(Tula) Hay Buhay!

Ang buhay nga naman

Minsan hindi mo maintindihan

Pilit mo mang unawain

Sumasakit lang ang damdamin

Maraming bagay ang ninanais

Ngunit bakit hindi makamit

Ang daming bagay na hinihingi

Ngunit ayaw pang ibigay sa atin

Kung minsan problema ang ibibigay

Kung dumating nama’y sabay sabay

Ngunit sabi ng iba talagang ganyan

Natatapos din at nalalagpasan

 

Lalo akong nalilito

Hindi ko malaman ang isusulat ko

Saan ba ako magsisimula

Problema kabikabila

Ang daming dapat gawin

Ang daming dapat tapusin

Bakit ba hindi pa simulan

Bakit kaya kinatatamaran

Ang daming dapat pagtiisan

Ang daming dapat kalimutan

Bakit hindi pag-aralan

Baka sakaling matutunan

Hay buahay! Ang hirap!

Advertisements

ANG SARAP MAGING BATA

Marami akong ala-ala noong bata pa ako ‘di tulad ng mga bata ngayon na halos hindi man lang maarawan at mapawisan. Hindi na sila naglalaro sa labas ng bahay puro sa computer na lang. Ang sarap ng buhay ng mga bata, walang iniisip, wala pang responsibilidad. wala pa silang pinagdadanang problema, lagi silang masaya, puro laro lang. Hindi tulad ng ganitong edad, maraming responsibilidad, maraming iniisip, kailangan mapagdaanan ang hirap para mabuhay, kailangang matatag. Parang gusto ko ng maging bata ulit. hehe!

Ayos rin naman kung tumatanda na ako dumadaan sa hirap ng buhay masaya naman. Kung meron man akong hindi gusto sa aking pag tanda siguro itong mga puting buhok ko, ayaw kong mamuti lahat ang aking buhok, yon tipong lagi na lang akong may laang oras para patinaan ang buhok ko, o pumunta ng parlor at magpakulay. Tapos pagiwang giwang na maglakad yon bang parang aatras aabante ang hakbang hehe! ganun na pala ang nanay ko ngayon. At pagkatapos, tatawanan ako ng aking mga apo at sasabihin si Lola amoy biha na hahaha! Naalala ko tuloy ganyan ako noong bata pa, minsan nasabi ko sa aking lola na amoy biha na sya. Ganun pala yon!

Lahat naman tayo tumatanda pero sa dami ng gumagawa ngayon ng paraan para magmukhang bata hindi nahahalata sa edad, pero pangit naman kung ang mukha mo ay mukhang bata, pero ang katawan mo naman ay puro kulubot na. Pero mas insulto naman sa iyo kung mapagkamalian kang gurang na, pero ang edad mo naman ay bata pa. Saklap nun!  Sana may paraan para mapabagal ang pagtanda para lalo pa natin ma enjoy ang buhay.

Ano kayang itsura kung edad 70 na ako nagtatrabaho pa ako? Siguro dentistang kuba na kasi kurkubado na ako ngayon tapos palagi kong itinataas ang salamin ko sa mata. Hehe! Ayaw ko na yata hanggang edad 60 na lang ok na yon.

Hindi naman ako natatakot tumanda, dun talaga ang punta ko, ang importante lang sa aking pagtanda ay malusog ang katawan at isip, kaya lang whaaaaaaaaah! Wala na ang beauty ko. Hehehe kala mo naman meron..

ANG BUHAY PARANG NGIPIN (Part 2)

Yugto ng pagtubo ng ngipin sa yugto ng buhay ng tao

  

“Doc parang awa ‘nyo na bunutin nyo na ang ngipin kong ito hirap na hirap na ako” Hehe! Heto na naman tayo saka maaalaalang pumunta sa dentista kapag sumasakit na ang ngipin. Halos sa loob ng isang linggo nakakarinig ako ng ganitong pagdaing. Hanggat maaga magpakonsulta na at baka nga may nagsisimula ng masira at maagapan ang mabilis na pagkawasak sa ating ngipin at ng ‘wag mauwi sa sakit na napaka tindi. Habang maaga pag-ingatan ang inyong ngipin. Huwag nating hayaan na sa bandang huli pa natin malaman ang kahalagahan nito, sa ating pag ngiti, pagsasalita at pagkain.

Totoo ngang pwede natin ihalintulad sa yugto ng ating buhay ang bawat yugto ng ating ngipin.

Ang ngipin ay nagsimula sa tinatawag na tooth bud, hinubog sa loob ng panga at ng nasa hustong pnahon ay lumabas sa ating gilagid. Parang buhay din ng tao, nabuo sa sinapupunan at nang nasa hustong panahon ay lumabas na sa mundo.

TOOTH BUD

Ito ang yugto na kung saan nagsisimula pa lang mahubog ang ating mga ngipin sa loob ng panga at habang ito’y hinihintay nating tumubo o lumabas sa gilagid nakadepende sa ating magulang ang ating pagkain . Tulad din ng buhay ng tao habang nasa  sinapupunan ay pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan sa oras na sya ay iluwal sa mundo at sa oras na sya ay isilang ay unti unting hinuhubog ng ating magulang sa mabuting asal mula sa ating pagiging musmos na kaisipan pa lamang.  

MILK TEETH

 

Sa yugtong ito nagsisimula ng tumubo ang ating maliliit na ngipin tinatawag nating milk teeth o baby teeth. Isa isa nyang pinupunan ang bawat bakante ng gilagid hanggang ito ay mahustuhan. Kinakailangan mapangalagaan sa pamamagitan ng pagsisipilyo para mapanatiling malinis at matibay at upang ating manguya ang matitigas na pagkain. Ganun din ang buhay ng tao habang lumalaki ay kailangan nating matuto sa maraming bagay. Natututo na tayong alagaan ang ating sarili. Dito sa yugtong ito nagsisimula tayong maging mapagmasid at makiramdam, sa tatahaking buhay. Dito rin nagsisimula ang ating pagpapahalaga sa ilang bagay bagay na may kinalaman sa takbo ng ating buhay.

PERMANENT TEETH

Ito ang yugto ng ating permanenteng ngipin. Sa pagtubo nito nahaharap na sya sa matinding pag aalaga dahil dito nagsisimula ang pagkakaroon ng sungki sungking pagtubo, ang pagkapit ng tartar at plaque na sumisira sa gilagid, at matinding acid dulot ng maraming klaseng nginunguya ‘nya sa araw araw. Dito rin ‘nya mararanasan na magkaroon ng sira at lalaban sa mangilong pag papapasta dulot ng kapabayaan.  Ganun din ang buhay, sa yugtong ito nagiging mature na tayo. Kailangang alam na nating patakbuhin ang ating buhay. Alam na natin pag ingatan ang ating sarili, marunong na tayong makibaka at makipaglaban sa bawat hamon ng mga problema sa buhay. Nakakayang gawan ng sulusyon ang bawat pagsubok, salimoot at pasakit na dumarating sa buhay.

TOOTH CAVITY

Kahit pinag iingatan natin na wag masira ang ating ngipin minsan ay sadyang nagkakaroon pa rin ng tinatawag na pagkasira o tooth cavity, dahil na rin sa uri ng ating kinakain at sa maling paraan ng pangangalaga. Hanggang sa tuluyang hindi na tayo makaiwas na makaramdam sa matinding sakit na dulot nito. Ganun din ang buhay ano mang ingat ang ating ginagawa minsan ay nagkakamali rin at sa patuloy na pagkakamali sa bandang huli ay makakaramdam tayo ng kirot at pasakit na dulot nito.

CROOKED TEETH

 

Sa pagtubo ng ibat ibang hugis ng ating mga ngipin bagaman meron silang espasyo para sa kanilang pag tubo minsan hindi maiwasang may sumungki o hindi matuwid na pagtubo hindi naman ito inaasahan at hindi ginusto kaya kailangang maituwid sa pamamagitan ng tinatawag na orthodontic braces, upang maging kaaya aya ang pag ngiti. Ganun din ang buhay ng tao minsan namamali ng landas ng hindi sinasadya pero natutunan din naman maituwid sa tama ang pagkakamali ng maging maayos ang takbo ng buhay.

FALSE TEETH

Ito naman ang yugto na kung sakaling naaksidenteng masira at mawala ang ating mga ngipin bagaman ating inaalagaan, huwag tayo mawalan ng pag asa at meron tinatawag na pustiso or dentures na pwedeng ipalit sa nawalang ngipin upang magpatuloy ang ating masarap na pagkain, magandang pag ngiti at mahusay na pagsasalita. Tulad rin ng ating buhay hindi tayo dapat mawalan ng pag asa kung magkawendang wendang man ang ating pangarap dahil siguradong may darating pang pag asa para mapunan ang mga kakulangan sa ating buhay.

Kaya Pag-ingatan natin ang ating mga ngipin habang meron pa dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magkaron ng perpekto o kahit naaayon lang sa iyong gustong pustiso para punuan ang ispasyo sa ating buhay.          

Abangan ang Part 3 Kung paano ang ngipin ay pwede ring ihalintulad sa pag-ibig.

(Tula) BATANG LANSANGAN

Pangalawang araw ko ng pagmamaneho na may batang kumakatok sa bintana ng aking sasakyan namamalimos mukhang bangag mapula ang mata, may karga pang isang batang maliit na madungis ang mukha. Kawawa naman yong maliit mukhang sanggol pa, paano kung magkasakit yon kataasan ay mamatay na lang at pagkatapos saan kaya nila ililibing? Sabi nila ang nag uutos sa ganung klaseng mga bata ay ganid na sindikato.

Subukan ‘nyong lumabas ng hatinggbi at marami kayong makikitang batang lansangan na talagang sa mga bangketa ng kalye natutulog may hawak na plastic at sinisinghot singhot nila. Sabi nila rugby yon. Maaring ang kinikita nila sa pamamalimos ay ibinibili nila ng rugby dahil hindi makasapat sa halaga ng pagkain.

Anong naghihintay na kapalaran sa ganitong mga bata? Kawawa naman sila. Bakit pa sila isinilang kung pababayaan lang naman?

Batang Lansangan (Tula)

Mga batang kumakatok sa sasakyan

Ang tawag sa kanila’y batang lansangan

Namamalimos dala ng kahirapan

Bakit pinababayaan ng mga magulang

 

Dumarami na nga sila sa lansangan

Maliit na kariton tanging tirahan

Ang iba ay sa bangketa ang tulugan

Mistulang mga hayop ang katayuan

 

Pagmasdan sa umaga’t pasuray suray

Siguradong  sila’y nag rugby na naman

Upang ang gutom na sikmura’y maibsan

Pati sa pag tulog nila’y mahimbingan

 

Makikitang mong katawa’y buto’t balat

Tulala, mga mata’y nakamulagat

Ano kayang kapalarang naghihintay

Kung pamahalaa’y walang ibibigay

 

(Tula) Hay Sinaing Nakakapatula Ka!

Nasira ang aking rice cooker kaya napilitan akong sa kalang de gas magluto ng kanin. At sa dami ng sabay sabay kong ginagawa sa lakas ng apoy ay umapaw ang tubig. Nasanay pa naman ako sa rice cooker magsaing, dahil kung ilang takal ng bigas iyon din ang takal ng tubig na ilalagay sa kaserola. Nasanay rin ako na habang gamit ang rice cooker sa pagsasaing, gumagawa ako ng ibang bagay tulad ng paghuhugas ng mga plato at kawaling pinaglutuan ng ulam. Kasabay ang pagsilip ng labada sa washing machine at pagpapakintab ng sahig namin.

Sa pangyayaring ganito na nasunog ang aking sinaing sino na ang pwedeng kumain nito? Mapapakinabangan pa ba? Kakainin ba ito ni Cysai?

Hay buhay!….

Ang ating buhay nga naman parang sinaing ni nanay

Kailangang tamang sukat ng tubig ang ilalagay

Kung kulang sa takal siguradong ito ay batilaw

At kung sosobra sa tubig ay pwedeng maging nilugaw

 

Ganun din ang buhay kelangang bantayan, alalayan

Kailangang ‘di masanay sa kung ano anong bagay

Baka magkamali at ang diskarte mo ay sumablay

Siguradong mababago ang takbo ng iyong buhay

 

Hehehe! napatula tuloy ako sa nasunog kong sinaing. Pwede nga palang ihalintulad sa sinaing ang ating buhay. Nung nakaraang linggo ulam ang nasunog, sa sunod na linggo, ano naman kaya?

Paano Kaya ang Pag ngiti?

Paano kaya ang pag ngiti?

Kapag masama ang pakiramdam ng iyong katawan, pagod at puyat hindi mo talaga maiwasang sumimangot, pero kapag nasa serbisyo ka dapat raw lagi kang nakangiti ika nga e “serve with a smile” Kahit raw pagod at puyat kailangan hindi ka pahalata at kailangan lagi ka pa ring nakangiti, hindi nakangiwi, ngiti lang ng ngiti nakupo! paano kaya yon?

Mukha ang unang napapansin kapag humarap ka na sa kausap mo at malalaman nya ang nararamdaman mo. Kapag pagod at puyat o may dinaramdam na problema syempre naka simangot, nakangiti kapag masaya. Naka kunot ang noo kapag naiinis at kung nanlalaki naman ang mata syempre galit. 

Hindi lahat ng tao nagagawang ngumiti kung pagod at kulang sa tulog, pero mas maganda kung magagawa mo pa ring ngumiti, dahil ang pag ngiti raw at pagtawa ay nakakagaan sa bigat na nararamdaman ng puso.

Bakit nga ba may mahirap?

May narinig ako sa isang kwentuhan ang sabi nya, maging mabuti ka sa ibang tao at gaganda ang buhay mo. Ano kayang ibig sabihin nito. Ang mahihirap ba pangit ang pakitungo sa ibang tao kaya mahirap ang buhay nila? Hindi naman siguro, Hindi rin porke’t mayaman ka ay masagana at marangya na ang pamumuhay mo. Meron taong naghihikahos sa buhay nakakatulong pa sila sa iba, pero masasaya rin sila sa kabila ng kanilang kahirapan, naiiraos ang pang araw-araw na pamumuhay. Hindi naman nasusukat sa karamihan ng pera ang magandang takbo ng buhay.

Siguro kailangan lang tayong matutong tumanaw ng utang na loob at maging mabuti ang ating pakikisama sa ibang tao at hindi tayo pababayaan ng Dyos.

 Kapag inspired ….

Kapag inspired ka nga naman ang sarap ng pakiramdam. Laging maganda ang tingin mo sa paligid pati na yata sa buong mundo. Laging nakangiti, ang saya saya mo parang pakiramdam mo ang swerte swerte mo. Sinisipag kang gawin ang lahat ng bagay na dapat mong magawa, parang kaya mong harapin ang mga problemang darating sa buhay. Ang lakas lakas ng loob mo.

Di ba minsan kapag meron kang problema, pinapanghinaan ka ng loob, nalulungkot ka halos maiyak  ka na hindi mo alam kung kaya mo ang iyong gagawin. Lumalapit ka sa isang taong alam mong may maitutulong sa iyo, ikinukwento mo ang lahat kung bakit ka naguguluhan, Pinayuhan ka, tinuruan, sinuportahan, pinalakas ang loob mo, Kinuwentuhan ka na rin. At sa bandang huli nagtawanan na kayo, nagkapalagayan. Nabuhayan ka ng loob bigla mong maiisip na parang nagbigay inspirasyon sya sa iyo. Masasambit mong ang galing naman nya,… kahit hindi pa nangyayari ang mga sinabi nya sa yo.

Ang inspirasyon ay hindi lang para sa isang magkasintahan. Ito ay nagbibigay sa iyo ng saya. Sila rin ang iniidolo mo at nagbibigay halaga sa iyo. Maaring ang mahal mo, magulang mo, mga anak mo, isang kakilala, ang matalik mong kaibigan at kung sino sino pa.

ANG BUHAY PARANG NGIPIN (Part 1)

Ang buhay nga naman kay lalim ng kahulugan, Di mo alam kung ano ang kapalaran. Di mo batid kung ano ang kahihinatnan. Hehe! Kanta ata ito… Gaano nga ba kahalaga ang buhay natin? San ba ito nasusukat sa yaman ba o sa kalusugan? Sadya lang maraming daing ang tao sa buhay.

Para sa akin ang buhay ay ‘pwede kong ihalintulad sa mga napapansin ko sa loob ng aking klinika dito mismo sa maliit na kwartong ito. Tingnan ninyo..

1. Ang buhay parang bulok na ngipin.. hehehe! bakit? Hindi lahat na maganda, lahat ng mabango ay matatamasa ko syempre pati na ang baho. Pati ang bulok na paligid ng mundo ay makakaharap ko. Subalit naaayos rin naman at lahat ng alingasaw ay napapalitan ng halimuyak na bango.

2. Ang buhay ay parang mga nagkasungki sungking ngipin.. bakit? Hindi na malaman kung saan ang direksyon, masalimoot at bawat pag iisipan at pagpaplanuhan kong galawin ay parang sumusuong sa pagsubok at kailangang masiguro kong maitutuwid upang maging maayos .

3. Ang buhay ay parang bagong pustiso.. bakit? Minsan maluwag, minsan masikip at kalimita’y may masakit yong tipong nakakapangiwi. Yong tipo bang isang bagay na nakakainis at ang sarap itapon, malimit kong marinig yan, linya ng mga nakakaramdam ng sakit. Pero wag mag-alala at balang araw ay makakaranas ka rin ng kaginhawaan, talagang ganyan bago pa lang e.

4. Ang buhay ay parang topical anesthesia at local anesthesia.. bakit? Dahil siguro maanghang mapait kahit sinasabing nakakamanhid, hindi pa rin masarap ang lasa, nakaka mukhasim talaga ‘di mo malaman kung mapait, mainit o maanghang, nakakapaluha nakaka tulo ng laway . Hahaha! Ibig sabihin masarap pala ang buhay.

5. Ang buhay ay parang electric tooth brush na panlinis ng ngipin.. bakit? Depende kung pano ko din pinapahalagahan ang mga bagay sa buhay. Nililinis nito ang mga marumi at mantsa pinapakinis o ginagawang smooth.  Minsan makikita ko sa brush kung paano ko ipinanlinis ng dumi. Minsan makikita ko sa pudpod na brush kung paano ko ito ginamit sa tama at mali.

6. Ang buhay ay parang brace elastics.. Bakit? Masyadong makulay. Pero kadalasan mas gusto nila ang wala. Minsan mahigpit minsan maluwag pero makulay pa rin depende, mas matindi kung kulay itim at wala ng buhay na elastics yan.

7. Ang buhay ay parang pag bibigay ko ng presyo.. bakit? Minsan kikita ako minsan lugi pa ako. At kapag kumita ako may pambili na ako ng aking bolpen, lagi kasing ubos ang tinta ng bolpen ko dito, wala na akong maipang sulat ng pang gamut sa masakit na buhay este.. ngipin para guminhawa naman ang pakiramdam.

Sadyang ang buhay minsa’y puno ng kagalakan o di kaya naman ay kalungkutan. Ang bawat pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Panginoon ang gawin nating gabay sa tinatahak nating buhay.

 

%d bloggers like this: