NANG DAHIL SA ‘YO

Nanunukso ka na naman sa akin dyan

Parang ‘di makali na ako’y titigan

Mga sulyap, akala mo’y ‘di ko alam

May pa-irap irap ka pang nalalaman

—–

Ninanakaw mo, tamis ng aking ngiti

Na sa ‘yong pwesto mata ko’y nagagawi

Pano’y pang gayuma mo’y ganun katindi

Nang ako’y lumapit, wag mag atubili

—–

Ayaw kong patukso sa pang-aakit mo

Mga kilos at asta mo’y di ko gusto

Sarili kong plano ay ‘yong ginugulo

Pati takbo ng utak ko’y nababago

—–

Ngunit bakit nga ‘di kita maiwasan

Ano bang uring gayuma meron ka dyan

Kahit unti-unti  kang nilulubayan

Paglapit sa ‘yo, di ko kayang pigilan?

—–

Inaakit mo pa ang aking panlasa

Pakiramdam ko’y unti-unting nag-iba

Naantig na rin pati puso ko’t diwa

At ngayon nga ako’y iyong nahalina

—–

Sabi ko pa naman na ikaw ay iwasan

Ngunit pasaway at ‘di mapagsabihan

Ang “cholesterol at uric” nagtaasan

Kawawang katawan gamut ang kelangan

—–

Lechon sa handaan ayaw ko na sa’yo

Wag akong titigan, wag kang manunukso

Pagkat sakit sa puso, mapapala ko

Hayaan mo na lang kung sinong may gusto

 

2 Responses

  1. ahaha litson lang pala hihi ang galing mo mommy

    ako hindi ako nagagayuma sa litson wala syang appeal saken hehehe mwah!

  2. ang lambing mo talaga! alam mo na un kung bakit hehe! joke…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: