SOBRANG INIT…

Grabe ang init ngayon parang matutunaw na ako sa init. Halos sa sobrang init natutuyo na yata ang utak ko. Hindi na tuloy ako makapag-isip ng maayos. Kinakati pa naman  ang kamay ko tumipa sa aking laptop. Hating gabi  na gising pa ang aking diwa mukha na akong zombee. Nakakagutom ang gabing ito. Pinipilit kong matulog, subalit ayaw naman pumikit ng aking mata,  ibaling ko na lang sa pagkain para malamnan ang aking sikmura.

Pangkaraniwan lang naman ang gusto ng aking panlasa. Huwag lang prutas na malalambot at madulas, mabuto tulad ng atis at durian yucks sa akin yon, pero gusto ko ng star apple, ang manggang hinog hindi ko rin gusto, kumakain rin naman ako, pero hindi ko kinasasabikan. Mahilig ako sa matatamis, hindi ako gaano mahilig sa ice cream, pero, tumitikim rin naman. Mas hilig ko ang pagkaing may konting asim pinakapaborito ko ang kahit anong klase ng salad na may macaroni, chicken macaroni etc. basta may macaroni. Hindi ko kinasasabikan ang kumain ng pizza, ngunit matakaw ako ng tinapay kahit na anong klaseng tinapay. Ang tikoy hindi ko pinagsasawaan masarap na sa aking almusal o meryenda yan.

Sa pang ulam kahit na ano baboy, manok, baka at isda huwag lang ang luto ay masyadong masarsa yun bang maraming tomato sauce or kahit na anong pampalapot mas gusto ko ang prito lang o sinabawan. Wala akong kinasasabikang ilulutong ulam para sumarap ang kain ko, para sa akin lahat ay masarap kapag nakaramdam ako ng gutom kahit kape lang ang ulam ko sa kanin. May isa pala akong gustong iulam, pero tama ng matikman ko minsan sa loob ng isang taon ang ampalaya con carne.

Alam ‘nyo kung ano ang pinaka gusto kong kainin? ang sweet corn kaya kong kumain ng 4 na piraso ‘nyan sa isang upukan. Isa pang paboritong pagkain ng pamilya ko kasama na ako ang California Maki. Salamat ha sa lagi mong pagdadala sa akin nito. Iba naman mukhang sawa na ako e. Hehe! joke…

Pero, teka di ba kakain ako hehe..Nyak! wala akong makain inom na lang ako ng milk.

3 Responses

  1. Pareho tayo frend bread din ang weakness kahit anong bread kahit wlang palaman….mis ko na bread dyan yung mga wla dito…gusto ko yung nabibili lang sa panaderya sa kanto dyan…

    Tikoy naman ang ayokong- ayoko…

  2. Ayoko din ng ampalaya….

  3. gusto ko naman ang ampalaya con carne

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: