(Tula) HILONG TALILONG

 

Habang tinitipa ko ang aking kwento

Animo’y sumasakit ang aking ulo

Di naman ako antok o nahihilo

Marahil dala ng init sa ‘king kwarto

 

Nais kong magkwento ng nangyari sa ‘kin

Mula kanina kahapo’y isama rin

Mga kapalpakan tungkol sa ‘king bayarin

Sa dami ay umabot ng singkwenta (50)mil

 

At ang kwento ay nagmula sa ganito

Mula pag gising hanggang sa pag alis ko

At nais kong ikwento ng detalyado

Walang labis at kulang handa ba kayo?

 

Kumakain ako’y nagbip ang aking fun

S’ya ang pasyenteng nagpatala kahapon

Sabi ko raw dapat maaga s’ya doon

Ano nga’t kay aga biro ko lang iyon

 

Pagsakay ng kotse ay nalimutan ko

Ang pasyenteng naghihintay sa clinic ko

Harurot pag takbo iba ang tinungo

At sa ibang lugar ako napadako

 

Nagulat ako biglang nagbip na naman

Tawag ni pasyenteng sa aki’y nag aabang

Siya ay aking binunutan ng mabilisan

Mabuti naman at ‘di ko sya nasaktan

 

Matapos maglinis ng mga aparatu

Agad kinuwenta mga bayarin ko

Ako’y mukhang nawala sa ‘king huwesyo

Pagkat tatlong credit memo lahat ay due

 

May bill ng ilaw, tubig at telepono

Nagkasabay sabay ang babayaran ko

Sinong ‘di mahihilo kung nagkaganito

Lalo kung kulang ang pera sa wallet mo

 

Paghabol sa oras karipas ng alis

Di na nag-isip bag lang pala ang bitbit

Pag pila sa bayad center saka naisip

Ang mga bayarin naiwan sa clinic

 

Pag sakay ng kotse hagilap si celfun

Tumawag sa kasama upang magtanong

Panay ang hello at aking pagtatanong

Ibang numero pala nadial sa phone

 

Bagaman nagngingitngit ako’y natawa

Ang init ng araw di ko inalintana

Pinilit ko lang ngumiti at magsaya

At baka pumangit mukha kong maganda

 

One Response

  1. Frend, mukhang lumakad na hanggang ulo ang sakit ng iyong siko kaya ka nagkaganyan he he he.
    Konting paalala:
    1. Huwag kalimutan gumawa ng checklist/reminder para hindi makalimutan ang nga dapat gawin.
    2. Pag may naisip na dapat gawin ay gawin na kaagad huwag ng i postpone pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: