(Tula) UMAATIKABONG HAGIKHIKAN

Isang araw ng Abril taong kasalukuyan

Kaming magkakaibigan ay nagkayayaan

Na lumabas at kumain sa isang restoran

May ilang bagay kaming nais mapagkwentuhan

 

Kasabay sa pag-apaw ng hapag sa harapan

Ang umaatikabong impormasyong kaalaman

At sa bawat pag sandok ng mainit na sabaw

Umalingawngaw na ang matinding hagikhikan

 

Subo’y mainit na kani’t masarap na ulam

Higop ang bagong kaalaman at kamalayan

Sabay lunok, lagok at hagod sa lalamunan

Pulot ang magagandang aral na natutunan

 

Sa bawat taginting ng tinidor at kutsara

Ang pagkain sa hapag, wala na ring natira

Subalit ang masayang kwentuhan at tawanan

Ay patuloy pa rin, waring walang katapusan

 

Nabusog ang tiyan ganun din ang kaisipan

Ng mainit na kanin at masarap na ulam

Ng bagong kaalaman at masayang kwentuhan

Ng magkakaibigang maganda ang samahan

 

Naligpit ang hapag, sarado na ang restoran

Uuwing baon ang magagandang natutunan

Dalanging sisidlang napuno ay matunawan

Wag sumirit ng masamang hangin ang katawan

4 Responses

  1. Masayang tingnan ang pagkikita ninyong muli ng nga kaibigan mo. Pati nga ngiti ninyo ay nagsaad ng kabusugan hindi lang ng pagkain hinain kundi pati ng nga kwentong walang katapusang pinagsaluhan..

  2. Masayang tingnan ang pagkikita ninyong muli ng nga kaibigan mo. Pati nga ngiti ninyo ay nagsaad ng kabusugan hindi lang ng pagkain hinain kundi pati ng nga kwentong walang katapusang pinagsaluhan.Hindi ba minsan ay nasasabi natin na busog na ako sa katatawa?

  3. It can be looked at as really manipulative, rude, or an attempt to get somebody to believe something else that they do not want to think.

  4. Nice post tungkol sa (Tula) UMAATIKABONG HAGIKHIKAN « Tula, Kwentula at Opinyon ni "DREGM". Ako masyadong impressed sa ang oras at pagsisikap mo ilagay sa sumulat sa kuwentong ito . Ako ay magbibigay sa iyo ng isang link sa aking mga sosyal na media blog . Lahat ng mga pinakamahusay na !

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: