KATAKAWAN

Sa hirap ng tulang aking ginagawa

Sa tagal pag isipan, tyan ko’y nagwala

Agad naisip puntahan ang kusina

Namungkal para sa gutom na sikmura

 —–

Ako’y napapikit at may  naalala

Si pinsan Tony pala’y may dala-dala

Isang kahong biko, na napakasarap

Paborito pagkain, sa tuwina’y hanap

—–

Pag silip ref ay ‘di magkandatuto

Sa ‘king nakita ako’y biglang nalito

Pagkat may tira pang masarap na biko

Ito’y bigay rin ng pamangkin kong gwapo

—–

Paboritong binibili sa probinsya

Tawag nila dito’y sinukmani baga

Masarap kanin kape ang kapareha

Kahit almusal, pati na sa meryenda

—–

May nakita pa akong tapang espesyal

Binili ko iyon sa bayan ng Taal

Tapang masarap para sa ‘ming almusal

Lalantakan, kahit oras ng mirindal

—–

Ako talaga’y nakaramdam ng gutom

At natalo ko pa, ang hilong talilong

Sa dami ng nakain, t’yan ko’y umusbong

Di alintana kung tumaas ang presyon

—–

Dahil sa sandamukal, na nilantakan

Pusod ko’y umusli at ‘di na nakagalaw

Ito ang napala sa ‘king katakawan

Sa pag gawa ng tula, ‘di nakahataw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: