(Tula) Hay Sinaing Nakakapatula Ka!

Nasira ang aking rice cooker kaya napilitan akong sa kalang de gas magluto ng kanin. At sa dami ng sabay sabay kong ginagawa sa lakas ng apoy ay umapaw ang tubig. Nasanay pa naman ako sa rice cooker magsaing, dahil kung ilang takal ng bigas iyon din ang takal ng tubig na ilalagay sa kaserola. Nasanay rin ako na habang gamit ang rice cooker sa pagsasaing, gumagawa ako ng ibang bagay tulad ng paghuhugas ng mga plato at kawaling pinaglutuan ng ulam. Kasabay ang pagsilip ng labada sa washing machine at pagpapakintab ng sahig namin.

Sa pangyayaring ganito na nasunog ang aking sinaing sino na ang pwedeng kumain nito? Mapapakinabangan pa ba? Kakainin ba ito ni Cysai?

Hay buhay!….

Ang ating buhay nga naman parang sinaing ni nanay

Kailangang tamang sukat ng tubig ang ilalagay

Kung kulang sa takal siguradong ito ay batilaw

At kung sosobra sa tubig ay pwedeng maging nilugaw

 

Ganun din ang buhay kelangang bantayan, alalayan

Kailangang ‘di masanay sa kung ano anong bagay

Baka magkamali at ang diskarte mo ay sumablay

Siguradong mababago ang takbo ng iyong buhay

 

Hehehe! napatula tuloy ako sa nasunog kong sinaing. Pwede nga palang ihalintulad sa sinaing ang ating buhay. Nung nakaraang linggo ulam ang nasunog, sa sunod na linggo, ano naman kaya?

2 Responses

  1. Maraming bagay tayong mapag aralan sa iyong sinulat na kwento. Una ay balikan ang nakasanayan natin dating ginagawa katulad ng pag sasaing kahit walang rice cooker. Mabuti nga at hindi ka pa sa de ihip na pugon nagluto eh di lalo ng natutong ang sinaing mo. Ibig lang sigurong ipaalala sa iyo na dapat ay huwag mo rin iaalis sa isip mo na may niluluto ka he he he. Minsan kasi ang pagiging “high tech” eka nga natin ay nagtuturo sa atin ng alwan o ginhawa sa pagtatrabaho pero sa isang banda dapat ay maingat din kasi kahit na rice cooker ang ginamit mo ay puede ring hindi maging maganda ang sinaing mo kung sumobra or magkulang sa tubig.
    Pero one thing sure na sasabihin ko sa iyo may matutuwa sa iyong sinaing na nasunog o natutong…. ang asawa ko he hehe. Gusto niya kasi yan.

  2. hehe! nagtanong pa ako kung pwede pa kainin ni cysai samantalang kay gil lang pala di masasayang ang tutong ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: