B-Berlyn ang ngalan ng isa ko pang kaibigan
Maganda, mabait, masaya rin kakwentuhan
Mga katangian ‘nya’y aking hinahangaan
Lalo sa pag nenegosyo lagi sa isipan
……………
E-Extrang kakayahan sa pagkita kanyang taglay
Alam ano mang uri ng paghahanap buhay
Mag-isa man walang asawang umaagapay
Nakakayang iagdong kanilang pamumuhay
……………
R-radar kanyang damdamin nakabukas ang palad
Laging nakahandang tumulong sa mga anak
Ano mang pangangailangan bigay niya agad
Walang sabi sabi sarili man ay masagad
……………
L-Likas sa kanyang pagkatao ang kasipagan
Pagkat tingin ko sa kanya’y walang kapaguran
Kahit ang gabi ginagawa ‘nya pa ring araw
Upang kita’y sumapat sa pangangailangan
……………
Y- ‘Yan ang mga katangiang ‘di kaya ng iba
Idagdag ko pa ang galing sa pakikisama
Mga problema’di ko nakitang iniinda
Maging sakit sa katawan ‘di alintana
……………
N- Naging dalawang papel ang kanyang ginampanan
Pagkat ina’t ama ‘sya sa kanilang tahanan
Lahat ay kanyang kinaya at pinaglabanan
Hirap na dinanas, pati na rin kalungkutan
……………..
Filed under: Kaibigan, Tula ni "Dregm", Tula Para sa Kaibigan | Tagged: Tula para sa'yo Kaibigan, Tula sa Kaibigan |
You are really the best friend/friend everyone loves to have.
tnx