SA LIKOD NG MGA ULAP

 

Sa aking paglabas ng aming tahanan

Mata ko’y napasulyap sa kalangitan

Maliwanag na ulap ay pinagmasdan

At naaliw sa kulay ng kalawakan

 

Ang oras ko’y pinalipas sa pagtitig

May ibat ibang hugis kaibig ibig

May dilim at liwanag, ako’y naantig

Tuloy may nabuong tanong sa ‘king isip

 

Baka sakaling dito ko maapuhap

Sagot na wari’y nasa likod ng ulap

Buhay at pangarap na aandap andap

Agam agam at problemang hinaharap

 

Ang buhay ng tao’y ulap ang kawangis

Sadyang may saya at mayroong hinagpis

Ang ulap manding nagdidilim sa langit

Kapara’y buhay natin minsa’y kay lupit

 

Dumanas man ng dilim sa tubig ulan

Nagliliwanag rin pag sikat ng araw

Tao mang kaakibat ang kalungkutan

Naglalaho napapawi’t napaparam

 

Sadyang ganito ang ating kapalaran

Kapara’y tanawin sa ‘ting kalawakan

Inog ng panaho’y walang katiyakan

May liwanag at minsa’y may kadiliman

 

Ano mang hirap ang ating pagdaanan

Wag susuko pagkat ating makakamtan

Dahil ang liwanag sa likod ng ulap

Ang pag asa sa problemang kinakaharap

 

 

Advertisements

5 Responses

  1. napapadalas ang pasyal ko dito sa bahay mo. Naaliw ako kung papaano ka gumawa ng tugmaan. Ang husay nyo mam. Napakahirap ng makalumang paghabi ng tula pero parang sayo parang ang dali lang.

  2. Kay sarap pagmasdan ang kalawakan
    Kahit na ano pa ang nararamdaman
    At sa panahon ng bawat agam-agam
    Dumarating ang pagkatapos ng ulan

  3. Sorry for my bad english. Thank you so much for your good post. Your post helped me in my college assignment, If you can provide me more details please email me.

  4. “Lubos lubos talaga ang pasasalamat ko sa kanila kasi kung hindi dahil sa kanila, nakatambay lang ako sa bahay ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: