Gastos ‘di ko mawari, bakit ganito?
Sunod sunod na dumating buong linggo
Pitaka ko ay biglang nag alburuto
Wala na ‘kong madukot, kahit ‘sang libo
—
Sabay sabay dumating mga bayarin
Paano ba ito, saan ko kukunin?
Nakakahilo, kung laging iisipin
Manapa’y iwaksi, tinago’y dukutin
—
Bakit ba ang pera’y kay dulas sa kamay
Di pa nahawakan, ibig ng bumigay
Para sa mga bilihing walang humpay
At bayaring kung dumating sabay sabay
—
Mga bagay na kailangang gastusan
Ano’t nangyari sa loob ng isang b’wan
Pigilan ko man ay ‘di na naiwasan
Kaya ngayon, panahon ng kagipitan
—
Parang inaapanas aking katawan
Alumpihit sa ‘king kinatatayuan
At sa bawat minuto’y nasa isipan
Na kaylangan ang pitaka ko’y malamnan
—
Malapit pa naman sumapit ang pasko
Di pwedeng walang laman ang pitaka ko
Baka mga inaanak ko’y mamasko
At isa –isang humingi ng regalo
Filed under: Buhay nga Naman, Kwentula ni "Dregm", Tula ni "Dregm" | Tagged: Pitaka, Tula ni "Dregm" |
This has been Henry Umadhay for Wavescan in Antique, Central Philippines saying Mabuhay At Maraming Salamat po.