PAGTITIPON

God is Love…Ito ang aking nabungaran sa loob ng kwartong iyon sa Peaksun bldg. Inaya ako ng isa kong kaibigan para makipag prayer meeting at naka 2 beses na akong sumama sa kanya. Sa totoo lang nakakatuwa naman, kasi 7 lang kami at unang pagkikita pa lang namin parang matagal ng magkakilala. Ang akala ko nga talagang seryosong mag-aaral ng bibliya o may isang tagapag salita.

Hindi ko hilig ang umalis sa bahay para magtungo sa ganitong klase ng pagtitipon. Yayain mo akong makipag party at mabibigo ka, yayain mo akong makipag swimming mabibigo ka rin, yayain mo akong manood ng sine maaring mabigo ka rin, pero yayain mo akong kumain sa labas naku! mabilis pa sa alas kwatro nakagayak na ako. Hehehe! joke lang.. May hilig din naman ako sa gala kahit nga mag isa lang ako, pero hanggang sa mall lang, kung may importante lang bibilihin o kaya kasama ko ang mga mahal ko. Pero kung ibang tao bukod sa matalik kong kaibigan wala na akong gustong kasama. Mas kumportable akong nandito lang sa aking trabaho na mag isa o ang kausap at kakwentuhan ay mga pasyente, narito ang konsentrasyon ko. Dito lang sa aking trabaho marami na akong natututunan sa buhay kapakipakinabang man o hindi.
 
May napansin naman akong maganda sa kanila masasaya at laging nakangiti na para bang matagal ng magkakasama, nagbabahagi ng mga karanasan, sariling pag uugali at higit sa lahat para madagdagan ang mga kakilalang magiging kaibigan, pero maaring  doon lang sa kwartong yon pwedeng mangyari yon at hindi ganung kalalim o permanenteng kaibigan.
 
Sa loob ng 2 araw na iyon marami na silang naikwento at naibahaging pansariling ugali at karanasan pero ako nanatiling walang imik at patuloy ko lang silang pinakikinggan. Naiisip ko, na kung ang magiging layunin ko lang sa pagtungo rito ay makapagdagdag ng mga kaibigan at sumaya, siguro hindi na lang marami na ako nito hehehe! joke… Kasi tunay at totoong kaibigan lang ang gusto ko at ayaw kong dayain ang aking sarili.
 
Ang pagiging masaya naman ng tao e nasa pan sariling desisyon. Marami na rin akong beses na nag depende ng aking kasiyahan sa ibang tao, pero karamihan ng pagkakataong ‘yon parang wala rin. Naniniwala akong kaya mong maging masaya kahit anong oras ang gusto mo, pero ang paniwalang nakadepende sa isang tao ang kasiyahan mo e ewan ko, dahil hindi mo kayang kontrolin ang nararamdaman ng ibang tao para sa’yo, pero kaya mong ibigay ang bagay na makakapag pasaya sa sarili mo di ba?

ANO NGA BANG KASIYAHAN ANG GUSTO NATIN? (Part 3)

Iba’t iba ang antas ng ating kasiyahan, may mababaw at may malalim. Sino nga ba ang taong may malalim na kasiyahan? Sila ang mga taong matapos makamit ang mga pangarap sa buhay ay hindi pa rin sumasaya. Hindi pa rin nakakaramdam ng kasiyahan bagaman natupad na ang mga pangarap na mithiin nila sa buhay sa kabila ng paghihirap at pagsusumikap, mas nakakaramdam sila ng inggit sa mga taong naiwang mahirap dahil sila ang masasaya ngayon at laging nakangiti na parang walang mga problema? Ibang pangyayari naman ito matapos ang lahat ng pagsusumikap nila e kalungkutan pa rin pala ang kahihinatnan, pero totoong nangyayari ito sa isang tao dahil na rin siguro sa kalaliman ng kanilang kasiyahan.

Sino naman ang taong tinatawag nating may mababaw na kasiyahan o kaligayahnan sa buhay? Mga bata na lang yata ang may mababaw na kasiyahan sa ngayon. Mababaw daw ang iyong kasiyahan kung sa simple at paulit ulit na patawa ay natatawa ka pa rin kahit ang nagpapatawa ay hindi man lang natatawa sa sarili nyang patawa. Totoo kayang kapag mababaw daw ang iyong kasiyahan, mababaw rin ang iyong mga pangarap? At dahil sa kababawan mo e mababaw lang din ang iyong mararating sa buhay? Hehe!

Ito ang aking simple at mababaw na kasiyahan. Kapag nakakatanggap ako ng kahit na anong bagay o regalo maliit mang bagay ay napakasaya ko na. Sobrang ikinasisisya ko yan, halos hindi matapos ang ngiti at kagalakan ko hanngang sa pagtulog. Laging nasa isip ko at sobra kong pinahahalagahan kahit ano pa mang bagay yon. Kung yan man ay gamit halos maluma na yan sa taguan. Hehehe! ang oa ano, pero ganun daw ang mababaw ang kasiyahan e. natutuwa ako sa kanila dahil sila ang dahilan ng aking kasiyahan at nakakataba ng puso at yun bang kahit gaano ka kahirap sa buhay ay dama mo ang pagpapahalaga at pagrespeto ng ibang tao sa iyo.

Sa aking palagay lahat tayo ay may kanya kanyang taglay na kababawan, ayaw lang ipahalata ng iba. Ikaw ano ang mababaw mong kasiyahan?

PAANO NGA BA MAGING MASAYA?(Part 1)

Nakakatuwa naman itong kausap ko kanina matagal na kaming hindi nagkita at sa halip na naayos ko na ang ngipin ‘nya, ayun hindi ko nagawa at naubos na ang oras sa kwentuhan. Nakakatawa naman itong babaeng ito. Bakit raw mas bata ang mukha ko ngayon kesa dati? anong palagay mo sa akin nag paretoke hahaha! ang saya saya ko raw. Syempre nakita kita.  Oo masaya ako ngayon kesa dati  siguro dahil hindi ako makontento noon. Maraming iniisip, maraming mga pinaplano na gustong matupad. Konti lang naman ang mga bagay na inilista kong makakagaan sa aking pag iisip para maging masaya na ako. Mabuti pa raw ako at masaya my goodness naman! Maraming bagay ang pwede mong gawin para ikaw ay maging masaya at magsaya. Kung wala kang dahilan ay maghanap ka, kung wala kang mahanap, e gawin mong dahilan ang paghahanap para makaramdam ka ng saya. Hahaha! Ang gulo ko noh!

              

 

E, paano nga ba maging masaya? Subukan mo kaya ang mga ito…

1.    Ngumiti ka pagkagising humarap ka sa salamin at sabihin mong ang ganda ganda ko.

2.    Makipag telebabad ka ng mga apat na oras, yon e kung may matyagang makikipagkwentuhan sa ‘yo sa telepono ng ganong katagal

3.    Lagi kang ngumiti, maging positibo sa lahat ng oras at mag bigay ng magandang puna sa ibang tao (tulad ng pag puna mo ngayon sa akin).

4.    Kung hindi ka man matakaw kumain, dahil sa dami ng ipinagbabawal na pagkain sa mga sakit mo ngayon, Gamitin mo ang kasabihang “ Makita lang kitang kumakain e masaya na ‘ko”. Sabay kain na rin para mas masaya pa. hahahaha!. 

5.    Makipagkwentuhan sa fb ng walang kwentang kwentuhan pero at least masaya di ba? 

6.    Mag-isip ng magagandang bagay. Tulad ng isipin mo ang bagay na meron ka na wala sila. Tulad ng meron kang mcbook, ako’y wala matagal ko ng gustong magkaron ‘nyan. Tulad ng kaya mong maglaba habang namamalantsa. Bibihira ang may ganyang talent.  

7.    Mamasyal ka sa mall, sa tabing dagat, sa kagubatan at wag mong kalimutang magdala ng camera at kunan mo ang magagandang tanawin habang ikaw ay namamasyal na masaya.

8.    Isipin mong marami kang pera na kaya mong bilhin lahat ng gusto mo. Tulad ng pupunta ka agad sa car dealer at bibili ka ng jaguar tapos idrive mo na patungo sa luneta hehehe! ‘wag mo kalimutan sa isip mo lang yan ha.

9.     Magbasa ng blog ko araw-araw at wag kalilimutang mag iwan ng komento para lalo pang sumaya.

10.    Marami pang iba….

Maraming bagay ang nagpapasaya sa atin kahit sa sandaling oras lang.  Mga simpleng bagay pero nakakapag bigay sa ‘yo ng kaligayahan tulad ng mga magulang mo, kapatid, asawa’t mga anak at kaibigan,  isang kaibigan na handang makinig sa iyo kapag ika’y nalulungkot, tumutulong sa iyo upang mailabas ang iyong mga saloobin. At mas lalong higit ang mga biyaya na meron ka araw araw tulad ng kalusugan.

HAPPY THOUGHTS

 

hehehe! naranasan nyo na ba yung nagda drive ka o nasa biyahe ka…tapos may naalala ka… at bigla ka na lang tumawa… hindi naman siguro ako mababaliw ano?…sabi nga nila kung nahihirapan kang mag isip ng ibang bagay…think of happy thoughts…ito ang nangyari sa kin kahapon habang nasa gitna ng trapik at bumubuhos ang malakas na ulan.

%d bloggers like this: