ILANG ORAS NA LANG

Wow! siguro ang saya saya mo sumapit na ang araw ng iyong pagbabalik. Ang araw na matagal mo ng hinintay, ang araw na matagal mo ng pinanabikan, ang araw na punong puno ng guni-guni habang ika’y nakahiga o naglalakad na bahagyang nakapikit. Natapos na ang pagtingala mo sa langit. Natapos na ang mga salitang parating sinasambit. Ang araw na punong puno ng pananabik.

Naayos mo na ba ang lahat? Lahat ng kailangan mo, ang lahat ng bagay na nais mong ipakita sa iyong pagbabalik? Sampong buwan ang hinintay, sampong buwan na waring sa isip mo’y kay bagal. Sampong buwan kang tumingala sa dilim ng kalawakan, naghihintay sa sagot ng babagsak na bulalakaw at nagtiis alang- alang sa mga pinakamamahal mong naghihintay sa iyong pagbabalik.

Natapos na ang sampong buwang tumatangis, natapos na ang tumamlay mong mga mata, ngayo’y banaag na ang saya, masisilayan mo na ang iyong pinanabikang makita. Sampong buwan, ngunit walang nagawa kundi ang maghintay sa pagsapit ng iyong paglisan sa kalawakan ng karagatan.

Ilang oras na lang at iiwan mong maayos ang iyong higaan. Handang handa na sa muling pagbabalik, nakangiti, sumisipol, plantsado ang damit, punong puno ng pagmumuni muni. Ang iyong mga gamit, nakasalansan na sa maleta, handang handa na sa pag tungo sa paliparan.

Wag kang mag alala, malinis na ang kwarto, makintab ang sahig, wala na ring agiw ang paligid, nakahanda ang paboritong pagkain. Matatapos na ang kinaiinipang sandali.

Ilang oras na lang….

3 Responses

  1. wow ang sarap namang isipin ang lahat ng nga sinabi mo. Alam kong matutuwa ang iyong mahal pag nabasa niya ito. Ganun din siguro siya na sabik na sa muli ninyong pagkikita. Marami kayong pag uusapan tungkol sa nga anak,hanapbuhay ,okasyon, kamag anak at marami pang iba kaya’t huwag naman ninyong kakalimutan pag usapan din ang nga bagay bagay na nasa puso ninyo.Enjoy my frend!

  2. Same facial features kayo talaga, paano yan mababawasan ang relationship mo with your lappy (PC) friend.

  3. Tnx mga friend!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: