(Tula) MARAMING SALAMAT

Para sa mababait kong kaibigan

Maraming salamat sa inyong pagdaan

Dito sa aking munting nakahiligan

Mga sinulat ko sanay nagustuhan

Magsulat sa blogsite ay naging libangan

Ilan dito’y araw-araw na karanasan

At ang iba nama’y munting kaalaman

Kung may mali inyo ng pagpasensyahan

Ako’y nakakadama ng tuwa’t saya

Kapag kwento at tula ko’y nabuo na

Lalo na kung ito’y inyong mababasa

At paminsan minsan ay magbigay puna

Kumento sa nabasa’y wag pagdamutan

Para sa nagsulat ito’y kailangan

Upang ang mga katha ay mapagbuti

At makapagsulat pa lalo ng marami

Advertisements

MABUTI KA BANG TAO?

Paano nga ba masasabing mabuti ka ngang nilalang sa mundo? Ano ba ang kailangan natin para masabing mabuti na nga tayong tao? Kailangan bang pag aralan ito sa eskwelahan? Mag aaral daw kasi itong katabi ko, upang lalo ‘nyang mapabuti ang kanyang pagkatao. Hehe!

Ganun talaga eh, minsan hindi pa natin nakikilala ng lubusan, hindi pa natin nakakasalamuha sa kwentuhan at hindi pa man napapatunayan narinig lang natin sa tabi tabi, may paghuhusga na, Oo nga naman sabi nga ‘nya kung hindi ‘sya umimik o magsalita ang sasabihin nagmamalaki na, at akala mo kung sino, kapag hindi naki alam, sasabihin wala ‘syang paki alam makasarili at kapag nagsalita naman ang daming ipupuna san nga naman lulugar? Kung minsan mas nakakaintindi pa ang taong mas walang malawak na kaalaman para umunawa, mas hindi mo sila makikitaan ng panlalait sa kapuwa at madaling sumang ayon sa kinikilos mo’t gawa.

Minsan ang ugali naman ng tao pwede mong makilala sa kilos lang, pananalita at pananamit kahit hindi mo pa ‘sya kilalang lubos. Minsan sa pagbibitaw pa lang ng mga salita makikilala mo na kung anong pagkatao mayron ‘sya. Ang iba naman tumitingin sa panlabas na anyo kung papano ‘sya manamit o mag ayos sa sarili. titingnan ka, hahabulin ng tinging mapanuri at iyon may masasabi na tungkol sa iyo.

Naalala ko sa isa naming seminar sa Hapee Toothpaste sa Lamoayan, (thanks nga pala kay Boy & Sonia Lojo sa Night Mint) Alam ko mababasa mo ito eh, hehe! Ang topic namin noon ay tungkol sa Personal Image magaling ang aming speaker at talaga palang pinag aaralan ang tungkol dito para lagi mong maalala kung sino ka at kung ano ang dapat mong ikilos sa pagiging ikaw. Dapat daw lagi nating sambitin kahit sa ating sarili ang salitang “personal image” dahil dito masasalamin ang ating pagkatao at nang hindi tayo makalimot.

Siguro mas mabuti kung may panghuhusga man tayo sa isang tao kaibigan man yan o hindi sarilinin na lang natin at ‘wag ng ipaalam sa iba. Parang ganito “Do not do unto others what you don’t want others do unto you”..ok?

%d bloggers like this: