(Tula) RAYUMA KONG MASAKIT

 

Itong aking rayuma sobra ang lupit

Pati sa aking siko ay sumingit

Ang pagkirot ay hindi ko na matiis

Ang braso ko’y namimilipit sa sakit

 

Pati ang aking tuhod ay kumikirot

Kelangan ko na yatang maipahilot

Nang ginhawa sa akin ay maidulot

Lalo  sa paglalakad kong nakatikod

 

Ang pagkain ba ng bawal ang dahilan

Kaya kasu kasoan ko’y dinapuan

Nang ganitong uri ng karamdaman

O namana ko lang sa aking magulang?

 

Kung minsan ay hindi ko rin maiwasan

Ang mga pagkaing ipinagbabawal

Pagkat sa sarap ay nakakalimutan

Na may rayuma palang dapat ingatan

 

Panaghoy ay ‘di maiwasang masambit

Kapag umiral ang rayumang kay sakit

Lalo kung ang paa’y aking ihahakbang

Tiyak lakad ko nito’y mapapagiwang

 

Katawang nakahiga ng pabaluktot

Sa hating gabi mayrong biglang kikislot

Kayat ang aking pagtulog ay bantulot

At puyat naman ang tangi nitong dulot

 

Kaya dapat ko na talagang iwasan

Ang mga pagkaing ipinagbabawal

Nang ang rayuma ay huwag ng umiral

At manalasa pa sa aking katawan

Umatake na naman sa pag kirot itong rayuma ko. Grabe talaga itong joints ng hinlalaki ko sa paa maumbok na at talgang napa sakit. Halos hindi ko na masuotan ng buong sapatos. Kapag umiinom ako ng gamut nawawala ang kirot ng kasu kasoan ko pero ayaw ko rin namang masanay baka ibang parte naman ng aking katawan ang maapektuhan ng gamut. Halos hindi rin ako patulugin sa gabi bigla na lang may kikirot lalo na sa mga daliri ko sa kamay hindi ko maiunat o maitiklop. Tinula ko na lang ang hirap ikwento e. Hehe!

Advertisements
%d bloggers like this: