Tula PARA SA AKING KAIBIGAN

Akin pang sinulat, pinadala pa sa e-mail,

Mga nais iparating ng aking damdamin,

Ang aking pasasalamat sana’y iyong damhin,

Nagmula sa puso na sadyang umuukilkil.

———-

Ako ay may kaibigan yollie ang kanyang ngalan,

Ang kanyang ganda hindi nakakasawang tingnan,

May mala porselanang kutis sa kakinisan,

Mabibighani ka kapag ika’y nangitian.

———-

May pitong taon na rin kaming magkakilala,

Sa pangingibang bansa ‘sya lagi ang kasama,

‘Sya ay mabait at maaasahan sa t’wina,

Mapagmahal sa kaibigan maasikaso pa.

———-

Halos araw-araw ko ‘syang katawanan,

Sa kwentuhan naming walang katapusan,

Kahit sa ym lang ang aming huntahan,

Halakhakan namin ay talagang kainaman.

———-

Pag usapa’y nasimulan kulang ang maghapon,

Pagkat ang kwentuhan kung s’an saan natutuon,

Katabi ‘nya sa upuan ay napapalingon,

Iniisip marahil kung sino ba ang kalipon.

———-

Ngalan ‘nya ang binabantayan lagi sa ym,

‘Sya ang hinahanap sa t’wina na mag login,

Kapag sa maghapon ay ‘di ko nakaulayaw,

Tiyak na puso ko’y makakaramdam ng panglaw.

———-

Sa halos araw-araw ng masayang kwentuhan,

Ay marami na rin akong sa kanya’y natutunan,

Na lagi kong itinatanim sa ‘king isipan,

Ang mga payo ‘nya lagi kong tinatandaan.

———-

Alam namin ang nangyayari sa isa’t isa,

Kung anong bagong balita sa aming dalawa,

Sapagkat unang pagbati ang pangungumusta,

Kasunod naman nito ay magkukwentuhan na.

———-

At sa bawat panahong kami’y nagkakasama,

Ang mundo namin ay nababalutan ng saya,

Lahat ng ala-alang aming pinagsaluhan,

Pamihadong naka ukit sa aming isipan.

———-

Bawat tao, nais magkaroon ng kaibigan,

Isang nakakasamang malapit sa kalooban,

Kaya anong saya ko nang ‘sya’y matagpuan,

Naging kasalo ko sa lahat ng kasayahan.

2 Responses

  1. Higit pa sa yamang meron ka
    Pagtama sa lotto kahit wala
    Tunay masasabing pinagpala
    Ang maging kaibigan ka.

    Frend,gusto ko lang sabihin sa iyo na napakaswerte ko at may kaibigan akong katulad mo.Salamat…

  2. Galing!!!!!! May pinang HUHUGUTAN……….
    ASTIG!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: