(Tula) TRICYCLE

Maaga akong pumasok sa trabaho

Bago magsimula ako ay nagplano

Una ang parlor magpalinis ng kuko

Para ng tricycle sakay naman ako

 

Kumuha ng barya sa aking pitaka

Kimkim sa palad nakahandang ibayad

Mabilis ang takbo, wala sa huwesyo

Hanggang sa pagbaba ako’y nalilito

 

Palingon lingon, ang mata’y gumagala

Di ko makita ang parlor ni regala

Panay ang hanap ko sarado pa pala

Palakad lakad tingin muna sa paninda

 

Hanggang sa mapadako na sa mercury

At ito ngayon ang mga pangyayari

Pagkabayad ng gamut na aking binili

Biglang naisip ko bumili pa ng candy

 

Pagpili, ginamit ko’y kaliwang kamay

At dun ko napansin ang barya kong tangan

Ang kawawang driver ‘di ko nabayaran

Pano ba ito nakakahiya naman

 

Pagbalik sa parlor ay sarado pa rin

Kaya’t nagtungo sa pila ng tricycle

Panay ang lingon baka makita ng driver

Nag-aalalang baka ako ay murahin

 

Hay nakupo! ano ang aking gagawin

Ang mamang driver baka ako’y hulihin

Sa nangyari ano ang aking sasabihin

Baka isang araw ako ay dukutin

 

One Response

  1. Hay frend nangyari na rin sa akin yan sa jeep kaya sobrang guilty ko kakahiya kasi. Sanay kasi tayo na nakasakay lang at bababa na walang binabayaran kaya akala natin ay sarili natin yung jeep or trycycle.Di bale next time magkikita pa rin kayo niyan he hehe. Baka magpalinis ng ngipin huwag mo ng pabayarin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: