KAARAWAN MO NA NGAYON

Ang nais ko sana ika’y mahandugan

Ng maikling tula sa ‘yong kaarawan

Ngunit lakad ko ngayo’y ‘di maiwasan

Kaya ako sana’y pagpapasensyahan

 

Ngunit ganun pa man, ako’y bumabati

Taos puso at walang pagkukunwari

Limampo mong taon, ‘di na mababawi

Sadyang sa patanda, iyan mauuwi

 

Maligayang bati sa ‘yo kaibigan

Sa ika limampo mong taong ka’rawan

Biyaya ng Maykapal nawa’y makamtan

At gabayan, landas, na patutunguhan

 

Sa araw na ito’y lubusin ang saya

Makamtan mo sana, tunay na ligaya

Sa iyong mga anak at kapamilya

Mga kaibigan at kaopisina

 

Hayaan ang sariling makapahinga

Kalimutan ang trabahong ‘sang katerba

Haraping may ngiti ang mga bisita

Masarap na pagkai’y ihanda mo na

 

At sa ‘yong kaarawan nais kong magbanggit

Nang ilang kataga na dapat masambit

Nagmula sa puso sadyang naka ukit

Na maaring sa damdamin mo’y gumuhit

 

Ilang taon na rin ba ang nakalipas?

Samahan natin ‘di pa rin kumukupas

Tanda ito na kahit ano mang oras

Pagkakaibigan nati’y hanggang wakas

 

Ikaw ay sumubaybay sa aking buhay

Halos magkapatid ang ating turingan

Sa oras malumbay ikaw ang takbuhan

Parang isang anghel sa’ki’y gumagabay

 

Ibang kaibigan at mga kapamilya

Pagkilala sa akin ay hindi iba

Kaya naman ako’y ganun din ang badya

Upang ang samahan ay lalong gumanda

 

Sana’y ‘di ka magbago ‘yan ang dalangin

Sa ‘yong ugali’t pakikitungo sa ‘kin

Ang magagandang pinagsamahan natin

Sa tuwa at lungkot ‘wag sanang kalasin

 

Maganda mong mukha na laging may ngiti

Sana sa ‘yong pagkatao’y mamalagi

Wag kokontrahin salitang namutawi

At sadyang namulos sa ‘king mga labi

 

Tamang tama, gabi kita pupuntahan

Isang halik, kita’y pasasalubungan

Sabay ang dalangin sa Poong Maykapal

Na dagdagan pa, kaarawang daratal

 

Mga labi ko sana’y mamantikaan

Nang marami mong handang kaabang abang

Ang masarap na pansit, luto ni Indang

Katakam takam, nais ko ng matikman

 

Pagdiriwang mo sana’y maging masaya

At ang puso mo’y aming mapaligaya

Ang ngiti mo sana’y umabot ng teynga

Habang binabasa tula kong kay ganda

5 Responses

  1. salamat ng marami! mahalaga sakin ang bawat kataga na iyong nasambit bagamat mahiwaga sa iba kung sino man ang iyong tinutulaan, siguradong ako na yan dahil sa petsa at edad na di na maitago at ako’y sadyang sa patanda na ang tungo. dapat lang na maging masaya tayong lahat at tayo’y inabot ng gantong edad pero edad lang yan. sa tingin at pakiramdam, bata pa rin tayo dahil sa mata ng ating Diyos, anak pa rin nya tayong lahat na lagi nyang binabantayan para di maligaw ang landas….hala! di ako tumutula.sadyang ang pagtula ay biyaya sayo…hindi sakin. hehe.

    • tula pa rin yan

  2. I like your “KAARAWAN MO NA NGAYON ” tama2x Birthday ng husband ko August 22, I let him to read

    • tnx ha

  3. Paano ma play gusto ko ma download , thanks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: