WALA LANG

Nais kong lumisan sandali

Limutin ang munting pighati

Ayaw kong dito’y manatili

Kung saan ako nagkukubli

 

Ang aking mga alinlangan

Sa mundo kong ginagalawan

Nais ko sanang paliparin

Isabay sa ihip ng hangin

 

Nais ko’y isang bagong mundo

Puno ng pangako’t pagsuyo

Walang damdaming nasasaktan

Walang taong nahihirapan

 

Punong puno ng kasiyahan

Walang puwang ang kalungkutan

Laging may pag-uunawaan

Kay ganda ng kapaligiran

 

Sabihin mang walang ganito

Kundi sa panaginip lamang

Marahil ay nanaisin ko

Parating mapanaginipan

Hehe!

3 Responses

  1. Ganito nga ang pangako ng Diyos satin kung sya ang susundin sa bawat gawain natin. (TH ba?)

  2. Minsan gusto ko na ring hindi na magising, sa sandaling kapayapaan ang aking kapiling, ngunit sa pagdilat ng mga mata, mas mabuti din pala, na nakikipaglaban sa sanlibutan, upang mapatunayan, na ang kakaibang kalakasan ay nagmumula sa higit na makapangyarihan.

  3. tnx kiko…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: