(Tula) KAPAG UMUULAN

PANSARILING TULA

(DAMDAMIN)

 

Nawala na ang bugso ng ulan

Lumipas na rin ang takipsilim

Unti-unti na ring dumidilim

Ngunit mata ko’y malamlam pa rin

 

O’ ulang tikatik

Pinapahinto mo bawat saglit

Damdamin ko’y tinatagong pilit

Kinakahon mo luha’t hinanakit

 

Inspirasyon ko sana ang ulan

Para sa aking tulang inaasam

Ang dalangin ko’y muling pagbigyan

Kahit maraming taong magdamdam

 

Heto pa rin ako’t nag aabang

Buhay pa ang diwa’t gumagala

Humahabi ng tamang kataga

Para sa ‘king MADAMDAMING tula   

 

Di makubli, likot ng isipan

Pagtula tuloy napagbalingan

Maraming tanong ang sumusulpot

Kaya pati tulog nasasangkot

 

Di ko naman kayang maibigay

O masambit ang tunay na pakay

Mga tamang opinyo’t pananaw

Kahit napaka liit na bagay

 

Kelanga’y ilaw ng alitaptap

Upang paligid ko’y magliwanag

kelangan ng papel at panulat

Upang talinhaga ko’y bumakat

 

Sakaling damdami’y sumambulat

Katulad ng kulog at ng kidlat

Di man pansinin ‘di man basahin

Lahat ‘yon may kahulugan pa rin

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: