SI CYSAI NA MALAMBING

How to get over you cysai?

Napilitan akong mag alaga ng aso. Hindi ko sana gusto sapagkat baka hindi ko maalagaang mabuti pero, sa totoo lang gusto kong may aso sa bahay, may hilig rin naman ako sa mga hayop palibhasa’y lumaki ako sa bundok marami kaming naalagaang hayop doon. Isang araw, may nagbigay sa akin ng aso dito sa clinic hindi ko natanggihan dahil unang tingin ko pa lang sa kanya cute na cute na ako para bang nakangiti nang iabot sa akin na nakalagay lang sa isang paper bag, isang buwan pa lang daw itong naipapanganak. Nagpainit ako ng tubig at aking pinaliguan, ginamitan ko ng hair blower para matuyo ang balahibo nya. Dinala ko agad sa Vet. Dr. para maikonsulta kung ano ang unang bakuna.
Pinangalanan ko ‘syang Cysai.
Nang iuwi ko sa bahay palit palitan ang mga anak ko sa paghawak na mukhang nalamog na. Ang cute talaga parang batang may malay na gustong kausapin at patawanin. Pinaliliguan ko si Cysai dalawang beses sa isang linggo bago ako umalis at magtungo sa trabaho ko noong araw. Ang huling tabo ng tubig na ibinubuhos ko pagkatapos ng dog shampoo ay nilalagyan ko ng fabric conditioner para mag amoy bagong laba. Binigyan ‘sya ng vitamins ng kanyang vet. Dr. at mabilis naging ganap na aso.
Kasama namin sa kwarto matulog si Cysai. Meron din itong sariling kumot, higaan at malimit katabi namin sa pagtulog. Kahati ko sa aking unan. Matyaga naming naturuan si Cysai kung saang parte ng aming garahe dudumi at iihi. Lumaki itong malinis at madiriin. Ayaw nitong tumapak sa basang sahig. Bihirang lumabas ng bahay si Cysai kapag aking inilalabas ay karga karga ko kahit napakabigat niyang aso. Marami ang napapatingin sa kanya dahil sa makintab niyang balahibo. Babae si Cysai kaya dalawang beses magkaroon ng dalaw sa loob ng isang taon. Nagpapalgay naman ‘sya ng diaper kasi parang nadidirian din ‘syang pumapatak sa sahig ang dugo nya.
Akala ko noong una madali lang ang mag-alaga ng aso, hindi pala. Ayaw kumain ng kanin at ulam namin kaya napilitan akong bumili ng dog food noong una, hanggang natutunan na ‘nya ang kumain ng kanin at nilagang atay ng manok. Magastos rin pala, Bukod sa pagkain updated din sa mga bakuna. Dati rati malimit akong bumili ng accessories sa leeg pero katagalan di ko na rin naibili pa dahil lumaki na at parang hindi na rin bagay na may nakapulupot sa leeg nya.
Noong una akala ko ok lang ang pahaplos haplos sa balahibo, kargahin, pakainin at minsan kausapin na parang bata. Pero sa katagalan pati damdamin ko napalapit na rin kay Cysai na para ko na ring anak. Walang araw na hindi ko nababanggit sa kasama ko sa bahay kung pinakain na o kumustahin. Hindi lang pala basta haplos lang ang ginagawa namin kung hindi may pagmamahal ng kaakibat. Sabi ko noon aso lang yan, pero pati pala ako nahuhulog na ang damdamin sa pag aalaga kay Cysai.
Malambing si Cysai, maharot katulad ng ibang aso. At ‘di nagtagal parang isa na rin sa mga anak ko kung kausapin at para namang nakakaintindi sa aming mga utos at sinasabi. Nung una natatawa ako pag kinakausap ni manang na parang bata ganun din ng mga anak ko, yun pala ay mas malala pa ako sa kanila dahil bunso o baby ang tawag ko sa kanya. Nakakawala ng pagod, tension, sakit ng ulo at kung ano -ano pa dahil na rin sa pag aalaga ko kay Cysai. Kapag karga ko si Cysai lagi kong sinasabi na ikaw ang pampababa ng BP ko, ikaw ang nakaka alis sa mga masasakit na nararamdaman ko sa katawan. Matutuwa ka talaga ayon sa kasama ko sa bahay lagi raw nakaabang sa pintuan sa aking pagdating. Malayo pa raw ako parang alam na parating na ako. Di na raw yan mapakali at kahol ng kahol sa harap ng kasama ko dito sa bahay at pagbusina ko nga para buksan ang gate paroon parito at nakasampa na sa sofa para silipin sa bintana ang sasakyan ko habang papasok sa garahe. Pagpasok ko ng bahay para itong bata na gustong magpakarga at humalik sa akin. Kung hindi ko pansinin, naglulungkot-lungkutan at tapos tinititigan ako na para bang iiyak, kaya naman di ko matiis kakargahin ko na at hahalikan. Panay ang dila sa paa at kamay ko. Nakatingin sa akin habang kumakawag ang buntot. Sa kwarto namin ito natutulog minsan katabi ng mga anak ko minsan sa akin. Ang nakakatuwa pa sa kanya hindi sya aakyat sa itaas hanggang hindi pa rin ako umaakyat at kahit naiwan pa sa ibaba ng bahay ang aking mga anak.
Isa pang nakakatuwa sa kanya ang paghabol sa akin na parang bata. Basta nasa bahay ako at alam na wala akong pasok oras na kinuha ko ang susi ng sasakyan nangunguna na yan sa paglabas at nakaabang na sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. Huwag na ‘wag kang magsasalita ng salitang “sasama” at hindi ka ‘nya titigilan ng pagkahol at pagkagat sa kamay ko para kunin na ang susi ng sasakyan. Nasanay kasi na kasama ko sa paghahatid sa mga anak ko sa school, kaya pag nakita na naka uniform ang anak ko laging nakatingin sa kilos ko para sumama. Minsan magsusundo ako sa isa ko pang anak (Jian} ng 12midnight sa Roxas Blvd. talagang humahabol ayaw talaga pumasok ng bahay kundi pinagalitan ko pero parang ang sakit sa loob ko. Malayo na ang nararating ng sasakyan ko hindi ko natiis binalikan ko tamang tama pabalik na ako noon nagtex ang anak ko na umuungot pa rin si Cysai parang masama pa rin ang loob na iniwan at pinagalitan. Halos maluha na ako. Laking tuwa ni Cysai nang nakita ako na binalikan ko parang alam na isasama ko, agad lumabas at naghintay na mabuksan ang pinto ng sasakyan para sumakay. Mas lalo pa akong napaawa dahil panay ang dila sa pisngi ko, sa braso at sa kamay habang ako’y nagmamaneho siguro ibig sabihin ‘nya thank you mommy I love you! (I love You too Cysai!) Siguro gusto ‘nya lang akong samahan dahil mag isa lang akong aalis hatinggabi pa naman.
Minsan nagkasakit si Cysai ayaw kumain, malungkot, iyon pala may lagnat daw. Sabi ng Vet. dr. iconfine ko raw ng isang araw . Di ako pumayag dahil iiwan ko ‘sya sa hospital. Siguro mga 2 years old pa lang siya noon, pero para namang bata na sumunod sa sinabi kong ako na lang mag-aalaga at magpapainom sa kanya ng gamot. Pagkaraan ng 5 taon nasundan pa ulit ng 2 araw na pamamalagi sa hospital dahil ayaw ‘nyang kumain, nanghina sya. At nitong Sept. 1, 2015 naospital ulit ‘sya ng isang linggo maraming blood chem, ultrasound at kung ano ano pa at dun ko nalaman na may malala na ‘syang sakit, malaki ang ginastos ko pero ‘di ko ininda dahil gusto ko pa ‘syang mabuhay ng matagal.
Takot si Cysai sa ipis at daga kapag may nakitang ipis at daga sa bahay kakahulan lang ‘nya at kapag sumigaw na ang mga anak ko at lumundag mag iingay na rin si Cysai nakikipagsiksikan sa mga anak ko habang kumakahol, haharap sa akin at ang kahol ‘nya ay kakaiba na parang gustong magsumbong. Hay naku! nakakatuwa talaga nakakawala ng pagod. Lalo na pag dumidila na sa kamay o sa paa ko, siguro pagpapakita yon ng pagmamahal sa akin.
May buhay din ang aso, nakakaramdam din ng sakit, tuwa at sama ng loob. Kaparehas din natin hindi nga lang sila makapagsalita ng gusto nilang sabihin pero minsan ay naiiparamdam nila sa atin lalo ang pagmamahal. Kung iisipin, ang aso ang bantay natin sa bahay. Ika nga, “Man’s bestfriend”. Minsan pa nga ang aso ang nagliligtas sa ating buhay.

Bagama’t lumala na ang kanyang karamdaman at hindi na namin naisalba ang kanyang buhay, mananatili pa rin sa aming puso’t isip ang magagandang ala-ala noong ‘sya ay nabubuhay pa. Napakarami pa ng gusto kong ibahagi at isulat na mga kakaibang kasiyahang ipinakita ‘nya sa akin. No other dog can replace in my heart! I miss you cysai ko! Pag-uwi ko ng bahay wala ng pupulupot na Cysai sa paa ko na halos madapa na ako sa paghakbang. Wala na akong paliliguang Cysai tuwing linggo. Minuminuto pumapatak ang luha ko. Mahal na mahal ka namin Cysai!

ILANG ORAS NA LANG

Wow! siguro ang saya saya mo sumapit na ang araw ng iyong pagbabalik. Ang araw na matagal mo ng hinintay, ang araw na matagal mo ng pinanabikan, ang araw na punong puno ng guni-guni habang ika’y nakahiga o naglalakad na bahagyang nakapikit. Natapos na ang pagtingala mo sa langit. Natapos na ang mga salitang parating sinasambit. Ang araw na punong puno ng pananabik.

Naayos mo na ba ang lahat? Lahat ng kailangan mo, ang lahat ng bagay na nais mong ipakita sa iyong pagbabalik? Sampong buwan ang hinintay, sampong buwan na waring sa isip mo’y kay bagal. Sampong buwan kang tumingala sa dilim ng kalawakan, naghihintay sa sagot ng babagsak na bulalakaw at nagtiis alang- alang sa mga pinakamamahal mong naghihintay sa iyong pagbabalik.

Natapos na ang sampong buwang tumatangis, natapos na ang tumamlay mong mga mata, ngayo’y banaag na ang saya, masisilayan mo na ang iyong pinanabikang makita. Sampong buwan, ngunit walang nagawa kundi ang maghintay sa pagsapit ng iyong paglisan sa kalawakan ng karagatan.

Ilang oras na lang at iiwan mong maayos ang iyong higaan. Handang handa na sa muling pagbabalik, nakangiti, sumisipol, plantsado ang damit, punong puno ng pagmumuni muni. Ang iyong mga gamit, nakasalansan na sa maleta, handang handa na sa pag tungo sa paliparan.

Wag kang mag alala, malinis na ang kwarto, makintab ang sahig, wala na ring agiw ang paligid, nakahanda ang paboritong pagkain. Matatapos na ang kinaiinipang sandali.

Ilang oras na lang….

ANG MATANDANG LALAKI AT ANG DALAWANG ASO SA KARITON

Pangalawang beses ko ng nakita sa aking pagmamaneho sa lugar na iyon ang isang matanda na may tulak na kariton, sa tingin ko ay mga basura ang laman, na marahil ay mapapakinabangan pa ng matanda. May takip na maruming sako ang kariton na maaring pauwi na siya sa lugar kung saan ‘sya ay naninirahan. Mahaba at maputi ang kanyang buhok na waring hindi man lang nasusuklay. May balbas at hindi malinis ang katawan pati ang kanyang damit na mahaba ang manggas ay punit rin.

Sa pangalawang beses kong siya ay nakita binagalan ko ang aking pagmamaneho at pinagmasdan ko silang mabuti. Namamangha ako sa matandang iyon at humahanga na rin. Alam nyo ba kung bakit? dahil may kasama ‘syang dalawang aso isang kulay brown na may batik na puti at isang puti na may batik na itim.  Bigla kong naalala ang aking asong si Cysai at nakaramdam ako ng awa sa dalawa, mapagmahal rin kasi ako sa aso, napaka swerte nitong aso ko. Malinis ang tinatapakan. malinis ang kinakain, may malinis na tirahan hindi napapagod at hindi nahihirapan. Wala ‘syang ginagawa kundi kumain, matulog lang sa bahay at kumahol pag minsan.

Ang dalawang asong nakita ko na kasama ng matandang lalaki ay nakatali sa dalawang sulok sa may bandang unahan ng kariton, sa tingin ko ay parang katulong sa paghila nito. Hingal na hingal ang dalawang aso. Nakalawit ang dila na waring pagod sa paglalakad at siguro ay nakakaramdam na rin ng gutom. Nakaramdam talaga ako ng awa sa kanila kasi naman siguradong lagi silang kasama ng matandang iyon kung saan saan sa gitna ng init ng araw at maaring kulang sa pagkain.  Dahil sa sila’y aso hindi sila pwedeng mag reklamo wala silang magagawa kundi sumunod sa kanilang amo. (kung ayaw naman nila sumama p’wede rin nila kagatin ang tali  para makawala at tumakbo)

Maaring ang matandang aking nakita ay marunong magmahal at mabait rin mag alaga ng aso. Ilan na kayang aso ang nakasama ng matandang iyon? Naisip ko tuloy na marahil ay minabuti nyang makipagkaibigan na lang sa mga aso. Siguro dahil ang aso ay hindi marunong manghusga hindi tulad ng tao, na sa unang tingin pa lang sa’yo ay mayroon ng pang huhusga na nasa kanyang isipan. Mas nakakaramdam siguro siya ng saya sa dalawang aso ‘nyang alaga na itinuturing ‘nyang matalik na mga kaibigan, mas nakakaunawa, nakakatulong at nagbibigay ng saya sa araw-araw nilang pagsasama. Mabuti pa ang aso bigyan mo lang ng buto ay nakukuntento na. Hindi tulad ng tao naibigay mo na ang lahat pero sa bandang huli ikaw pa ang sasakmalin. Ang aso aawayin ka lang kapag sinaktan mo, maliban na lang kung ang isang aso ay nauulol.  Ang tao, kahit wala kang ginagawang masama aawayin ka pa rin.

Tuloy parang gusto ko ring magkaroon ng maraming kaibigang aso. Hehehe! pero hindi na kailangan mayroon ako nito. Para sa akin ang matandang iyon ay hindi lang isang pagala galang tao na palaging may kasamang aso, kundi sila ay naglalarawan ng isang magandang samahan. Samahan ng tunay na magkakaibigan. Wala na sigurong tatamis pa sa samahan ng magkaibigang laging magkasama saan mang lakaran, karamay sa ano mang takbo at yugto ng buhay. Wala tayong magagawa kung sa aso niya ito natagpuan. Sana lang ay matagpuan din natin sa mga itinuturing nating mga kaibigan ang magandang kalidad ng isang tunay na kaibigan ano man ang estado natin sa buhay.

ANG MATANDANG LALAKI AT ANG DALAWANG ASO SA KARITON

Pangalawang beses ko ng nakita sa aking pagmamaneho sa lugar na iyon ang isang matanda na may tulak na kariton na sa tingin ko ang laman ay mga basura, na siguro ay mapapakinabangan pa ng matanda. May takip na maruming sako ang kariton na maaring pauwi na siya sa lugar kung saan ‘sya ay naninirahan. Mahaba at maputi ang kanyang buhok na waring hindi man lang nasusuklay. May balbas at hindi malinis ang katawan pati ang kanyang damit na mahaba ang manggas ay punit rin.

Sa pangalawang beses kong siya ay nakita binagalan ko ang aking pagmamaneho at pinagmasdan ko silang mabuti. Namamangha ako sa matandang iyon at humahanga na rin. Alam nyo ba kung bakit? dahil may kasama ‘syang dalawang aso isang kulay brown na may batik na puti at isang puti na may batik na itim.  Bigla kong naalala ang aking asong si Cysai at nakaramdam ako ng awa sa dalawa, mapagmahal rin kasi ako sa aso, napaka swerte nitong aso ko. Malinis ang tinatapakan. malinis ang kinakain, may malinis na tirahan hindi napapagod at hindi nahihirapan. Wala ‘syang ginagawa kundi kumain, matulog lang sa bahay at kumahol pag minsan.

Ang dalawang asong nakita ko na kasama ng matandang lalaki ay nakatali sa dalawang sulok sa may bandang unahan ng kariton, sa tingin ko ay parang katulong sa paghila nito. Hingal na hingal ang dalawang aso. Nakalawit ang dila na waring pagod sa paglalakad at siguro ay nakakaramdam na rin ng gutom. Nakaramdam talaga ako ng awa sa kanila kasi naman siguradong lagi silang kasama ng matandang iyon kung saan saan sa gitna ng init ng araw at maaring kulang sa pagkain.  Dahil sa sila’y aso hindi sila pwedeng mag reklamo wala silang magagawa kundi sumunod sa kanilang amo. (kung ayaw naman nila sumama p’wede rin nila kagatin ang tali  para makawala at tumakbo)

Maaring ang matandang aking nakita ay marunong magmahal at mabait rin mag alaga ng aso. Ilan na kayang aso ang nakasama ng matandang iyon? Naisip ko tuloy na marahil ay minabuti nyang makipagkaibigan na lang sa mga aso. Siguro dahil ang aso ay hindi marunong manghusga hindi tulad ng tao, na sa unang tingin pa lang sa’yo ay mayroon ng pang huhusga na nasa kanyang isipan. Mas nakakaramdam siguro siya ng saya sa dalawang aso ‘nyang alaga na itinuturing ‘nyang matalik na mga kaibigan, mas nakakaunawa, nakakatulong at nagbibigay ng saya sa araw-araw nilang pagsasama. Mabuti pa ang aso bigyan mo lang ng buto ay nakukuntento na. Hindi tulad ng tao naibigay mo na ang lahat pero sa bandang huli ikaw pa ang sasakmalin. Ang aso aawayin ka lang kapag sinaktan mo, maliban na lang kung ang isang aso ay nauulol.  Ang tao, kahit wala kang ginagawang masama aawayin ka pa rin.

Tuloy parang gusto ko ring magkaroon ng maraming kaibigang aso. Hehehe! pero hindi na kailangan mayroon ako nito. Para sa akin ang matandang iyon ay hindi lang isang pagala galang tao na palaging may kasamang aso, kundi sila ay naglalarawan ng isang magandang samahan. Samahan ng tunay na magkakaibigan. Wala na sigurong tatamis pa sa samahan ng magkaibigang laging magkasama saan mang lakaran, karamay sa ano mang takbo at yugto ng buhay. Wala tayong magagawa kung sa aso niya ito natagpuan. Sana lang ay matagpuan din natin sa mga itinuturing nating mga kaibigan ang magandang kalidad ng isang tunay na kaibigan ano man ang estado natin sa buhay…..

SARAP GUNITAIN NG NAKARAAN?

Talagang ang sarap gunitain ng mga araw na lumipas. Ang mga araw na bata pa tayo, naglalaro, naghaharutan, maingay mamaya may kurot ni nanay sa singit dahil may nasaging babasagin sa loob ng bahay. At sino naman ang makakalimot sa larong bahay bahayan na ang manika namin ay pinag krus na maliit ng siit ng tangkay ng hawili at ang pinaka damit ay papel na ginupit lang ng daliri para magkurting damit. Ang araw na umuulan, naglalaro ng taguan, pawisan ang rungis ng damit naghalo na ang pawis at sipon. Tanda ko pa yan ako at ang mga kalaro ko. hahaha!  Ang isa naming kalaro, laging may sipon yong braso nya ipinapahid sa ilong kaya ang dumi dumi. Tanda ko pa rin ang pangunguha namin ng duhat doon  malapit sa bahay ng mamay Ermon, kung saan kami kumukuha ng tubig, may puno doon ng duhat at inaakyat namin yon habang nagpupuno ng tubig sa bungbong, dahil mahina ang tulo mangunguha muna kami ng duhat. Hahaha! Tanda ko pa ang isa kong kasama sa pangunguha ng duhat nakatabingi ang panty nakasingit sa biyak ng puwet.

At sino rin ang makaklimot sa high school life natin di ba diyan tayo tinutubuan ng maraming tagiyawat batbat na yata ang mukha wala ng pagtubuan kulang na lang pati butas ng ilong ay magkatagiyawat. At ang mga lalaki naman panay ang himas ng dalawang daliri sa tumutubong bigote. Diyan din nag umpisang uminom at maingarilyo. Dito rin nag umpisang makaramdam ng crush sa mga kaklase at pag ibig. Natatawa ako kapag binabalik balikan ko ang mga nakalipas na panahon. Naalala ko pa itong asawa ko nagpadala sa akin ng sulat para manligaw pagkahaba haba ang kata ng mga sinasabi iyon pala ay ipinagawa lang niya.

Kung naiisip ko yung mga araw na yan, hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti. Ikaw din noh? Ang saya-saya natin noon. Walang iniisip na problema, e ngayon, daming problema.. sus! noon hindi natin naiisip kung ano kaya ang magiging buhay natin kung may pamilya na tayo. Hindi natin naiisip kung anong magiging kapalaran natin, kung anong magiging bukas. Pero ngayon, andito na tayo, malapit na sa dulo. Maaaring alam na natin kung anong buhay meron tayo. Alam na natin kung anong kapalaran meron tayo at alam na rin natin kung ano pa ang kaya nating gawin.

CHRISTMAS PARTY

 

Sa Sofitel Hotel ginanap ang Christmas Party namin. Maraming pagkain halos gusto kong tikman lahat ng naka hain, at dahil buffet lunch talagang hanggang sa magsawa na. Tatlong oras kaming pinapayagang kumain ng kumain,makisaya, maki sali sa mga palaro ang kaso hindi ko hilig yon kaya nakaupo na lang kami ng mga anak ko at nanood sa kanila habang nagsasayawan, nagkakantahan at ang iba ay nagkukwentuhan. Maraming regalo, papremyo at give aways. Sa totoo lang nabunot ang pangalan ko sa papremyong P1000,00 worth of SM gift certificate at ako rin ang nanalo ng Grand Prize daw yon ang over night stay sa Sofitel Hotel, pero hindi ito ang inaasahan kong mapanalunan, kundi ang Digital Camera o ang bagong unit ng Samsung Mobile Phone. Napakaraming ipinamigay na Digital Camera at cellphones pero hindi iyon ang napunta sa akin. Okey lang sana kung ang Hotel na iyon ay malapit dito sa lugar ko grabe! dadayuhin ko pa dun para matulog lang at mag almusal. Hehehe! Nag reklamo pa e…

     

Isang bayong na give aways may stuff toys pa.

    

Alas tres na ng hapon uwian na, grabeng trapik dalawang oras kami sa byahe mula Roxas Blvd. hanggang Mandaluyong. Ang sakit ng ulo ko sa trapik nag dagsaan na naman ang libu-libong tao na hindi ko malaman kung saan nanggaling. Talagang malapit na ang pasko, ang dami ng nangangaroling sa kalsada nakakadagdag pa sa trapik  ang sandamukal na Christmas Party well, masaya naman ang makipag party. Sale nga sa mga mall, pero nabudget ko na ang pera ko paano pa ako mamimili?  

Hindi pa rin ako makatulog kahit galing sa halos kalahating araw na pagmamaneho at tatlong oras na pakikipag Christmas Party. At dahil hindi pa ako dalawin ng antok naisip kong magsulat at mag kwento ng bagay na gustong ilabas ng utak ko at gustong isulat ng kamay ko.

Isang magandang pagkakataon ang makapagsulat at maipahayag ang nilalaman ng isip ko. Kung tutuusin mahirap talaga ang napili kong libangang ito sapagkat kapag hindi ako nakapg sulat ‘di ako mapakali.  Isang tipikal lang naman akong tao na nakahiligan lang ang magsulat ng kung ano-ano kahit nga o. a. na ang dating  natutuwa pa rin akong basahin ng paulit ulit ang mga sinulat ko..

Hindi rin ako makata medyo nakaka tsamba lang na maka likha ng tula. Heto inaantok na ko bukas ko na ituloy ang kwento. Hus! Nakakapagod sarap iunat ng likod.           

                                           

Protected: ANG KWENTO NG BUHAY KO

This content is password protected. To view it please enter your password below:

%d bloggers like this: