ANG PAGMUMUKMOK NI ATE


  

Noon ay nakita kita mukha mo’y malungkot

Nakaupo ka sa bangko at taglay ang bagot

Tinanong ang katabi bakit nakasibangot

Kaya pala ganon ay may dala dalang poot

 

Naitanong ko na rin ang iyong kalagayan

Tanging ngiti lang sa’yo ay aking namataan

Ang sagot mo pa sa akin ok lang po naman

Bakit ang ulap sa’yo tila nagpaparamdam

 

Ulang ibig ay pumatak ayaw mapigilan

Nakikisama na rin sa iyong kalungkutan

Ngayon nga ay alam ko na ang tanging dahilan

Dala mong galit ay dapat mo ng kalimutan

 

Subalit di ko ulit naiwasang magtanong

Tumingin ka muna roon sa bandang palusong

Liwanag ang makikita kahit nagka ganon

Pag-asa’y nariyan lang idaing mo sa Poon

 

Ako’y biglang nabalisa sa problemang dala

Ipinakita’y ngiti ipinatong sa mukha

Tinapik ang balikat sa kausap na maganda

Upang loob niya tuluyan ko nang makuha

 

Ngayon nga ay alam ko na totoong dahilan

kabiyak ng puso ay tanging may kasalanan

Dalang galit ay sarili mo ang sinasaktan

Ayaw sa kapwa ibigay ang kapatawaran

 

Kung ang iyong dinadala’y tunay na mabigat

Huwag kang mag-alala kung pag ibig ay salat

Luha sa mata’y pigila’t iwasang pumatak

Upang pangarap mo ay di tuluyang mawasak

 

Halina at tumayo, huwag ka ng magmukmok

Iwasan na ang pag upo  d’yan sa isang sulok

Limutin ang kahapong pighati’t salimoot

Tama na ang pag iyak sa ilalim ng kumot

  

One Response

  1. Pwedi gawan ng Chords to permission?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: