(Tula) BATANG LANSANGAN

Pangalawang araw ko ng pagmamaneho na may batang kumakatok sa bintana ng aking sasakyan namamalimos mukhang bangag mapula ang mata, may karga pang isang batang maliit na madungis ang mukha. Kawawa naman yong maliit mukhang sanggol pa, paano kung magkasakit yon kataasan ay mamatay na lang at pagkatapos saan kaya nila ililibing? Sabi nila ang nag uutos sa ganung klaseng mga bata ay ganid na sindikato.

Subukan ‘nyong lumabas ng hatinggbi at marami kayong makikitang batang lansangan na talagang sa mga bangketa ng kalye natutulog may hawak na plastic at sinisinghot singhot nila. Sabi nila rugby yon. Maaring ang kinikita nila sa pamamalimos ay ibinibili nila ng rugby dahil hindi makasapat sa halaga ng pagkain.

Anong naghihintay na kapalaran sa ganitong mga bata? Kawawa naman sila. Bakit pa sila isinilang kung pababayaan lang naman?

Batang Lansangan (Tula)

Mga batang kumakatok sa sasakyan

Ang tawag sa kanila’y batang lansangan

Namamalimos dala ng kahirapan

Bakit pinababayaan ng mga magulang

 

Dumarami na nga sila sa lansangan

Maliit na kariton tanging tirahan

Ang iba ay sa bangketa ang tulugan

Mistulang mga hayop ang katayuan

 

Pagmasdan sa umaga’t pasuray suray

Siguradong  sila’y nag rugby na naman

Upang ang gutom na sikmura’y maibsan

Pati sa pag tulog nila’y mahimbingan

 

Makikitang mong katawa’y buto’t balat

Tulala, mga mata’y nakamulagat

Ano kayang kapalarang naghihintay

Kung pamahalaa’y walang ibibigay

 

8 Responses

  1. dami nga nyan,.

  2. Very interesting site. Hope it will always be alive!

  3. I want to post quick hello and want to say appriciate for this good article. 94TmAyaqb6S5Ld

  4. tama!!!!!

    • Hi, tnx sa pagdaan…

  5. Mga batang parot’parito magulo sa lansangan
    Anong ginagawa nila? Bakit wala sa tahanan
    Ang mga kababatang gala hindi nila malaman
    Kung ano ang gagawin sa kanilang kinabikasan

    Mga batang marami ang dahilan
    Kung bakit sila ay nasa lansangan
    Iniwanan ng kanilang magulang
    O iniwanan ang kanilang tahanan

    Silang sarili lang ang inaasahan
    Ginagawa ang lahat ng paraan
    Upang sa bawat araw na magdaraan
    Malagyan ang tiyan na kumakalam

    Pano na ang kinabukasan
    Ng mga bata sa lansangan
    Kung walang nangangalaga
    Sa mga paslit na iyan

  6. What Are The Disease Of Type Two Diabetes Whales Stop Smoking Synonym Of This Prescription Buy Evista [url=https://archive.org/details/Tramadol50MgNoPrescriptionOnline ]8 50 Mg Tramadol[/url]. Cibacene Amlor No Prescription Naturopathic Relief Allergy Sufferers Nor-qd Birth Control Garlic And Diabetes Type 2 . Boniva Bone Pain Side Effects Arthritis Treatment Guidelines . Common Zoloft Dosage Selective Serotonin Reuptake Inhibitors Acai Benefits 100 Pure Organic Juice [url=https://archive.org/details/OrderAmoxicillinOnline250mg500mg ]Amoxicillin 500 Mg Breastfeeding[/url] Lga Babies Diabetes Zyrtec Liquid Gels Review Rhulide No Prescription Generic What Celebs Apply Acai Berry

  7. BATANG LANSANGAN
    Crisanta N. Cardeno-Reyes

    Mula pagkabata akin ng nadama,
    Ang mabuhay sa mundong walang ligaya.
    Namulat akong walang kumikilala,
    Dito sa mundo’y isa akong basura.

    Ako ay nagtanong sa aking sarili,
    Bakit ako ay nilalang na marumi?
    Ni wala man lang sa aki’y dumadampi,
    Kahit alikabok sa aki’y nadidiri.

    Ito ba ang buhay na sa aki’y nakalaan?
    Ang mabuhay sa mundong parang basahan.
    Ni walang lumalapit na kahit sino man,
    Tingin nila sa aki’y ‘di makatarungan.

    Ang kinagagalawan ko’y kadiliman,
    Kahirapan ay hindi ko maiwasan.
    Bahagi ba ito ng aking kapalaran,
    Maghirap sa mundo at dito’y yurakan?

    Sa puso ko’y akin ng pinanindigan,
    Harapin ang mundo’t ‘wag ng talikuran.
    kahit puso ko’y hindi nila pakinggan,
    Pagiging ako’y isa ng kayamanan.

    Marami ang sa aki’y nakakakita,
    Subalit iilan ang kumikilala.
    Ni wala man lang sa aki’y umaaruga,
    Para akong basahan na bale wala.

    Basahan nga ako kung kanilang tingnan,
    Ngunit may pusong marunong din masaktan.
    Kahit ako’y munti sa kanilang tingin,
    Hindi ko ikinait ang sila’y ibigin.

    Sa tuwing ako’y lalapit sa kanila,
    Tila isa akong munti’t ‘di kilala.
    Di nila pansin sulyap ng aking mata,
    Para silang bulag ‘di ako makita.

    Nang mapagtanto ko ang kadahilanan,
    Di nila matanggap na ako’y pakinggan.
    Sa munti kong hiling ay ayaw pansinin,
    Tibok ng puso ko nawa’y inyong dinggin.

    Hiling ko ay pag-ibig mula sa puso,
    Pagmamahal at kalinga’y dalangin ko.
    Nawa’y dinggin ang kahilingan kong ito,
    Hanggang kamatayan maghihintay ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: