Protected: PASIKOT SIKOT NA DAAN NG TAGUMPAY

This content is password protected. To view it please enter your password below:

MABUTI KA BANG TAO?

Paano nga ba masasabing mabuti ka ngang nilalang sa mundo? Ano ba ang kailangan natin para masabing mabuti na nga tayong tao? Kailangan bang pag aralan ito sa eskwelahan? Mag aaral daw kasi itong katabi ko, upang lalo ‘nyang mapabuti ang kanyang pagkatao. Hehe!

Ganun talaga eh, minsan hindi pa natin nakikilala ng lubusan, hindi pa natin nakakasalamuha sa kwentuhan at hindi pa man napapatunayan narinig lang natin sa tabi tabi, may paghuhusga na, Oo nga naman sabi nga ‘nya kung hindi ‘sya umimik o magsalita ang sasabihin nagmamalaki na, at akala mo kung sino, kapag hindi naki alam, sasabihin wala ‘syang paki alam makasarili at kapag nagsalita naman ang daming ipupuna san nga naman lulugar? Kung minsan mas nakakaintindi pa ang taong mas walang malawak na kaalaman para umunawa, mas hindi mo sila makikitaan ng panlalait sa kapuwa at madaling sumang ayon sa kinikilos mo’t gawa.

Minsan ang ugali naman ng tao pwede mong makilala sa kilos lang, pananalita at pananamit kahit hindi mo pa ‘sya kilalang lubos. Minsan sa pagbibitaw pa lang ng mga salita makikilala mo na kung anong pagkatao mayron ‘sya. Ang iba naman tumitingin sa panlabas na anyo kung papano ‘sya manamit o mag ayos sa sarili. titingnan ka, hahabulin ng tinging mapanuri at iyon may masasabi na tungkol sa iyo.

Naalala ko sa isa naming seminar sa Hapee Toothpaste sa Lamoayan, (thanks nga pala kay Boy & Sonia Lojo sa Night Mint) Alam ko mababasa mo ito eh, hehe! Ang topic namin noon ay tungkol sa Personal Image magaling ang aming speaker at talaga palang pinag aaralan ang tungkol dito para lagi mong maalala kung sino ka at kung ano ang dapat mong ikilos sa pagiging ikaw. Dapat daw lagi nating sambitin kahit sa ating sarili ang salitang “personal image” dahil dito masasalamin ang ating pagkatao at nang hindi tayo makalimot.

Siguro mas mabuti kung may panghuhusga man tayo sa isang tao kaibigan man yan o hindi sarilinin na lang natin at ‘wag ng ipaalam sa iba. Parang ganito “Do not do unto others what you don’t want others do unto you”..ok?

SAAN BA NASUSUKAT ANG YAMAN?

Marami ang taong naniniwala na nasusukat ang yaman ng isang tao kapag marami raw pera sa  banko. Ang iba naman ay naniniwala na kapag marami kang ari arian o lupain tulad ng mga kilalang mayayaman at promenenting tao dito sa ating bansa.

Para sa akin simple lang ang pananaw ko kung san nasusukat ang yaman ng isang tao, Yon bang tipong kahit sa panahon ng tag hirap ay may nadudukot pa rin. Iyong kaya nilang suportahan ang lahat ng kanilang pangangailangan sa araw araw tulad ng gusto mong damit, sapatos, pagkain, nakakapag paaral ng mga anak, kumpleto ang parte ng katawan, walang karamdaman o sakit, may masayang pamilya, mapagmahal na magulang, mga kapatid, at meron kang tapat at tunay na kaibigan at ganun ka rin sa kanila.

Ito pa ang iba, nakakapag internet, nakakapagsulat, nakakapagpahiwatig ng damdamin, nakakapag bahagi ng opinyon at nakakapag blog araw-araw. Hehehe!

Ang lahat ng ito at marami pang iba ay dapat nating ipagpasalamat sapagkat ang kayamanan ay hindi lang nasusukat sa materyal na bagay na ating nakakamit kundi sa kahalagahan na nakukuha natin sa ibang tao at mga bagay sa ating paligid. Palagi tayong  magpasalamat sa Dyos kung ano ang meron tayo sa araw araw.

Protected: BAWAT ARAW, ORAS PANAHON AY MAHALAGA (Part 1&2)

This content is password protected. To view it please enter your password below:

BAUL NG AKING MEMORYA

Bakit nga ba ako nagbablog? Oo nga ano… Simple lang … masaya sa pakiramdam. Hehe! Mahig kasi akong maikipagkwentuhan sa ibang tao, Hilig ko rin ang makinig sa mga opinyon at palapalgay sa kanilang karanasan sa buhay at mula sa kanila ay marami akong natututunan at napupulot na aral. Malimit sa aking mga sinusulat ay tungkol sa aking karanasan at pagkukwento ng mga bagong pangyayari sa buhay.Masarap kasing balikbalikan ang mga karanasan na nagbigay ng aral sa aking buhay. 

Lahat tayo ay pwedeng mag blog, hindi naman kailangang magaling kang mag ingles o magaling kang magsalita o magkwento. Hindi baleng sabihin nila na ang konri naman nito!… ang mahalaga ay ikaw iyan buhay at mga kwento mo ang isinusulat mo. Pero siguro kung wal kang talagang hilig sa ganitong bagay sa huli mawawalan ka din ng gana…. Minsan naisip ko rin na parang nakakhiyang magsulat ng kung ano ano lang, ngunit minsan di ko mapigilan parang adik na itong isip ko kakadikta ng isusulat e.

Siguro ay may mga taong nakakabasa at marahil sila rin ay nagtataka kung ano ba itong isinusulat ko, pero ngayon ay unti unti ko ng naiintindihan. Marami pa rin naman ang taong hindi alam ang ibig sabihin ng pag bablog  Ngunit ang hindi nila nauunawaan ay ang dulot na kasiyahan at luwag ng kalooban kapag ikaw ay nakakapagsulat ng mga kwento o nakakapag blog.  Dito mo nailalabas ang mg saloobin mo sa tuwing ikaw ay masaya, o nakakaramdam ng lungkot. Dito sa blog ay nasasabi mo ang lahat ng iyong sama ng loobo kahit na ano mang hinanakit, galit, inis o kahit ano pa mang emotions na nararamdaman mo. At minsan ang blog mo ang nagsisilbing kaibigan mo na handang makinig sa iyong mga istorya o kwento na minsan ay hindi mo masasabi sa mga taong nakapaligid sa iyo.  Minsan kapag punong-puno na ako, tipong gustong magbulalas ng galit at hinanakit, iba-blog ko lang. Tapos, mawawala na.

Para sa akin ang blog ko ang pinaka magandang taguan ng nilalaman ng aking utak. Ito ang pwede kong paglagakan o tagapag-ingat ng mga masasaya at malulungkot na nagyari sa aking araw -araw na pamumuhay. Kaya pag minsan nasa harap ako ng computer at may biglang pumasok sa aking isip, kaagad kong isinusulat. Dadating ang panahon at maaaring hindi na ako makapag sulat, tatanda na ako at lilipas ang mga alaala ko at dito sa simpleng blog ay naisulat ko ang masasayang karanasan, magagandang kwento o kahit pa ang malungkot, pagka inis at galit na nagyari sa buhay ko na pwede kong mabasa kasama ang mga anak at apo ko na sa panahong hindi na kaya ng aking memorya ang makapag sulat. Baka sakaling ang mga isinulat ko ay maka inspire pa sa kanila, at sana ay makapagbigay ito ng inspirasyon at saya kahit impit ang halakhak at ngiti nila.

 

PAMPARELAKS NG ISIPAN

Hahaha! Ibig kong matawa ng malakas kapag naaalala ko ang nangyari nung isang araw sa pagkakaupo ko. Itong kapit bahay ko ay tumawag sa akin, itinatanong ang number ng telepono nitong aking tubero at tatawagan raw niya, ……….sabi ko sandali at hahanapin ko pa, tatawagan na lang kita. Sa katagalan kong maitawag ang hinihingi, bigla na lang ‘syang sumulpot, tumambad sa harap ko at nagtanong,

bakit ang tagal mo itext ng hinihingi kong numero ng telepono? ay! kaya naman pala hindi mo maibigay ang hinihingi ko, nakababad ka sa harap ng computer e …. ano ba ang ginagawa mo jan?

“Wala”….  may “nireresearch” lang ako. Teka sandali lang….

kunyari pa ay sinampal sampal ko ang aking mga binti  na para bang may kumagat na lamok sabay kamot na rin, hilahilahin ko ang drawer ng aking lamesa na kunyari ay dun ko kukunin ang hinihingi ‘nya pati ang nakasalansan kong mga papeles sa ibabaw ng patungan ng computer ay inisa-isa ko na rin buklatin, pero ang totoo hindi ko malaman kung saan na nga ba ‘yon napasulat hindi ko agad naisip na nasa phonebook ko pala.

E, paano ba naman nasa kalagitnaan na ako ng aking pag susulat at kapag naistorbo biglang mawawala na ang idudugtong kong salita. Bigla ‘syang nagtanong kung ano ang aking ginagawa at sinusulat,  bigla ko rin syang nasagot na “nagba blog” hehehe! alam kaya ‘nya kung ano ang blog, kaya pabirong nagtanong sa akin,

ano ba iyan pagkikitaan ba ‘yan? ano ‘yong blog? bakit ka nagbablog.? Aba’y bakit nga baga? Hahaha! Wala lang…

Ang blog ko naman ay umiikot lang sa akin, mga karanasan ko noong bata pa ako, noong kabataan ko, hanggang sa nagka pamilya at ang iba ay pang araw araw na nangyayari na gusto kong isulat masaya man ito, malungkot may poot at kung ano ano pa. Para sa akin ang pagsingit ng pagsusulat sa bakante kong oras ay isang aliwan at pampalipas ng oras, nagdudulot ng saya sa aking sarili at pamparelaks ng isipan.

PAANO NGA BA MAGING MASAYA?(Part 1)

Nakakatuwa naman itong kausap ko kanina matagal na kaming hindi nagkita at sa halip na naayos ko na ang ngipin ‘nya, ayun hindi ko nagawa at naubos na ang oras sa kwentuhan. Nakakatawa naman itong babaeng ito. Bakit raw mas bata ang mukha ko ngayon kesa dati? anong palagay mo sa akin nag paretoke hahaha! ang saya saya ko raw. Syempre nakita kita.  Oo masaya ako ngayon kesa dati  siguro dahil hindi ako makontento noon. Maraming iniisip, maraming mga pinaplano na gustong matupad. Konti lang naman ang mga bagay na inilista kong makakagaan sa aking pag iisip para maging masaya na ako. Mabuti pa raw ako at masaya my goodness naman! Maraming bagay ang pwede mong gawin para ikaw ay maging masaya at magsaya. Kung wala kang dahilan ay maghanap ka, kung wala kang mahanap, e gawin mong dahilan ang paghahanap para makaramdam ka ng saya. Hahaha! Ang gulo ko noh!

              

 

E, paano nga ba maging masaya? Subukan mo kaya ang mga ito…

1.    Ngumiti ka pagkagising humarap ka sa salamin at sabihin mong ang ganda ganda ko.

2.    Makipag telebabad ka ng mga apat na oras, yon e kung may matyagang makikipagkwentuhan sa ‘yo sa telepono ng ganong katagal

3.    Lagi kang ngumiti, maging positibo sa lahat ng oras at mag bigay ng magandang puna sa ibang tao (tulad ng pag puna mo ngayon sa akin).

4.    Kung hindi ka man matakaw kumain, dahil sa dami ng ipinagbabawal na pagkain sa mga sakit mo ngayon, Gamitin mo ang kasabihang “ Makita lang kitang kumakain e masaya na ‘ko”. Sabay kain na rin para mas masaya pa. hahahaha!. 

5.    Makipagkwentuhan sa fb ng walang kwentang kwentuhan pero at least masaya di ba? 

6.    Mag-isip ng magagandang bagay. Tulad ng isipin mo ang bagay na meron ka na wala sila. Tulad ng meron kang mcbook, ako’y wala matagal ko ng gustong magkaron ‘nyan. Tulad ng kaya mong maglaba habang namamalantsa. Bibihira ang may ganyang talent.  

7.    Mamasyal ka sa mall, sa tabing dagat, sa kagubatan at wag mong kalimutang magdala ng camera at kunan mo ang magagandang tanawin habang ikaw ay namamasyal na masaya.

8.    Isipin mong marami kang pera na kaya mong bilhin lahat ng gusto mo. Tulad ng pupunta ka agad sa car dealer at bibili ka ng jaguar tapos idrive mo na patungo sa luneta hehehe! ‘wag mo kalimutan sa isip mo lang yan ha.

9.     Magbasa ng blog ko araw-araw at wag kalilimutang mag iwan ng komento para lalo pang sumaya.

10.    Marami pang iba….

Maraming bagay ang nagpapasaya sa atin kahit sa sandaling oras lang.  Mga simpleng bagay pero nakakapag bigay sa ‘yo ng kaligayahan tulad ng mga magulang mo, kapatid, asawa’t mga anak at kaibigan,  isang kaibigan na handang makinig sa iyo kapag ika’y nalulungkot, tumutulong sa iyo upang mailabas ang iyong mga saloobin. At mas lalong higit ang mga biyaya na meron ka araw araw tulad ng kalusugan.

%d bloggers like this: