LIBANGAN KO ANG MAGSULAT

Naging madalas kong aliwan ang pagsususlat

Ang humabi ng tula sa halip makipag chat

Dito’y madali’t malaya kong naihahayag

Ang mga katagang sa inyo’y nais  ilahad

—–

Kapag tuluyang dumaloy sa isip ang paksa

Para sa aki’y ‘di mahirap magtugma tugma

Madali kong naaabot tamang talinhaga

At sa pag-iisip ‘di ako natutulala

—–

Kahit anong pangyayari, aking masalabid

Agad kong ginagamit ang naisipang tiknik

Mabilis kikilos ‘di magpapatumpik tumpik

Hahagilapin ang keyboard at isasatitik

—–

At kung hindi ganado sa pag katha ng tula

Napaka hirap mahagilap tamang salita

Na waring utak ko’y mistula ng nakokorta

At pati mata kong dilat, nagmumuta na

—–

Tulad ngayong katahimikan ng hatinggabi

Di dalawin ng gana sa tulang hinahabi

Mabuti pang tumayo’t maghilamos sandali

Upang maibsan mga mata kong nanghahapdi

—–

Nagkabuhol buhol na rin itong aking utak

Sa kakaisip sa mga gawain ko bukas

Ang oras pa naman ay kay daling lumilipas

Nag-aabang na gawain ko’y namumutaktak

—–

Heto’t matutulog pa lang ay iniisip na

Ang pagkaing lulutuin bukas ng umaga

Ilang oras lang itutulog, ipapahinga

At manok ng kapit bahay ay titilaok na

—-

Magkakape pa sana ako’t magtitinapay

Pag tingin ko sa garapon ay walang asukal

Kaya tumungo sa paminggalan at namungkal

Subalit wala na rin palang natirang bahaw

—–

Mabuti pa kaya’y matulog ako ng mahimbing

Kaysa isipin ko na agad ang aking pag gising

Pagkat wala na rin palang bigas ni katiting

Pano na ang pag gising kung walang isasaing

—–

Mabuti na lang at bukas ay araw ng linggo

Tiyak tanghali ang gising ng mga anak ko

Makakapamalengke pa’t makakapag luto

Kaya may solusyon rin sa pinoproblema ko

—-

O’ Kay hirap naman ng walang kasambahay

Wala man lang makatulong pag-uwi ng bahay

Ang mga anak pagod na rin galing eskwelahan

Kaya lahat ng gawain ay pagsisikapan

—–

Dito sa pagsusulat sarili ko’y inaaliw

Nahahasa pa itong utak kong inaagiw

Kahit ano mang bagay ay isinisiwalat

Walang paki alam kung mga mata’y mapuyat

4 Responses

  1. bakit napansi ko na meron minsan ang silabe ay 15 ang bilang minsin 14 lang ayos lang din ba yun?

    • pd rin ang tawag dun soneta

  2. pwede bang ang tula ay lagyan ng melody at gawing kanta?

  3. Hindi ko na sana ilalathala pa ito, nag dalawang isip pa ko nyan ha, pero dahil wala naman akong magawa at ang libangan ko eh ang magsulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: