(Tula) LARAWAN NG AKING KAMUSMUSAN

 

Nakakita ako ng papel na pang grade one

At naalala ko ang aking kamusmusan

Isusulat ang pangalan at ang dati kong nakagawian

Guguhit ng pangarap pag dating ng araw

 

Isang simpleng bahay na kay gandang ilarawan

Madalas ko pa ngang ito’y kinukulayan

Munting bahay na may dalawang bintana lang

At mayron ding hagdang tatlo lang ang baitang

 

May malinis na paligid at tanawing luntian

Halaman sa tarangkaha’y nagbubulaklakan

Mga ibong lumilipad at punong naglalakihan

At sa likod ng bahay may balag rin ng gulayan

 

Mga pananim na prutas na hitik sa bunga

May tutubi, bubuyog at may paru-paro pa

Mabango rin ang banayad na ihip ng hangin

Kay ganda ng paligid san man idako ang tingin

 

May makulay na bahaghari pa sa aking pangarap

May bughaw na langit at may makapal na ulap

May dalawang malaking bundok sa silangan ng bahay

Sa pagitan nito’y sumusulyap ang nakangiting araw

 

Syempre meron ding manok na tumitilaok

Na lagi naming ulam ang kanilang itlog

May baboy at mga biik na humahagok

Na pag dating ng kapistaha’y ‘syang ibabarog

 

Sa di kalayua’y mayron ding malawak na bukirin

Na may lumilipad pa ngang  mga uwak at lawin

At si tatay na naglalakad sa mahabang pilapil

Bitbit ang araro’t hila si kalabaw na putikin

5 Responses

  1. payak na pamumuhay ang inilarawan mo pero ang totoo humigit pa rito. sa kabilang banda, masaya nga ito magkaganon man, pareho pa rin..ang mahalaga ang kagandahang loob at busilak na puso! hehe. practice lang.

  2. hehe! galing mo naman pala tumula e..

  3. Hello Dregm,
    You’ve got nce talent to share.

    Godbless,
    Diary ni Gracia

  4. ok to at nakakatulong din to sa mga bata

  5. SA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: