(Tula) MALAMYOS MONG TINIG

Nag ring kagabi ang aking telepono

Di ko nalaman kung kaninong numero

Medyo, inaalimpungatan pa nga ako

Pero nasagot ko rin ng hi at hello


Dahil sa aking antok  ay nabitawan

Itong teleponong aking tangan tangan

Kung anong nangyari ay ‘di ko nalaman

Kung kaninong boses, aking napakinggan

 

At habang nasa gitna ng panaginip

Ang tenga ko’y may tinig na naririnig

Ring ng telepono muling nangungulit

Kaya bumangon at sinagot kong pilit

 

Hi at hello na akong paulit ulit

Ngunit ang boses ay ‘di ko pa rin marinig

Sino ka ba bakit ‘di ka umiimik

Inaabala mo, aking paghihilik

 

Sinigawan ko sa aking pagkainis

Biglang sumagot at ako’y napa umis

Ikaw pala ‘yang may malamyos na tinig

Pasensya na, pagkat ‘di kita marinig

 

Bakit ang boses mo’y parang nanginginig

Anong telepono ang ‘yong ginagamit

 Marahil gamit mo’y matipid na “smart link”

Kaya putol putol, nais pahiwatig

 

Nais ko lang naman sabihin

 

Nabasa ko na ang e-mail mo kahapon

 Inaantok nga, kaya tumalon talon

E-mail mo lang pala, ang ‘syang tanging gamut

Kaya ngiti ko’y umabot hanggang batok

 

Wheeeeeeeee hehehe!

FISH SARCIADO (by: rsmacaalay in “angsarap”)

 

Ingredients

Fried fish
6 medium tomatoes, diced
2 eggs, beaten
3 cloves garlic, minced
1 small onion, minced
fish sauce
freshly ground black pepper
1 teaspoon fish sauce
oil
1 cup water
1/2 tsp tarragon
1/2 tsp thyme

Method

1. In a wok, add oil and sauté onion and garlic in high heat
2. Add tomatoes and continue to stir fry until tomatoes are soft.
3. Add water, tarragon, thyme and fish sauce (according to your taste). Bring to a rapid boil.
4. Once boiling add fish simmer for 5-8 minutes (depending on the thickness of the fish) then remove the fish and place on plate.
5. Back to the wok; add the beaten eggs mix it together with the sauce. Turn the heat off and pour sauce over plated fish.
6. Season with freshly ground black pepper

(Tula) Hay Buhay!

Ang buhay nga naman

Minsan hindi mo maintindihan

Pilit mo mang unawain

Sumasakit lang ang damdamin

Maraming bagay ang ninanais

Ngunit bakit hindi makamit

Ang daming bagay na hinihingi

Ngunit ayaw pang ibigay sa atin

Kung minsan problema ang ibibigay

Kung dumating nama’y sabay sabay

Ngunit sabi ng iba talagang ganyan

Natatapos din at nalalagpasan

 

Lalo akong nalilito

Hindi ko malaman ang isusulat ko

Saan ba ako magsisimula

Problema kabikabila

Ang daming dapat gawin

Ang daming dapat tapusin

Bakit ba hindi pa simulan

Bakit kaya kinatatamaran

Ang daming dapat pagtiisan

Ang daming dapat kalimutan

Bakit hindi pag-aralan

Baka sakaling matutunan

Hay buahay! Ang hirap!

(Tula) MASAKIT NA TENDONITIS

Isang gabing panaho’y mainit

Sa sakit ako’y namimilipit

Pinagpapawisan ng malagkit

Hawak ang braso kong sumasakit

Pakiramdam ko’y hindi mawari

Kagat ko na itong aking labi

Ano kaya’t bakit sobrang kirot

Siko ko’y ‘di na maibaluktot

 

Sa kama ay hindi mapakali

Bumangon akong nagmamadali

Sa liniment nagbakasakali

Kirot ng braso ko’y mapapawi

 

Pag pahid ng gamut na mainit

Balat ko ay waring pinupunit

Walang magawa kundi magtiis

Sa kirot, dulot ng tendonitis

 

Ilang minuto ang nakaraan

Dagling guminhawa, pakiramdam

Sa liniment na ipinahiram

Ni Yollie na aking kaibigan

 

Ilang linggo rin akong nagtiis

Sa aking brasong may tendonitis

Buti’t panaghoy may nakapansin

kay dali naman palang gamutin

(Tula) SUMUSULAT AKO NG TULA

Magandang tula ang isinusulat ko

Kahit patuloy akong nagmamaneho

At sa gitna ng mabilis na pagtakbo

Isip ko sa pagkatha’y di nagugulo

 

Sa kahabaan ng kalyeng binabagtas

Liko liko, mabato at butas butas

Habang ako ay nasa byaheng kay bilis

Anaki’y hilo ngunit ‘di nalilihis

 

Nakabantay yaring aking mga mata

Sa bawat tanawing aking nakikita

Sinisipat ko rin ang bawat angulo

Sa lahat ng kalyeng madaraanan ko

 

Kahit na minsa’y di ko mapag isipan

Ang bawat katagang aking iuugnay

Pinipilit pa ring hanapan ng buhay

At ng tula ko’y magkaroon ng saysay

 

Ang direksyon ng tanaw ko ay lagpasan

Kahit walang kwenta’y pinag-iisipan

Humahabi pa rin ng mga salita

Upang tula ko ay mabigyan ng diwa

 

Sakdal hirap man ang ganitong sitwasyon

Patuloy pa rin ang pagsulat ng tula

May mababaw, malalim na talinghaga

Upang bigyang buhay ang lutang na diwa

(Tula) K-A-I-B-I-G-A-N

Kung kelan tayo nagkatagpo, nun din nagkakilala

Ang masaya nating samahan, ay dito nag-umpisa

Isinama ako upang kumain, tandang tanda ko pa

   (sa café Isabel)

Bagay na di ko akalaing kayo palang dalawa.

     ang kukumpleto, sa akin ng tuwa’t saya.

Inisip kong mabuti, kung ako’y inyong magugustuhan

G-aya ng iba ninyong mababait na kaibigan

Ako nama’y natuwa, pagkatao ko’y inyong naibigan at

Ngayon nga ang pagkakaibigan nati’y kay ganda ng 

     samahan

 

Sana sa pamamagitan ng aking tinahing salita,

Itong aking tula para sa inyo ay ikatuwa

Panahon ma’y lumipas, ngipin ko ma’y malagas

Ang samahan natin ay hinding hindi kukupas

Tulad nito’y ginto’t pilak na idinarang sa apoy

Ang tunay na kaibigan sa saya at panaghoy

Katulad ay puno ng narang hindi maitumba

Ganyang ganyan katibay ang ating pagsasama

ORANGE CHICKEN (by: Panlasang Pinoy)

Ingredients:

2 lbs boneless chicken breast, cubed

1 cup brown sugar

2 cups all purpose flour

1 raw egg,beaten

¼ teaspoon salt

¼ teaspoon pepper

cooking oil

1 ½ cup water

4 tablespoons orange juice

2 tbsp cornstarch

1/4 cup vinegar

2 tablespoons soy sauce

1 teaspoon garlic, minced

1/2 cup green onions, finely chopped

Cooking Procedure:

1. In a container, put-in the flour, salt, and ground black pepper then mix well

2. Dip the chicken on the beaten egg mixture and place inside the container (where the flour, salt, and pepper are)

3. Close the container and shake until the chicken is evenly coated with the flour mixture

4. Deep fry the chicken for about 7 minutes or until the color turns golden brown. Set aside

5. In a pan, put-in the water, soy sauce, vinegar, and orange juice then bring to a boil

6. Add the garlic and simmer for 5 minutes

7. Add the sugar and and simmer for 3 to 5 minutes

8. Put-in the green onions and cornstarch (diluted in 2 tbsp of water) then mix well

9. Add the deep-fried chicken on pan and cook until sauce nearly evaporates

10. Serve hot. Share and Enjoy!

ISANG UMAGANG PAGDALAW (Kwentula)

Napadaan ako sa Maynila noong isang araw

Meron akong kaibigan na aking dinalaw

Parati kasing hinihiling na kami’y magkita

Pinagbigyan ko hindi ako umalma

Hindi ko ‘sya makilala anong nangyari

Mukha ‘nya ay puno ng kulerete

Ang ayos ‘nya mukhang Christmas tree

Hindi naman ‘sya ganun nung college pa kami

Kaibigan ko ‘sya dati, pero  sa ibang iskul

Lagi ‘sya sa boarding house at nagbubulakbol

Kapag may asignment sa akin nagtatanong

Hindi ko naman alam ang kanilang lesson

Dumating ang kapatid  bumati nakangiti

Nakilala ako panay ang  papuri at ngisi

Biglang kasunod ‘sya raw ay aking  ilibre

Ng brace kahit na alambre.. hehe

Meron ‘syang kuya na matangkad

Laging nakadukot sa bulsa kung lumakad

Hindi ko gusto ang kilos at ugali

Suplado, hindi marunong mambati

Ang sabi ‘nya ‘sya raw ay gwapo

Gwapo ba ‘yong may poknat sa ulo

Ang itsura ‘nya mukhang sabungero

Pero ang sabi ‘nya ‘sya ay may negosyo

Ang dati kong kaibigan bulaklak ang pangalan

Ang sabi ng iba maganda raw naman

Pero para sa akin ay pangkaraniwan lang

Pagkat ang bewang kapantay ng balikat at balakang

Ngayon ‘sya ay may tindahan at kainan

Doon pa rin nakatira sa dati kong tinirahan

Mga anak ang kanyang katulong

At asawang bilog na bilog na parang gulong

Inalok ‘nya akong kumain panay ang pilit

Kahit ako’y nagmamadali ay aking pinagbigyan

Ngunit ng ako’y tumayo at magpapaalam

Damit ko’y sumabit sa silyang pilipit, punit

Nagtawanan kami na parang walang anoman

Buti na lang may dala akong sasakyan

Kung wala e paano nakakahiya naman

Sasakay sa FX punit ang aking laylayan

Kahit ‘di kami malimit magkita lapat ang aming samahan

Pano kasi dati sabay kami umuutang sa metrobank

Gusto ‘nya kasing bilhin ang kanilang inuupahan

Ang nangyari ‘sya ang pianautang, ako’y tinanggihan

Inirekomenda ko ang abogado kong pinsan

Sa ibinayad sa kanya, ‘sya nama’y nasiyahan

Hindi ‘nya akalain na ganong kagalante

At tinanong pa ako kung ‘sya ay aking kumare

Paalis na ako, panay ang pigil sa akin

Humagilap ng plastic bag may isinilid na pagkain

Hindi magkamanyakot panay ang pagbabalot

At may tocino pa’t relyenong bangus na isinupot

Kahit na ganyan itsura ng ang aking kaibigan

Para ‘syang matanda kung ako’y payuhan

Sa pagmamalasakit ay iyong maaasahan

Kaya naman nakonsensya akong hindi ko pasyalan

 

(Tula) MAUNDY THURSDAY

 

Maaga akong gumising at bumangon

Pagkat marami akong gagawin ngayon

Ang araw na ito’y ‘sang pagkakataon

Tumigil ng bahay sa buong maghapon

 

Kumpara kahapon atkamakalawa

Ang katawan ko’y sobra namang abala

Kasisilip sa maraming ngala ngala

Ng mga pasyenteng ngipin ang problema

 

Kagaya ng mga nagdaang umaga

Na parati kong ginagawa sa t’wina

Haharap sa kusina’t magluto muna

Ng simpleng almusal ng aking pamilya

 

Bago ko simulan ang gawaing bahay

Mabuti pang ako muna ay magnilay

Pagkat ngayon ay araw ng pag gunita

Ng pagbubulay at pagtitika

SOBRANG INIT…

Grabe ang init ngayon parang matutunaw na ako sa init. Halos sa sobrang init natutuyo na yata ang utak ko. Hindi na tuloy ako makapag-isip ng maayos. Kinakati pa naman  ang kamay ko tumipa sa aking laptop. Hating gabi  na gising pa ang aking diwa mukha na akong zombee. Nakakagutom ang gabing ito. Pinipilit kong matulog, subalit ayaw naman pumikit ng aking mata,  ibaling ko na lang sa pagkain para malamnan ang aking sikmura.

Pangkaraniwan lang naman ang gusto ng aking panlasa. Huwag lang prutas na malalambot at madulas, mabuto tulad ng atis at durian yucks sa akin yon, pero gusto ko ng star apple, ang manggang hinog hindi ko rin gusto, kumakain rin naman ako, pero hindi ko kinasasabikan. Mahilig ako sa matatamis, hindi ako gaano mahilig sa ice cream, pero, tumitikim rin naman. Mas hilig ko ang pagkaing may konting asim pinakapaborito ko ang kahit anong klase ng salad na may macaroni, chicken macaroni etc. basta may macaroni. Hindi ko kinasasabikan ang kumain ng pizza, ngunit matakaw ako ng tinapay kahit na anong klaseng tinapay. Ang tikoy hindi ko pinagsasawaan masarap na sa aking almusal o meryenda yan.

Sa pang ulam kahit na ano baboy, manok, baka at isda huwag lang ang luto ay masyadong masarsa yun bang maraming tomato sauce or kahit na anong pampalapot mas gusto ko ang prito lang o sinabawan. Wala akong kinasasabikang ilulutong ulam para sumarap ang kain ko, para sa akin lahat ay masarap kapag nakaramdam ako ng gutom kahit kape lang ang ulam ko sa kanin. May isa pala akong gustong iulam, pero tama ng matikman ko minsan sa loob ng isang taon ang ampalaya con carne.

Alam ‘nyo kung ano ang pinaka gusto kong kainin? ang sweet corn kaya kong kumain ng 4 na piraso ‘nyan sa isang upukan. Isa pang paboritong pagkain ng pamilya ko kasama na ako ang California Maki. Salamat ha sa lagi mong pagdadala sa akin nito. Iba naman mukhang sawa na ako e. Hehe! joke…

Pero, teka di ba kakain ako hehe..Nyak! wala akong makain inom na lang ako ng milk.

TULA SA AKING IMAHINASYON

CYSAI           

Lagi kang hinahaplos

Ng palad kong may paltos

Di kita ginagapos

Minamahal ng lubos

 

Kahit pa ako’y iwan

Ng aking kasambahay

Basta’t ika’y nariyan

Taga bantay ng bahay

 

Nais kang kausapin

Upang aking sabihin

Lahat ipagbibilin

kaya pakalimiin

 

Habang ika’y kaharap

At ikaw ay kausap

buntot mo’y kumakawag

Para bang kay liwanag

 

Ang aking sinasabi

Iyong iniintindi

Ito kaya’y may saysay

Kahit isa kang CYSAI?

 

Ang  tulang ito ay hango sa isang serye ng drama na kasalukuyan kong pinapanood sa TV.

 

LANGO

Ikaw ‘yang nakaungkot

Diyan sa isang sulok

Na may katabing lunkot

At nang ako’y kumatok,

Pinto ay nilapitan

Pilit mong binubuksan

At ang mukhang pawisan

Ang aking natunghayan

 

Lahat ng panandalian

Gusto mo ng takasan

Ngunit ika’y nakaladkad

At di na makalipad

Pagsisisi’y walang silbi

Anong iyong masasabi

Mistula ngang alipin

Ang iyong sasapitin

 

Bihag ng pagkalango

Hayan at nabilanggo

Sa hawlang ‘di sarado

Ngunit nakakandado

Iniwan kang malungkot

At muling magmumukmuk

Doon sa  dating sulok

Kung san ka nakalugmok

 

GANITO KA BA?

Mistulang bulag nangangapa sa liwanag

Mistulang bingi di marinig ang katabi

Mistulang pipi salita’y di maparami

Mitulang pilay naglalakad ng may saklay

 

Binibilang ang buhangin

Dinadakot mo ang hangin

Sinusungkit ang bituin

Ngunit lampas ang paningin

(Tula) EMO KAMI

 

Aking kaibigan gusto kitang aliwin

Pagkat alam kong may tampo ka sa akin

Sa oras na iyon ako’y unawain

Pagkat sasakit lang ang iyong damdamin

 

Basta lagi mo lang sanang tatandaan

Ang mga kwento mo’y handa kong pakinggan

Ang ‘di ko pagdating ay nagkataon lang

Kaya pasensya kung ako’y inasahan

 

Ramdam ko ang pag-intindi mo sa akin

Lalo na sa braso kong idinadaing

Gusto mo pang ngang gamutin at hilutin

Hindi ba’t ang sarap sa iyong maglambing?

 

Ang araw na ‘yon ‘di ko binalewala

Alam kong malawak ang ‘yong pang-unawa

Ang puso’y may lakip na pagtitiwala

Ang ala-alang ‘yan ‘di ko iwawala

 

Kay rami na ng ating pinagsamahan

Ala-alang nakatatak sa isipan

Mga tampuhang tampororot lang naman

Nakakatuwa, sarap sa pakiramdam.

(Tula) ISANG ARAW NG MARTES SA LINDEN SUITES

 

Araw ng martes nung kami ay nag check-in

Sa magandang hotel, pangalan ay linden

Kasama ang pamilya’t mga pamangkin

Pati mga pinsan at ang tatay namin

 

Ilang sandali lang kami ay nagpahinga

Sinulit namin ang malambot na kama

Nagmuni muni ng mga ala-ala

Hanggang sa tuluyang kami’y maidlip na

 

Habang ang mga bata ay nagmamasid

Naisipan ko naman mag surf sa internet

Si Linda at Julie ay nagpapa init

Ng aming meryendang spaghetti’t pansit

 

At sa dami ng aming dalang pagkain

Hanggang kinabukasa’y ‘di gugutumin

May kanin, itlog, adobo at fried chicken

May tinapay, sitsirya’t ibang kakanin

 

Panay ang pagpapakuha ng larawan

Sa pag posing ay ‘di magkaintindihan

At sa bawat kislap ng kamerang dala

Iba’t ibang aksyon inyong makikita

 

Matapos ihanda ang aming hapunan

Kasamang mga bata ay naglanguyan

Kami namang matatanda’y nagkwentuhan

Ng magagandang karanasang nakamtan

 

Lahat kami doon ay naging masaya

Sa larawan nami’y inyong makikita

Masasayang mukha, lahat nakatawa

Iba’t ibang postura, may nakadila pa

 

Ang mga bata halos hindi natulog

Ang kama ng hotel kanilang nilamog

Ang mga unan at kumot ay nalukot

Mag uumaga na wala pang inantok

 

Kung may kasiyahan meron ding tampuhan

Pagkat may isang batang napagsabihan

Gumising ng maaga, nagpunta sa bar

At ang biskwit na oreo ay inalmusal

 

Kaagad tumalilis ng takbo sa kwarto

Sumubsob sa kama sapagkat nagtampo

Sinundan ng lolo at kanyang inalo

Muling sumaya at nakihalubilo

 

Habang oras ng pag uwi’y papalapit

Ang mga bata’y naglangoy pa ring pilit

At ang dala naming gamit na niligpit

Isa isa ng sa bag isinisilid

 

Maikli man ang araw ng aming bakasyon

Masasabing nasulit buong panahon

Pagkat bihira lang kaming magkatipon

Maliban sa paminsan minsang okasyon

 

(Tula) ANG AKING KAIBIGAN

DSC05553


  para sa aking mga kaibigan…

Kayo ang kaagapay

Sa aking kalungkutan

At kayo ang takbuhan

Pag ako’y nalulumbay

 

Kaibigang tunay

Sumbungan ng problema

Palagi kong karamay

Sa lungkot man at saya

 

Kayo’ng nagbigay daan

Sa makulay kong buhay

‘Di kayang kalimutan

Sa’king pagtatagumpay

 

Laging may pang-unawa

May pagpapahalaga

Sa tuwing magkasama

Sinusulit ang saya

 

San man dako magtungo

Ay hindi magbabago

Pangakong nasa puso

Mga ala-ala ‘nyo

 

Sa ating pamamasyal

Tawanan at kwentuhan

Alam kong magtatagal

Ang pagkakaibigan

 

Hindi maiwawaglit

Inyong mga pangalan

Pagkat sadyang inukit

Sa puso at isipan

 

Sa maikling panahon

Ng hindi pagkikita

Ay kinasasabikan

Ang muling pagsasama

 

Ang aking paglalambing

Laging pinagbibigyan

Aking mga hinaing

Pilit pinakikinggan

 

‘Di man makapag payo

Sa’king mga problema

Basta’t narito kayo

Dama ang isa’t isa

 

At kapag may tampuhan

Parang hanging dumaan

Agad nararamdaman

Luha’y ‘di mapigilan

 

Kasangga sa pagsubok

Walang makasisira

‘Di magiging marupok

Ano mang paninira

 

Walang hahanapin pa

Sa kabutihang taglay

Walang hihilingin pa

Pagkat D’yos ang may bigay

Hindi madali ang mamuhay sa mundo ng walang kaibigang nagmamahal, nagpapatawa, at laging nadiyan para sayo. May mga kaibigang halos araw–araw ay nakakasama, nakakausap at mayroon din namang kaibigang malayo sa isa’t isa pero nananatili pa rin ang diwa ng pakikipagkaibigan, Kahit hindi na  nagkikita o nagkakausap pero sa puso at isipan nandon pa rin ang mga alaala noong panahong palaging nagkakasama. at kahit may bago ng kakilala o kaibigan hindi pa rin magbabago ang pinag samahan o ang pagiging magkaibigan.

Maswerte ang taong mayroong tunay na kaibigan, handang dumamay sa pangangailangan maging sa ano pa mang paraan. Handa kang samahan di lamang sa kasiyahan, kundi pati na rin sa kalungkutan, kabaliwan, kakornihan, at sa lahat na. Nariyan sa tabi mo kahit wala kang pera o hindi mo maibigay ang material na bagay sa kanila, yon bang kahit wala kang maibigay na payo sa mga problema basta laging handang makinig at handang dumamay sa bawat patak ng luha mo, yon bang hindi ka iiwan kahit alam ‘nyang lahat lahat ang tungkol sa iyo.

Masarap ang pakiramdam kapag mayroon kang tunay na kaibigan lalo na kung maganda ang samahan,  malapit sa isa’t-isa na may pagmamahalan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Sila ang minsang mas nakakaunawa sa atin pagdating sa problemang emosyonal. Hindi ba’t minsan mas nauuna pa nating ipagtapat sa kanila ang mga sikreto at problemang emosyonal kaysa sa ating magulang o kapatid.

Sa magkaibigan laging nandiyan ang tawanan, ang tuksuhan ganun din ang pagtutulungan ngunit minsan sa kabila ng sayang kanilang gingawa minsan hindi pa rin maiwasan ang magkaroon ng konting tampuhan ngunit ito’y natural lamang at sa paminsan minsang tampuhan doon nasusubok ang tatag ng samahan bilang tunay na magkaibigan.

Ang kaibigan ay hindi inaasahan basta itong dumarating at minsan ay nawawala. Kaya dapat ituring natin ng mabuti at pahalagahan upang mas lalo pang tumibay at tumatag ang samahan bilang magkaibigan.. Kailangan ang pasensya, tiwala, pagmamahal at respeto

(Tula) UBO AT SIPON

Ngayon ko lang natanto, mahirap pala

Dapuan ng sipon, may ubong kasama

Masikip ang dibdib at ‘di makahinga

Ganon din ang ilong, palaging may bara

 

Itong aking sipon, may kasamang lagnat

Giniginaw katawa’y ‘di maiunat

Pakiramdam ng ulo ko’y binibiyak

Sa aking paghinga dibdib ay may halak

 

Walang ganang kumain at inaantok

Masakit ang likod at ngalay ang batok

Lalamuna’y mahapdi hirap lumunok

Ubong madalas istorbo sa pag tulog

 

Katawan sa kama’y hindi mapalagay

Masakit ang kalamna’t kasukasuan

Idapa, ibaling sa kaliwa’t kanan

Waring nanginginig ang buong katawan

 

Sumisingaw ang init sa aking mata

Palaging naluluha at namumula

Ang baradong ilong hindi maisinga

Kaya sa bibig na ako humihinga

 

Bahagyang nagluluwag kung ihahatsing

Kaya  laging sa langit ako nakatingin

Pagtulo ng sipon ‘di namamalayan

Kasabay ang luha na nag uunahan

 

Walang magawa ang gamut na reseta

Di makatanggal ng makapal na plema

Nahihirapan na ang aking paghinga

Kaya naisipang sumangguni sa iba

 

Nagsugat na ang butas ng aking ilong

Dulot ng pag piga sa nakabarang sipon

Ngayo’y Sea coconut, aking iniinom

Biglang paghinga ko’y nagluwag na ngayon

 

Ang ubo at sipon mahirap iwasan

Pagkat ito’y sakit na pangkaraniwan

Lalo kung mahina ang iyong bunbunan

Sa konting ulan agad kang kakapitan

 

PININYAHANG MANOK (By: rsmacaalay in “angsarap”)

Ingredients

800g chicken thighs fillets
1/2 cup cilantro, chopped
1 large red capsicum, sliced
1 1/2 cups pineapple chunks
1/2 cup pineapple juice
1 cup chicken stock
2 cups coconut milk
1/2 thumb sized ginger, minced
1 large red onion, chopped
1 tbsp cornstarch dissolved in 1/4 cup water
oil
salt
freshly ground black pepper

Method

1. Marinate chicken pieces in pineapple juice, salt and black pepper for at least 12 hours.
2. Remove chicken from marinate then pat each chicken pieces dry.  Reserve the marinade.
3. In a wok add oil and evenly brown chicken pieces, remove from wok then set aside
4. Sauté ginger and onions, then add the chicken pieces.  Stir fry for a minute then pour in the chicken stock, coconut milk and reserved marinade.  Bring to a boil then simmer for 15 minutes.
5. Add the cornstarch mixture, pineapples, capsicum and cilantro then simmer for 5 more minutes.  Season with salt and pepper.

Protected: Pera ni Juan

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: ABALA ANG INYONG LINGKOD

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: MENTAL BLOCK

This content is password protected. To view it please enter your password below:

LATAK

Magulo ang isip ko ngayon busy sa trabaho at ilang bagay bagay. Tinatamad akong magsulat. Kahapon pa ng umaga ako nag-iisip kung ano ang pwede kong isulat na kwento dito sa aking blog site, pero wala akong mapigang bagay na maisulat parang puro latak na lang ang laman ng aking utak. Ilang araw na rin akong hindi nakakapag update.

Hindi biro ang mag maintain ng isang blog, kailangan maging malikhain ka sa iyong mga paghahayag para naman maging kaigaigaya ang kanilang pagbabasa. Mahalaga na may maisulat kang kwento kahit isa sa loob ng isang linggo. Kung kaya naman makapagsulat ng araw-araw mas lalong mabuti. Mahirap talaga. Gusto kong magpost ng entry kaso tinatamad akong tumipa, ayoko rin mag-isip. Kanina pa nagtatalo ang kaliwat kanang bahagi ng aking utak kung  magsusulat ba ako o hindi.

Ikwento ko na lang kaya ang buhay ng kapit bahay naming magsusugal na ang asawa ay nagtitinda ng kikiam sa labas ng bahay nila, tapos ang mga anak puro minatamis na kung ano ano ang tinda? May halo halo, banana que at kamote que.  Wag na lang kaya mukhang hindi ko rin naman gusto ang chemistry ng kanilang pagsasama.

Wala talaga akong maisip. Pipilitin ko pa bang magsulat? Bukas na lang kaya baka may laman na ang utak ko.

WALKING AID

Nabanggit ko ang matamis naalala kong bigla, kanina pala bumili ako ng walking aid ng nanay ko. Medyo mahina na at wala ng kakayahang mailakad ang kanyang mga paa dulot ng sakit niyang diabetes. Mahirap kapag ganito ang karamdaman ng isang tao. Totoo bang dahil sa sobrang pagkain nya ng matatamis kaya sya nagkasakit ng diabetes? Ang sama naman ng kumplikasyon nito, posible rin daw mabulag at magkasugat na matagal gumaling.

Hehehe! Meron palang isang bagay na halos kapareho nito ang mararanansan mo kapag lumabis ang iyong paniniwala sa matatamis na pananalita, pwede kang mabulag at makaranas ng sugat na matagal gumaling.

 

Isang Umaga(Kwentula)

Pag gising ko isang umaga

Bumangon na agad sa kama, inunat ang buong katawan

At sabay tingin sa orasan, ako’y tumungo sa pintuan

Upang ito ay aking buksan, at bumaba na sa hagdanan

 Pagbaba sa unang baiting, hindi ko na ito nasundan

Sige baba pa sa hagdanan

Inaantok pa yata ako

Ngunit kelangan ko magluto, ng almusal naming tuyo

Dumiretso na sa kusina, iluluto ko’y inihanda

Sa wakas kami’y may ulam na, isusunod na ang labada

 Ngunit pagbalik sa lamesa, ulam na toyo’y nawawala

Kinuha na yata ng daga

Pagbalik sa aking labada

Hanap, sabong ipaglalaba, bigla na lang akong nadulas

Lintek pahamak kong tsenelas, ang puwet ko ay napataktak

Hindi na ako makabangon, kamay ay hindi maituon

Ako yata ay nabalian, ang sakit ng aking balakang

Ang paa ko’y ‘di maihakbang

Patay kang bata ka pano na!

Mga anak ay naghihintay, kakain sila’y walang ulam

Mga anak ko, sandali lang, kayo ba ay makakahintay

Pwede bang tikoy ang almusal, hihiwain ko, sandali lang

Ngunit pagbukas ng aking ref, Hehe! ako ay napangiti

Maligo muna kayo, pwede?

Isa isa na silang nagsitayo

Tungo sa banyo, maliligo, bitbit ang tuwalyang mabaho

Sigaw ng isa at ang sabi, mommy wala pong shampoo dini

Ang isa kong anak ang sabi, di na kami mag-aalmusal

Sa amin na lang eskwelahan, lumapit sa akin si bunso

Di na bale mommy, bigyan mo lang ako ng perang marami.

%d bloggers like this: