabag ka sa kanilang batas.

Maganda ang Singapore, malinis, disiplinado ang mga tao, maayos lahat yon nga lang sabi nila mataas ang standard of living kumpara dito sa atin sa Pinas. Parang wala akong nakitang squatter doon o lumang tenement, lahat magagandang gusali, malinis na kapaligiran, halos nakalandscape ang lahat mong madadaanan. Mabeberding tanawin, ang traffic lights ay may countdown timer. Bago ang taxi nila at napansin ko mamahalin pang kotse ang ilang taxi rito tulad ng Merceds benz. Halos walang ipinagkaiba sa pila ng taxi sa atin tulad ng pagpila nila sa malls, naka digital meter din ang taxi nila. Napansin ko lang iba ang rate nila kapag peak hour.

Nagpasyal rin pala kaming 3 sa Sentosa Island sabi nila kapag nagpunta ka raw sa bansang ito kailangang makarating ka sa Sentosa Island dahil kung hindi ay parang hindi ka raw namasyal ng bansang Singapore.

Ang Sentosa Island ang pinaka main theme park nila. Sumakay kami sa makapigil hiningang cable car halos takpan ko ang aking mata ng hindi ko makita ang paligid habang papunta sa islang iyon. Napakataas, nakakalunod tumingin sa ibaba sapagkat kung sakaling malagot ang kable tiyak na malulunod ka na nga dahil karagatan ang babagakan mo. Mahaba ang nilakbay ng cable car at masyadong mataas kaya nakakatakot.  Dun mo makikita ang under water world, dolphin show, images of Singapore, dito ako naaliw na panoorin at titigan ang nasa loob ng museo na ito.

Dito mo kasi makikita ang history ng Malays parang mga kultura natin nung unang panahon. Dito mo rin makikita ang The Great fountain at sa bandang palubog na ang araw mapapanood mo ang kahindik hindik na Song of the Seas grabe ang ganda talaga nakakamangha!

Meron nga pala ditong isang gusali na halos puro pinoy ang nagtitinda parang tiange pwede kang magsalita ng tagalog hindi ka mahihirapang tumawad dahil lahat pinoy kahit magpa e-load kung wala ng load ang cellphones mo, smart man o globe ay pwede. Para kang nasa isang mall dito sa Pinas.

Mahal ang mga bilihin dito kaya halos wala kaming napamili ang klima tulad rin sa atin walang ipinagkaiba.

Advertisements

MY SHANGHAI TOUR

Gabi kami bumiyahe patungong Shanghai China. Pagbaba ng eroplano napansin ko medyo may ulan, siguradong malamig raw at ang sabi ng stewardess ay negative 6 ang temperatura, pero nagulat ako pagpasok namin sa airport hindi naman malamig hehe! syempre engot ako nakaheater pala. Heto paglabas namin ng airport nanginginig na ang buong katawan ko at ang aking baba ay nangangatog na, ang salita ko ay may usok na rin.

Sa Magnificent Hotel kami nag stay. Nang mag umaga, lumabas kami sandali ng Hotel para tingnan lang kung ano ang itsura nung lugar sa umaga… Napaka lamig ang gandang tingnan ng paligid ang mga puno walang dahon tila mga patay na puno, puro sanga lang ang nakikita ko. Malapit pala sa shopping area ang tinigilan naming hotel at maraming tao.  Summer sa atin, tag lamig naman sa kanila!  Bumalik na rin agad kami sa hotel dahil magsisimula na ang tour namin.

Una naming pinuntahan ay isang park. Hindi ko alam kung anong park yon. Hindi kasi ako nakikinig sa tour guide dahil abala ang mata ko sa katitingin sa mga dinadaanan. Natatandaan ko pinakita sa amin ang The Bund, ito ang origin na landmark ng Shanghai, grabe ang lamig! Ang mga gusali parang European ang dating. Dito ko  nakita ang Big Ben Clock Tower napakaganda! Maya maya pa ay nagpunta rin kami sa isang park ulit at dito ko nakita ang Oriental Pearl Tv Tower, ang isa sa pinkamataas na tower sa buong mundo. Pagkatapos, nagpunta kami sa Tea Restaurant para tumikim ng kung anu-anong tea at pagkatapos maipaliwanag ang iba’t ibang uri ng tea ay inalok kami para bumili.  

Nagpunta rin kami sa Jade Museum at nais na naman kaming bentahan ng mga intsik! Talagang business-minded sila. Dahil tanghali na nun kumain na kami sa isang restaurant kasama na sa tour namin yon.  Matapos kaming kumain dinala naman kami sa Silk Factory at pinakita kung paano gawin ang silk na talaga namang kahanga-hanga, dahil ang silk na yon ay galing lang sa isang cocoon.

Nagpunta din kami sa isa pang shopping area ng mayayaman kaya natural tumingin-tingin lang ako. Nagpunta pa kami sa dalawa pang museum na hindi ko na inintindi dahil ayoko nang mamasyal dahil sa pagod! Nandyan pa yung isang museum kung saan may libreng masahe tapos pipilitin kang bumili ng herbal medicine nila kesyo may problema daw ang uterus ko at kung anu-ano pa. Hehehe! Matapos ito ay may pinuntahan rin kaming isang libingan na kung saan doon lang may punong hindi nalagas ang mga dahon berde ang paligid. Heto na naman ako hindi ko na naman naintindihan ang sinabi ng tour guide dahil puro pagmamasid na naman ang nasa isip ko di ko na iniintindi ang kanyang sinasabi. Mainit sa lugar may araw pero malamig pa rin.


Nagpunta rin kami sa Nanjing Road sabi nila Little Paris daw iyon maganda ang view sa gabi romantic ang dating na may umaawit pa. Grabe ang kanilang shopping center dito maganda kahit sobrang dami ng tao parang may pyestahan ang kalye na yon.  May mga murang bilihin din naman dun, yon nga lang kelangan magaling ka sa tawaran.

Nanood din pala kami ng Shanghai Circus, wow ang gagaling! Talagang puro wow lang ang nasasambit ko, syempre hangang hanga na naman ako pero bago iyon ay kumain muna kami sa isang restaurant na parang barko napakalaki at talagang nakalutang sya sa tubig. maganda ang mga tanawin sayang lang at nung panahon na yon ay nasira naman ang camera ko.

Mapa umaga man o gabi nakakamangha ang mga tanawin dito… Very sophisticated ang design ng mga gusali. Karamihan sa kanila ay hindi nakakaintindi ng English, pero nagkakaintindihan pa rin naman pagdating sa bilihan. At kung gusto mong tumawad hawakan mo na lang ang calculator nila at ikaw na ang maglagay ng gusto mong presyo sa tawad mo. Mag ala mime na lang puro actions at sabay bigkas ng “oki?!,”  “no,” o “Yah”. at magkakabilihan na… hahaha!

 

MY TRAVEL IN MACAU

 

Ang Macau ay dating Colony ng Portugal kaya makikita mo rito ang mga bahay at pati ang mga kumersyong gusali ay western ang desenyo pati na yata ang mga daan at mga nakasulat rito. Mukhang bago lahat ang mga bus dito wala akong nakitang ordinary o walang aircon, tingin ko ay organized din ang mga motorista.

Unang araw City tour kami, syempre sa mga templo na naman. Dito kami namili ng mga produkto ng Macau,  ang egg tart, at macau sweets marami pang iba . Bawat tindahan na madadaanan namin ay may patikim ng kanilang produktong pagkaing tinda, kaya halos nabusog na rin kami sa katitikim sa buong pamamasyal namin. Kung wala kang pera tapos gusto mong mabusog, maglakad lakad ka lang dun, tyak mabubusog ka na sa kanilang free taste.

Namasyal rin kami sa sikat na cathedral church, ang Ruins of saint Paul.  Dahil nasa mataas na lugar ang church na ito, mahaba ang aming nilakad, hindi kasi kayang akyatin ng aming sinakyang shuttle bus ang lugar. Ang Ruins of St. Paul daw ang orihinal na Cathedral of Saint Paul noong 17th century. Itinayo raw ng mga Jesuits at ito ang pinaka malaking Catholic Church sa Asya noong panahon na iyon.  Ito ang pinaka sikat na landmark ng Macau. Hindi ko lang alam ang detalye tungkol sa nangyari sa church na ito. Ang alam ko lang ay nasira noong panahon ng giyera.

Kinabukasan, iba namanag lugar ang aming pinasyalan. Doon raw kami pupunta sa Venetian Hotel. Grabe! Namangha talaga ako sa aking mga nakita parang puro na lang pagtataka ang laman ng isip ko. Parang maka-luma ang tema ng desenyo ng mga pillars at dingding, pati ang  painting na parang mala-simbahan ang dating. Nakakabighani talagang ikutin ang lugar na ito. Lahat maganda, lahat marangya. nakakalula.  Ang mga mata ko ay di malaman kung san igagawi ng tingin. Para akong nanaginip na nasa loob ng isang mahiwagang syudad. Hay! ang hirap ikwento.. Ang nakakahanga pa sa lugar ay para kang nasa labas dahil sa pekeng kisami nila. Akala ko ay tunay na langit ang makikita ko. Ang nakakatuwa pa, pag gabi na, gabi na rin ang kisami na yon sa loob. Parang totoong langit talaga na may ulap na gumagalaw pero peke lang yon, ewan ko baka nagdidiliryo lang ako sa gutom kakaikot sa hotel na un, kaya ang tingin ko ay gumagalaw ang desenyo ng ulap sa kisami. Hehehe! Kumain rin kami rito sa fast food na parang tulad ng nasa SM.

Umakyat kami gamit ang isang mahabang escalator, at pagdating namin sa taas ay isa na namang mahabang lakarin na pareho lang ang makikita ko sa ibaba. Tulad ng tindahan ng kilala at sikat na brand ng mga damit, bags, sapatos, relo at kung ano ano pa. Bumili pa nga ang friend ko ng digital camera at relo dun sa Venetian Holtel. May mga fountain sa gilid at sa pinanununghan namin ay may mga nag susugal. Halos kasi lahat ng hotel dito ay may casino. May tumututog na mala harmonikang awitin at kung ano ano pa.  At meron pa nga palang parang ilog na may bangka pa ang tawag dito ay gondola. Pwede kang sumakay dito at iikot ka nila sa loob ng hotel, ewan ko ba kung paano nailagay ang ilog na yon doon  at habang isinasagwan ng nagpapaandar nito ay umaawit ng mala harmonikang awintin. Pag labas namin ng hotel lumingon pa ulit ako at hindi ko maimagine kung paano ginawa ang kisami na un. hehehe! Sino kaya ang architect noon at mapuri nga sa obrang ginawa nya. Akalain mo isang City nasa loob ng isang Hotel.

Pauwi na kami sa aming hotel na tinigilan namin para magpahinga, sumakay kami sa free shuttle bus ng Venetian hotel nagpahinga sandali at pagkatapos ay nagpunta kami sa Senado Square (Largo do Senado) para mag shopping.

Bago kami umuwi ng Pinas namasyal muna kami sa bigating hotels na natatanaw namin sa aming hotel na tinigilan ang Wynn Hotel at ang Lisboa Hotel, sikat ring hotel na may casino. Grabe ang mga gusali rito parang napakamura ng kuryente lahat ay nababalot ng iba’t ibang kulay ng ilaw.  Nakakamangha talaga ang bansang ito.

Super enjoy ang trip namin. Thank you Lord and thank you rin sa dalawang kaibigan kong kasama sa pamamasyal.

MY TRAVEL IN VIETNAM

Kwento ko lang sa inyo ang travel ko sa Vietnam kasama ang dalawa kong kaibigan. Nag stay kami sa Bong Sen Hotel. Ok naman ang hotel na ito, walking distance lang sa Saigon Tax Center at malapit kami sa Opera House. Malapit rin ito sa Ben Tan Market, ang sikat na pamilihan dun sa Ho Chi Minh. Sa gabi, maganda naman ang view na nakikita namin sa bintana ng hotel na tinigilan namin ng tatlong gabi

 

Opera House

Budhist Temple

War Remnants Museum

Reunification Palace

Nag City tour kami sa Budhist Temple, War Remnants Museum, Revolutionary Museum, Reunification Palace, Notre Dame Cathedral pero sa labas lang kami ng Cathedral at nag picture taking na lang kami dahil ang misa raw noon ay para sa mga Vietnamese. Nagpunta rin kami sa Post Office nila at nag picture taking din. May pinuntahan rin kaming Park pero hindi ko na matandaan ang tawag dun. 

          Post Office

Notre Dame Cathedral

Sumakay rin pala kami sa “xyclo” kung saan ang driver ay sa likuran ko naka pwesto at ako ang nasa harap. Halos lahat ay lakad lang kami. Grabe talaga sa Saigon… na shock ako sa dami ng motorcycles! Sabi ng tour guide namin, 5M daw ang motorcycles sa Ho Chi Minh pa lang. As in adventure yung tumawid kami sa kalsada habang yung mga motorcycles umiiwas sa amin. Naghihintay pa naman kami ng parang traffic light, ayun pala ay wala. Kaya pala derederetso yung mga motorcyles. Sa tingin ko madisiplina naman sila. Kita naman sa pictures, walang singitan, nakapila at sumusunod sa traffic signs. Sana ganito din dito balang araw. Baka mangyari dito maging ganyan din ang population ng motor natin pero ang ugali ganun pa rin or mas talamak pa.

“Xyclo” 

Motorcycles

Ang mga bahay dun ay halos tulad ng mga townhouse dito sa atin pero mas makikitid pa at hanggang 4 na palapag walang parking siguro dahil motorcycles lang sasakyan nila. Simple lang din siguro ang kanilang pamumuhay. Bihira akong nakakita ng bus halos taxi lang at motorsiklo na angkas nila ang asawa, anak at mga pinamili nila, appliances at kung ano ano pa.

Thuong Xa Tax Mall

Pagkatapos ng aming tour nagpunta kami sa isang malaking mall ang Thuong Xa Tax. Nag shopping rin kami dito. Napaka raming tindang gold. Mababait ang mga vietkong at courteous pa. Wala akong nakitang matataba o malalaki ang katawn, lahat sila manipis ang katawan. Dito sa mall pwede ka ring tumawad sa presyo ng kanilang paninda. Nag picture taking ulit kami ng naka salukot. Bawat kalye na madaanan namin ay may tindang paintings magaganda at mura kaya lang halos lahat ay may simbolo ng kanilang bansa.

Masaya naman yung Saigon trip namin. Halos lahat inexpensive, ang pagkain at iba pang bilihin yon nga lang kokonti ang tourist spot nila pero the shopping is also great! Nakakatakot lang talaga tumawid (kami pa namang tatlo ay takot tumawid) And of course I really treasure the trip hindi lang dahil sa bansa kundi the time I spent with my friends. Mas lumawak pa ang pananaw ko sa mga bagay bagay. Hindi na ako bumabata so I have to do things na gusto ko kung pwede lang naman at syempre spend time with my dear friends. Love you mga friends…

 

MY TRAVEL IN BEIJING

Ang Beijing ang isa sa mga bansa sa Asia na pinaka gusto kong mapasyalan. kakaiba ang pakiramdam ko dito sa Beijing. Malamig ang simoy ng hangin, may magandang tanawin, masarap ang pagkain magaganda ang bulaklak, malinis ang paligid, maganda ang kapaligiran at moderno.  Marami akong napansing mga kagamitang sumisimbolo ng bansang asiano tulad ng mga pulang kasuotan, pamaypay at iba pang bagay na pulang nakasabit sa mga gusali doon. Pag baba namin sa airport may sumundo sa aming van ng hotel. Dinala kami sa isang restaurant at kami ay pinakain muna ng pananghalian.

Grabe ang lamig hindi ko yata kayang mabuhay doon sa lamig ng klima. Sobrang kapal na ng aking kasuotan , pero nanonoot pa rin ang lamig sa aking kalamnan.  Makikita sa balat ng aking mukha na namumula na ako sa lamig. Matapos kaming kumain ay dinala agad kami ng aming tour guide sa isang pasyalan sa Tiananmen Square. Hindi ko akalain na paglalakarin pala kami ng napakahaba hindi ko na mabilang kung ilang kilometro iyon, mabuti na lang at naka rubber shoes ako.Nilakad namin ang kahabaan ng Forbidden City Hindi naman kami nakaramdam ng pagod dahil maganda ang klima at nakaka aliw naman pagmasdan ang mga tanawin habang kami ay naglalakad kaya hindi namin namamalayan na napaka layo ng ng aming nalakad. Habang kami ay naglalakad lagi naming tanong sa isa’t isa kung gaano pa ba kalayo ang aming lalakarin sapagkat parang walang katapusan pati ang pareparehong desenyo ng mga gusaling aming nadadaanan. Pero nag enjoy talaga kami doon. Matapos naming marating ang dulo sumakay na uli kami sa van at dinala kami sa isang restaurant para maghapunan naman bago bumalik ng bumalik ng hotel.

Marami kaming lugar na pinasyalan halos wala kaming itinigil na oras sa hotel kundi tulog lang sa gabi. Nasulit naming lahat ang panahon ng aming itinigil sa bansang iyon. Busog ang aming mga mata sa mga kamnghamanghang paligid at pasyalan. Busog rin kami sa masasarap na pagkain. 

Ito  ang Tiananmen Square…..dito nangyari ang mala-edsa revolution ng mga estudyante. Ang tawag dito ay Tiananmen Square massacre.

 

 

Eto kami sa harap ng Forbidden City ang Imperial Palace. Ito ang tahanan ng mga Emperor doon. Handa na sa napakahabang lakarin. Kailangang naka rubbers shoes o kung hindi man ay kailangang nakasuot ako ng kumportableng sapin sa paa. Ito ang historical Complex na nagsisislbing tahanan ng mga Eperors doon. Mga 500 taon na ang nakakaraan.

Ito naman ang isang sanga ng puno (Branch-Interlocked cypresses) na makikita rin dito sa forbidden City. Sabi nila simbolo raw ito ng Loyal Love. The last emperor and empress of the Qing dynasty had their picture in front of this trees to show that “we wish to fly in heaven, two birds with one pair of wings, and to grow together on earth.” Nyak! ows!

Dito naman ako sa Temple of Heaven. The architecture in Ming Dynasty is in the south of Beijing.

Kuha ko ito sa Harap ng Ming Thombs or Shisan Ling. Ganda noh?

Ito ang Birds Nest .. Beijing’s National Stadium

Heto naman kaming 3 sa paanan ng Great wall of China great din ang experience namin dito.

Grabe! ang lamig dito halos hindi na ako makangiti at pati ang aking labi ay naninigas na rin sa lamig.Marami pa kaming napasyalan di ko lang alam kung saan yon. Napakaganda ng beijing! Salamat sa aking mga kaibigan sa pag-aaya sa akin na marating din ang bansang ito. 

MY TRAVEL IN BANGKOK

Isa sa mga bansang nais ko uling mapuntahan ay ang Thailand. Kaya isang malaking kagalakan para sa akin na sa wakas ay nakapunta na ulit ako dito noong isang linggo. Masarap at masayang mag travel kung ang mga kasama mo ay nag eenjoy rin. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na nag enjoy mamasyal mag shopping, kumain ng matatamis nilang prutas, nagkwentuhan at nagtawanan. Masarap ang pakiramdam na minsan e nasa iba kang lugar at ang nakikita mo lang ay ang buong paligid noon.  Makakalimot pansamantala sa mga matitinding gawain dito sa atin tulad ng ating mga trabaho na iyon at iyon araw-araw.

  

Pangatlong beses ko ng napuntahan ang bansang ito at siguro hindi pa rin ako mag sasawang bumalik dito. Ilang araw lang kami ngunit masasabi ko na lubos naming nasulit ang pagtigil dito. Talagang nagustuhan ko ang bansang ito. Hindi ako nanghihinayang sa maikling panahon na yon dahil ito ay magsisilbing dahilan upang ako ay bumalik at ang planong ito ay lubos kong kinasasabikan.  Nakakatuwa ang mga paninda nila kahit sa pinaka maliit na kalye makikita mo ang sari saring paninda. Doon ay malinis at napaka lawak ng biliihan. Nakakatuwang mamili kaya kahit hindi mo naman kailangan ay mapapabili ka. Dahil lagi mong ikukumpara ang kalidad ng kanilang produkto sa atin pati na ang presyo nila.  Ang matatamis nilang prutas hindi mo pagsasawaan kainin kahit maya’t maya ay kumain ka nito. Hindi rin gaanong mahal kung ikukumpara sa halaga ng prutas natin. Ito ang isa pang dahilan kung bakit nais kong bumalik kasi di ako nagkaroon ng chance na makapag foodtrip yun pa naman ang isa sa mga binalak kong gawin pag dating ko dun kaso kapos na kami sa araw.

  

Ang Thailand ay isang magadang lugar para e explore. kahit halos pareho lang ang klima sa ating bansa pero may napansin ako na kakaiba sa pakiramdam kahit ka pagpawisan sa tindi ng init ng araw parang hindi ka makakaramdam ng panlalagkit ng katawan kumpara dito.  Hindi gaanong maalikabok kahit tuyong tuyo ang lupa sa paligid.  Ibang iba ang kultura nila, mababait din ang mga thai, masarap din ang pagkain, aliw din ako sa pamamasyal, pamimili at siguro kung makakapunta rin kayo dito ito rin ang sasabihin ninyo babalik ulit ako.

          

Nagpasyal rin kami sa  lugar ng mga elepante, ang Samphran Elephant Ground and Zoo.  Sumakay kami sa tourist van may mga kasabay rin kaming turista na dun din ang punta at ang iba naman ay sa Rose Garden  nagtungo, magkalapit lang ang lugar ng mga Elepante, Crocodile Farm at ang Rose Garden. Dito raw sa Rose Garden ay makikita ang mga Thailander na mahahaba ang leeg at cultural dances ayon sa aming tour guide. Malayo ang lugar na ito sa syudad kung ikukumpara sa atin siguro Manila to Laguna ang layo.

  

Mainit sa lugar ng mga elepante pero mag eenjoy ka sa kanila. Sa Manila Zoo lang kasi ako nakakita ng elepante at isa lang yon. Heto na ang mga elepante na nagpapakitang gilas at umi eksena sa harap namin. May nagsasalita ng  english recorded na siguro yon para ilarawan ang pag pasok ng mga elepante sa loob ng kanilang pagpapakitaan ng kanilang talento. Naka fall in line pa sila nakakatuwa kung paano sila naturuan ng ganong gawain tuwid ang linya na nakahawak ang mahabang ilong sa buntot ng nasa harapan nila.  Nakalinya sila ng tuwid sa aming harap at umiksena na may nag pose na parang mag papakuha ng larawan, may nag papa cute, may ala doggy style, may naghoholahop, may tumutuwad na parang ipinapakita ang kanyang puwet, nakaupo, naka halumbaba at marami pang iba.  Pagkatapos magkakalinya uling pumasok sa kanilang pinagtataguan at ng lumabas ulit ay inilarawan naman ang history ng mga mammals sa Thailand tapos binanggit ng nagsasalita ang naitutulong ng mga elepante sa kanilang lugar. Ipinakita rin ang paraan ng mga elepant hunters para hulihin at i-trap ang mga jumbo dumbo.  Tapos ipinakita rin ang layunin ng mga elepante  sa naging war kung saan nakasakay sa likod nila ang mga warriors.

   

Nakakatuwa talaga sila nakadamit rin sila na parang kapa na may design ng mga country hehe!  Palakpakan ang mga nanonood  Nagpahanga na naman sila may isang nag tatambol gamit ang mahaba niyang nguso, may sumasayaw, may tumutugtog ng malaharmonika gamit ang kanilang bibig. Maya maya pa ay nag pasiklab ng talento sa socker kanya  kanyang sipa pag shoot sa goal.. hehehe! aba ang galing talaga!. Pagkatapos ay may nagsalita na pwede ng bumili ng tubo para ipakain sa mga elepante. At para namang may isip yong gustong mag papicture lumlapit sa elepante at magpopose din sila kakatuwa tapos hayun kung gusto mong bigyan sila ng 20 baht at ginagamit nila sa pag tanggap ng pera ay ang mahaba nilang nguso.

     

%d bloggers like this: