NAKAKARAMDAM KA BA NG LUNGKOT?

Bakit ganun minsan nakakaramdam tayo ng lungkot kahit wala namang dahilan? Yon bang tipong parang gusto mong lumuha na parang naiinsecure ka o di kaya parang may naalala kang tao na parang gusto mo papansin. O di kaya naman matatahimik kang bigla na para bang may malaki kang problema. Tapos tatanungin mo ang sarili mo bakit ang lungkot ko parang naawa ka pa sa iyong sarili. Sa totoo lang ako mismo naranasan ko yan.

Totoong kung minsan ay nakakaramdam tayo ng lungkot kahit pa ang masayahing tao nararanasan din nila yan. Maaring ang dahilan ay tao. bagay, mga nakaraang pangyayaring nag dulot sa atin ng lungkot sa buhay. Magka ganun man ay nakakaya pa rin naman nating maging masaya ulit pwedeng mamaya o bukas o itulog na lang at pagka gising wala na yan.

Minsan kasi pinagsasabay sabay natin isipin ang mga simpleng problema kaya hayun ang resulta hindi mo na alam kung alin dun sa mga problemang yon ang dahilan ng lungkot nating nararamdaman. Tapos minsan mapapabulalas tayo ng tanong sa ating sarili na bakit nga ba ako malulungkot may mga nagmamahal naman sa akin, may pera naman ako, kumakain naman ako ng masarap, may hanapbuhay naman ako?

Dapat ba tayong makaramdam ng lungkot? Sa isang banda hindi talaga ako dapat malungkot hehe! Dapat ko lang maisip yung magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Yon na yon! O sya magsaya na magsulat na ng magsulat….Hahaha! at tumawa ng tumawa para mas lalo raw bumata ang pakiramdam sana pati mukha at katawan. Hehehe!

Advertisements

LIBRO, AKLAT = BOOKLAT

 

Libro na naman! dami na ng books dito tapos na ba basahin lahat yan! Yan ang linya ko kapag may nagpapabili ng books sa bahay.

Naalala ko noong panahong nag-aaral pa ako ang  tamad kong magbuklat ng libro, ngunit pag ibinigay naman ng professor namin ang listahan ng mga aklat na bibilhin mabilis pa sa alas kwatro nasa Recto na ako. Pag uwi ko ng boarding house bubuklatin ko na, pero mga larawan lang ang tinitingnan ko. Natatapos ang aming klase bago pa rin ang aking mga libro, e paano hindi ako mahilig magbasa maging tagalog man ingles pa kaya? Habang ang aklat ng aking mga kaklase ay puro may guhit na ang mga importanteng words at may mga nakasulat pa sa mga gilid ng pahina, ang sa akin malinis pa rin. Minsan nakikibasa na lang ako sa kanila kasi yong ibang mahirap na salita may isinulat na silang kahulugan basta ayaw kong marumihan ang aking libro. Kung gaano naman ako kaingat sa aking mga libro noon hindi ko naman malaman kung nasaan na ang mga iyon ngayon…hehe!

Hindi talaga ako mahilig magbasa ng kahit na anong books kabaligtaran naman ako ng aking anak habang nagbabasa ng books tungkol sa course nya kasabay ring nagbabasa ng pocket book. At minsan kung nasa pilikula ang kanilang binabasa panonoorin pa rin nila, pero hindi sa sinehan bibili ng dvd at sa bahay nila seryosong panonoorin.

Naalala ko pa rin noong nag specialized ako ni hindi ko man lang talaga nabuklat ang aking libro halos dikit dikit pa rin ang mga pages nito. Wala lang, parang inintindi ko na lang ang ipinapaliwanag ng aking professor.

Speaking of books meron pala akong hindi malilimutang libro, noong naperfect ko ang departmental exam namin, final examination yon sa isa kong subject, manipis lang ang book na yon, pero paulit ulit ko mang basahin hindi ko pa rin  gaanong naiintindihan ang bawat nilalaman kaya sinaulo ko na lang ang nakasulat sa lahat ng pahina, pag dating ng departmental exam namin naperfect ko hehe! ano pa e di naipaskil ang pangalan ko sa kaperasong papel na nakadikit sa bulletin board ng school namin.

Sa tuwing magpapabili ng libro ang aking mga anak lagi kong sinasabi sa kanila na kung pwede sa internet nyo na lang basahin ang lesson ninyo hehe! kasi ang mahal ng books ngayon, hindi ko naisip na hindi ko nga pala sila katulad na hindi mahilig magbasa.

 

ORASAN

Marami ang bata na mahilig sa relo (wrist watch) hanggang sa sila ay lumaki, magdalaga at hanggang sila ay magka edad na tulad ko. Masayang masaya sila na mapasalubungan o mabigyan ng relo kahit pa ito’y mumurahin at higit kung ito’y isang kilalang pangalan ng relo.

Sumubok rin naman akong magsuot ng relo lalo na nung nasa koleheyo pa ako, ayaw kong malate sa klase. May mga nagpapasalubong at nagbibigay rin naman sa akin ng relo sinusuot ko rin noong nag aaral pa ako pero nung makatapos na ako at nagka trabaho hindi ko na  nakahiligan, ni hindi ako naingganyang tumingin ng iba’t ibang uri at tatak ng relo para sumubok na bumili.

Sa buong buhay ko wala pa akong natandaan na bumili ako ng relo (wrst watch). Para kasing kontrolado ang kilos ko at may kailangan pa akong ingatan sa braso ko na baka mapabangga at mabasag. Mas lalo na ngayon na lagi akong nagbabasa ng kamay dahil sa uri ng aking trabaho. Isa pa ayaw ko yong may lagi akong ikinakabit o isinusuot na alahas sa aking katawan at pagkatapos ay tatanggalin ulit lalo na kung maliligo. Mayroon akong isinusuot sa daliri ko tanging wedding ring lang namin na hindi ko tinatanggal sa aking daliri kahit maglaba ganun din ang aking hikaw maliban kung maisipan ko lang linisin. Hehehe! Kahit ang magsuot ng kwintas na ginto ay hindi ko rin nakahiligan. Nagkaroon din naman ako ng kwintas hindi ko na iyon tinatanggal sa aking leeg kahit maligo pa ako, ngunit noong mahablot sa akin hindi ko na iyon pinalitan para magkaroon ulit ng bago. Sa ngayon paminsan minsan ay nagsusuot na ako ng fancy necklace, subalit wala pang 2 oras tinatanggal ko na ulit pakiramdam ko kasi para akong nasasakal sa nakatali sa aking leeg. Hehe! 

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuot ng relo? Kung alam mo nga ang oras, pero tinatamad ka pa rin kumilos, late ka pa rin sa mga plano mong puntahan, laging nagmamadali at natataranta, lagi kang nagkakandarapa sa pag aayos dahil late ka na sa pagpasok sa eskwelahan at ganun din sa iyong opisinang pinapasukan. At ngayong wala na akong sinusuot na alahas sa aking katawan kahit simpleng relo wala ng mahihita ang mga snatcher sa akin kaya magi sip isip kayo mag aaksaya lang kayo ng oras sa akin.

KWENTO KWENTUHAN

MGA BAGAY BAGAY NA KWENTUHAN AT  SIMPLENG KARANASAN

UNANG SAKAY NG EROPLANO

Unang byahe ko noon patungo ng Bangkok Thailand, kasama ang 2 kong kaibigan. Excited ako syempre kasi unang sakay ko ng eroplano 2006! Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano at nasa itaas ka ng himpapawid, sari sari ang laman ng isipan ko na paano kung bumagsak ito paano ang mga anak ko, paano ang mga maiiwan ko? bsta marami. Nakaramdam ako ng takot at nerbyos.

Habang patungo na ako sa loob ng eroplano nanginginig ang aking katawan. Doon ako pinaubo ng aking kaibigan malapit sa bintana para makita ko ang tanawin sa labas habang papalipad ang eroplano.  Ang mga stewardes, asikaso kami sa aming mga kailangan, tulad ng headphones para makinig kami ng music, kumot, baka malamigan kami sa aircon ng eroplano, pero halos hindi ko pinansin lahat ang mga ito, ang nasa isip ko ang magdasal na makarating na kami ng maluwalhati sa aming bansang pupuntahan at asikaso rin kami sa pagkain.

Mahigit tatlong oras ang byahe namin noon at halos gusto ko ng hilahin ang oras para makababa na kami ng eroplano at matapos na ang nararamdaman kong takot! Wheww! Nakakapa buntong hininga!

Naranasan rin ba ninyo ang naranasan ko?

  

PAGOD BA O INSOMNIA?

Dalawang gabi ng hindi masarap ang aking tulog marahil dahil sa pagod ng aking katawan at isip sa dami ng iniintindi, mga reklamo ng tenants atbp. Tapos sa bahay akong lahat ang gumagawa ng trabahong bahay. Idagdag mo pa ang isang katutak na bayarin na nagkasabay sabay na naman. Napasabay pa ang pagpapa ayos ko ng aking clinic ang daming ligpitin grabe!  

Kaya malamang ang nararanasan kong sleep disorders ay pagod sa pang araw-araw kong ginagawa. Nakaranas na  rin ba kayo  nito?

 

SAAN MO NGA BA MAKIKITA ANG TUNAY NA PAG-IBIG

Marami ang taong naghahanap ng tunay na pag-ibig. Kahit saan daw ay ‘pwede mong makita ito, pero paano mo malalaman kung ang nakita mo ay totoo? Kalimitan ang kwento ng pag-ibig ay nasa parte ng mga kanta, palabas na drama sa TV at pelikula, at hindi lahat ng kwento ay pawang madali makita ang tunay na pag-ibig at kahit sa totoong buhay ay hindi naman laging masaya ang kinahihinatnan.

Merong love triangle o kaya one sided love at alin man dito ay nagbibigay ng sakit sa ating damdamin. Pero marami naman ang nagiging matagumpay na makakita ng kanilang partner sa buhay at nagiging tapat sa kanila.. Ano kaya ang sekreto nila?

%d bloggers like this: