AANDAP-ANDAP

Matagal nanamlay ang aking mga kamay

Sa pagsusulat pansamantalang humimlay

Sa pagkakalugmok hindi na nakagalaw

Animo’y kasintahang iniwa’t namanglaw

 

Nakatitig sa keyboard animo’y bangag

Matamlay ang utak at aandap-andap

Marahil wala ng kwentong maisulat

Wala na ring bagong balitang nakalap

LIBANGAN KO ANG MAGSULAT

Naging madalas kong aliwan ang pagsususlat

Ang humabi ng tula sa halip makipag chat

Dito’y madali’t malaya kong naihahayag

Ang mga katagang sa inyo’y nais  ilahad

—–

Kapag tuluyang dumaloy sa isip ang paksa

Para sa aki’y ‘di mahirap magtugma tugma

Madali kong naaabot tamang talinhaga

At sa pag-iisip ‘di ako natutulala

—–

Kahit anong pangyayari, aking masalabid

Agad kong ginagamit ang naisipang tiknik

Mabilis kikilos ‘di magpapatumpik tumpik

Hahagilapin ang keyboard at isasatitik

—–

At kung hindi ganado sa pag katha ng tula

Napaka hirap mahagilap tamang salita

Na waring utak ko’y mistula ng nakokorta

At pati mata kong dilat, nagmumuta na

—–

Tulad ngayong katahimikan ng hatinggabi

Di dalawin ng gana sa tulang hinahabi

Mabuti pang tumayo’t maghilamos sandali

Upang maibsan mga mata kong nanghahapdi

—–

Nagkabuhol buhol na rin itong aking utak

Sa kakaisip sa mga gawain ko bukas

Ang oras pa naman ay kay daling lumilipas

Nag-aabang na gawain ko’y namumutaktak

—–

Heto’t matutulog pa lang ay iniisip na

Ang pagkaing lulutuin bukas ng umaga

Ilang oras lang itutulog, ipapahinga

At manok ng kapit bahay ay titilaok na

—-

Magkakape pa sana ako’t magtitinapay

Pag tingin ko sa garapon ay walang asukal

Kaya tumungo sa paminggalan at namungkal

Subalit wala na rin palang natirang bahaw

—–

Mabuti pa kaya’y matulog ako ng mahimbing

Kaysa isipin ko na agad ang aking pag gising

Pagkat wala na rin palang bigas ni katiting

Pano na ang pag gising kung walang isasaing

—–

Mabuti na lang at bukas ay araw ng linggo

Tiyak tanghali ang gising ng mga anak ko

Makakapamalengke pa’t makakapag luto

Kaya may solusyon rin sa pinoproblema ko

—-

O’ Kay hirap naman ng walang kasambahay

Wala man lang makatulong pag-uwi ng bahay

Ang mga anak pagod na rin galing eskwelahan

Kaya lahat ng gawain ay pagsisikapan

—–

Dito sa pagsusulat sarili ko’y inaaliw

Nahahasa pa itong utak kong inaagiw

Kahit ano mang bagay ay isinisiwalat

Walang paki alam kung mga mata’y mapuyat

MAGSULAT

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagsulat ng tungkol sa aking sarili sapagkat puro pag likha ng tula ang aking nakagawian nang ilang buwang nakaraan. Paano raw ba ang mag sulat at gumawa ng simpleng tula? hehe! hindi ako nagsusulat nagtatype lang ako. Hindi ako gumagamit ng papel, ballpen o lapis kaya, MS word ang gamit ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano magsulat. Wala naman akong pagsasanay para sa pagsusulat. Ibinabase ko lang sa aking mga karanansan at mga nakikita sa paligid ang aking isinusulat o tinutula kaya. Hindi ko rin alam kung may sense ang sinusulat ko o ang tulang ginagawa ko, kasi nga hindi naman ako bihasa na magsulat at gumawa ng tula.

Maaring gusto ko lang magkaroon ng mapaglilibangan. Hindi ko kasi hilig ang maglaro ng mga games sa computer, kaya ito ang naisipan ko ang magsulat hanggang sa naisipan ko na rin humabi ng tula. Ang pag tula naman maaring namana ko lang sa tatay ko, pero di ko kaya pantayan ang kakayahan ‘nya sa pag tula.

Masaya ang pakiramdam, tuwing magsusulat ako o makakalikha ng isang simpleng tula, minsan para nga akong loka loka na pangiti ngiti hanggang sa tumatawa na habang gumagawa ng tula o nagsusulat. Masaya na ako kahit hindi nababasa ng iba basta naisulat ko lang ang gusto kong sabihin.

Wala akong pinipiling oras kung kelan ako magsusulat kahit umaga, gabi at kahit pa nga nakahiga na ako, pero kalimitan ay sa umaga habang nagluluto at naghahanda ng almusal. hehehe! kaya ‘nyo yun?

Hindi pa rin biro ang magsulat, dapat pa ring maging maingat sa bawat kataga at pangungusap dahil maaring makasakit sa kapuwa ang ibang salita na bibigkasin at susulatin ko.

LATAK

Magulo ang isip ko ngayon busy sa trabaho at ilang bagay bagay. Tinatamad akong magsulat. Kahapon pa ng umaga ako nag-iisip kung ano ang pwede kong isulat na kwento dito sa aking blog site, pero wala akong mapigang bagay na maisulat parang puro latak na lang ang laman ng aking utak. Ilang araw na rin akong hindi nakakapag update.

Hindi biro ang mag maintain ng isang blog, kailangan maging malikhain ka sa iyong mga paghahayag para naman maging kaigaigaya ang kanilang pagbabasa. Mahalaga na may maisulat kang kwento kahit isa sa loob ng isang linggo. Kung kaya naman makapagsulat ng araw-araw mas lalong mabuti. Mahirap talaga. Gusto kong magpost ng entry kaso tinatamad akong tumipa, ayoko rin mag-isip. Kanina pa nagtatalo ang kaliwat kanang bahagi ng aking utak kung  magsusulat ba ako o hindi.

Ikwento ko na lang kaya ang buhay ng kapit bahay naming magsusugal na ang asawa ay nagtitinda ng kikiam sa labas ng bahay nila, tapos ang mga anak puro minatamis na kung ano ano ang tinda? May halo halo, banana que at kamote que.  Wag na lang kaya mukhang hindi ko rin naman gusto ang chemistry ng kanilang pagsasama.

Wala talaga akong maisip. Pipilitin ko pa bang magsulat? Bukas na lang kaya baka may laman na ang utak ko.

WALKING AID

Nabanggit ko ang matamis naalala kong bigla, kanina pala bumili ako ng walking aid ng nanay ko. Medyo mahina na at wala ng kakayahang mailakad ang kanyang mga paa dulot ng sakit niyang diabetes. Mahirap kapag ganito ang karamdaman ng isang tao. Totoo bang dahil sa sobrang pagkain nya ng matatamis kaya sya nagkasakit ng diabetes? Ang sama naman ng kumplikasyon nito, posible rin daw mabulag at magkasugat na matagal gumaling.

Hehehe! Meron palang isang bagay na halos kapareho nito ang mararanansan mo kapag lumabis ang iyong paniniwala sa matatamis na pananalita, pwede kang mabulag at makaranas ng sugat na matagal gumaling.

 

Protected: WALA AKONG MAISIP NA PAMAGAT

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: NAIS KONG MATUTONG MAGSULAT

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Internet

Palibhasa ay unlimited ang internet at kung sawa ka na sa kakapanood ng mga palabas sa t.v. ng mga teleserye at kung ano ano pang palabas maiisip mong humarap sa computer para mag research mag  facebook,  manood sa youtube, maglaro, magdowload ng music,  movies at kung ano ano pa. At hayun kapag nagsawa ka na rin sa mga iyan maiisipan mo na lang na mag blog.

%d bloggers like this: