SA AKING BALINTATAW

Ngumiti at humalakhak

managinip at mangarap

magtiis ka at magtimpi

kahit lahat ay pakunyari

………………………….

Sumulat ka at gumuhit

iukit ang mga titik

ang larawang nasa isip

sa pusong kaibig-ibig

………………………………

Pumikit ka at maglakbay

lumipad ka at kumampay

habang pangarap ay bitbit

sa mundo ng panaginip

…………………………………

Tumakbo ka at tumakas

tuntunin mo tamang landas

sa patag na binabagtas

habulin mo ang pangarap

…………………………………

Humakbang ka at maglakad

‘wag hihikbi at iiyak

sa landas na tinatahak

may bubulaga’t bubungad

…………………………………

Lumakad na mabilis

‘Wag na ‘wag kang lilihis

magpatuloy at ‘wag lilingon

sa ala-ala ng kahapon

Advertisements

HAIKU (Halimbawa ng tulang Dalit) PAGLALAKBAY SA BUHAY (ni Tatay Ador Garces)

 

 

Hindi tayo nabubuhay

ng ukol sa sarili lang,

bahagi ka ng lipunan,

na ating kinaaniban.

 

Unang una ang pamilya

ang higit na mahalaga.

kasama mo sa tuwi na,

kaakibat sa problema.

 

Ang buhay ay paglalakbay

may nais na patunguhan.

may malinis may masukal

ang ating madadaanan.

 

O kay sarap o kay tamis

ng mabuhay sa daigdig

kung masaya ang paligid

wala man ding kahulilip.

 

Ngunit merong dumating

dalamhati at hilahil,

sakuna at suliranin

bahagi ng buhay natin.

 

At sa atin ngang pagtahak

sa buhay na nilalandas

may mithiin at pangarap

tagumpay na hinahangad.

 

O kay sarap ng mabuhay

dito sa mundong ibabaw.

lalo na nga kung may ilan

mga piling kaibigan.

 

Kaya naman dapat sana

wag mawalan ng pag asa

habang tayoy may buhay pa

darating din ang ginhawa.

GUNITA

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag sulat ng isang sanaysay o kwento dito sa aking blogsite at heto bigla kong namiss. Dinadaan ko kasi sa pag tula ang pagbulalas ng aking nararamdaman. Sa halip kasi na sumulat ako ng isang kwento, ginagawa ko na lang tula. Para sa akin, mas madali kong maihayag ang laman ng aking damdamin kung sa tula ko idadaan kesa isulat bilang isang kwento.

Maraming bagay …

                             ang sumisilip sa aking balintataw,  

                             mga gunita  ng kahapong nagdaan,

                             higit kung ganitong panaho’y maulan,

                             ‘di mapigilan kusang sumisingaw.

 

                             Animoy batingaw sa aking pandinig

                             Ang mga bagay na aking naririnig

                             Sadyang inuusal nitong aking bibig

                             Mga katagang sa puso’y ipinipintig

Hahaha! tinula pa rin….. teka erase …erase…

Minsan mahirap maunawaan ang mga nararamdaman natin, Subukan man nating paulit ulit ipaliwanag sa ating sarili o isa titik kaya ang ating nararamdaman minsan hindi pa sapat ang mga salita para maisalarawan ang mga bagay na nilalaman ng ating isipan lalo na kung nababalot ka ng isang emosyon na hindi mo maunawaan.


SA AKING BALINTATAW

Ngumiti at humalakhak

managinip at mangarap

magtiis  ka at magtimpi

kahit lahat ay pakunyari

————————————–

Sumulat ka at gumuhit

iukit ang mga titik

ang larawang nasa isip

sa pusong kaibig-ibig

………………………………

Pumikit ka at maglakbay

lumipad ka at kumampay

habang pangarap ay bitbit

sa mundo ng panaginip

…………………………………

Tumakbo ka at tumakas

tuntunin mo tamang landas

sa patag na binabagtas

habulin mo ang pangarap

…………………………………

Humakbang ka at maglakad

‘wag hihikbi at iiyak

sa landas na tinatahak

may bubulaga’t bubungad

…………………………………

Lumakad na mabilis

‘Wag na ‘wag kang lilihis

magpatuloy at ‘wag lilingon

sa ala-ala ng kahapon

Tanaga

 Aso
Aso ko ay mabait
bihira lang mag sungit
boses nya ay matinis
kapag sya’y naiinis
 
Pusa
Pusa mo na kay payat
kay bilis na lumundag
ang daga ay hinagad
at agad ay kinagat
 
Ibon
Ang ibon ay nagpatak
Sa lupa ay lumagapak
Tinamaan ng sumpak
Ang dalawa ‘nyang pakpak
 
Panaginip
Magandang  panaginip
sa aking pagka idlip
bakit di na malirip
nitong aba kong isip
 
Pasakit
Umuugong sa isip
lahat ng masasakit
sa puso ay umuukit
nakaraang pasakit
 
Biyaya
Sa biyaya ay salat
kelan pa ba aangat
itong abang mahirap
na laging nangangarap.
 
Ulan
Tanaw sa kalawakan
ang nagbabantang ulan
gumuguhit na kidlat
at kulog na kay lakas
 
Tula
kapag walang magawa
sa kama’y mahihiga
mag iisip ng tula
kahit na walang diwa
 

BASURA MO!

Aba! aming kapitbahay

Nagtapon ka na naman dyan

Ang hirap mong pagsabihan

Palagi ka na lang ganyan

 

Kaylan ka ba matututo

Dyan sa mga basura mo

Kinakalkal ng pusa’t aso

Nasaan ang konsensya mo

 

Kami dito’y apektado

Sa amoy ng basura mo

Saka mo na lang ilabas

Kapag dumating na ang truck

 

Kami dito’y nag ngingitngit

Lumalabas na masungit

Sobra na ang iyong kulit

Kunin mo muna’t ibalik

 

Amoy nyan ay anong sidhi

Di maiwasang sumiksik

Nagsisikip aming dibdib

Baka kami’y magkasakit

 

Kaya ikaw ay makinig

Nang hindi ako magalit

Basurero ay hintayin

At ‘yan ay kokolektahin

  

NGIPIN ‘NYA AY MASAKIT

Dapat kilos ko’y mabilis

Kaagad na magbibihis

Maaga akong aalis

Bilisan ang pagtalilis

 

Sa aking pagmamadali

Naiwan ang aking susi

Kaagad akong bumalik

Upang  ito’y isaliksik

 

Pagdating ko ng clinic

Pasyente’y namimilipit

Tinatanong di naimik

Ngipin  nya ay sumasakit

 

Tumutulo na ang luha

Anong aking magagawa

Sakit ng ngipin ay ganyan

Tagos sa ating kalamnan

 

Matapos ito’y magamot

Sakit na nararamdaman

Unti unti ng nawala

At may ngiti na sa mukha

 

Ako ay uuwi muna

Upang ako’y mag almusal

Tiyan ko ay kumakalam

Baka ako ay mabuwal

 

Ito ay kwento ng karanasan, dinaan ko na lang sa tulang dalit isang uri ng haiku  (Japanese poem)

 

%d bloggers like this: