LILISAN KA NA


Ang bawat sandali ngayo’y kumukumpas

Habang ang damdamin ay nagpupumiglas

Ngunit ang bibig walang maibulalas

Nananatiling tikom ‘di maibukas

 

At bumibilis ang pagdilim ng gabi

Kumakaripas rin ang bawat sandali

Bawat oras ay waring nagmamadali

Ngunit salita’y ayaw pang mamutawi

 

Sige na nga ikaw ngayon ay lilisan

Iiwan mo kami ng siyam na buwan

Baunin mo yaring aming pagmamahal

Pero suklian mo ng maraming dolyar (hehe)

 

Ingatan ang sarili sa araw-araw

Manatiling masaya, ‘wag mamamanglaw

Nandito lang kami sa ‘yo’y maghihintay

Sama samang uuwi sa bagong bahay

 

Tayong dalawa’y talagang pinagtagpo

Nitong tadhanang lubha ngang mapagbiro

Pagkat minsa’y ‘di maarok, ‘di matanto

Ang mga reklamo’t hinaing ng puso

 

Ngunit sa bawat paglipas ng panahon

O kaya’y pagdaan ng maraming taon

Ang mga problemang sa ati’y nabaon

Kapit kamay, hinanapan ng solusyon

2 Responses

  1. meaning nagbiro pa sa inyo ang tadhana nyan? gaganda ng mga anak mo at my hitsura asawa mo biniro kapaba nyan ng tadhana ayon dun sa sinulat mung tula. kung pala siniryoiso ka ng tadhana e baka hari at reyna kana na kayo ngayun.

  2. i like it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: