(Tula) BUKANG LIWAYWAY

Isang gabi’t araw na naman ang dumaan

Sa sobrang bilis ‘di ko man lang namalayan

Huni ng kuliglig ‘di rin naulinigan

Pagal na katawan tuloy sa kahimbingan

__________

Bagong araw ay bagong pag-asa sa buhay

Ang kahulugan ng pagbubukang liwayway

Bumangong masigla at ‘wag magpalungangay

Kahit umaga’y maruming hangin ang tangay

__________

Matitinding mga balita sa ‘ting bansa

Na nakakatulala, at nakakabigla

Nakakalungkot, minsa’y nakakapaluha

Katiwasayan, idalangin sa Maylikha

__________

Kahit ang presyo ng gasolina’y tumaas

Lahat ng bilihin, kasama pati bigas

Pasalamat parin sa mga sakit, ligtas

Kaysa maospital bulsa nanti’y mabutas

__________

Kahit puno ng alikabok ang paligid

May sari sari mang tunog na maririnig

Iba’t ibang sasakyan ang umaagit-it

Halina’t, salubungin ang biyayang hatid

__________

Kahit maraming bagay ang nagsisiksikan

Tao’t sasakyan nagpapatentero sa daan

Halos wala na nga yatang katahimikan

Taggapin, tadhanang sa ati’y nakalaan

__________

Kahit saang dako ibaling ang paningin

Kung may makitang bagay na kapansin pansin

Wag ng pakatitigan at sadyang limutin

Pag buklat ng bagong pag-asa ang isipin

__________

Kahit ang bukas ay puno ng alinlangan

Sa kahirapan ng buhay ‘di makabitaw

Ang saya’t pag-asa’y malayo pa matanaw

Kaginhawaan mandin ay masusumpungan

__________

Kahit tayo sa kaginhawaan ay salat

Maging sa ano pa man ay magpasalamat

Napakarami pang biyayang ikakalat

Sa ating harapan ay biglang sasambulat

__________

Sadyang may mga pangyayaring mahiwaga

Minsan sa buhay ay bigla lang bubulaga

Mga bagay minsa’y ‘di maipaliwanag

Nalalabuan, naghahanap ng liwanag

__________

Pasayahin natin ang pagbukang liwayway

Pagkat ito’y biyaya sa ‘tin ng Maykapal

Maghintay at may gantimpalang ibibigay

Hindi maglalaon at ‘di rin magtatagal

__________

Ngunit pag bukang liwayway ay sumambulat

Wag tumameme at ika’y makukulelat

Baka pag-asang nasulat sa buhay, ikalat

Pihadong ikaw ay mananatiling salat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: