PAGTITIPON

God is Love…Ito ang aking nabungaran sa loob ng kwartong iyon sa Peaksun bldg. Inaya ako ng isa kong kaibigan para makipag prayer meeting at naka 2 beses na akong sumama sa kanya. Sa totoo lang nakakatuwa naman, kasi 7 lang kami at unang pagkikita pa lang namin parang matagal ng magkakilala. Ang akala ko nga talagang seryosong mag-aaral ng bibliya o may isang tagapag salita.

Hindi ko hilig ang umalis sa bahay para magtungo sa ganitong klase ng pagtitipon. Yayain mo akong makipag party at mabibigo ka, yayain mo akong makipag swimming mabibigo ka rin, yayain mo akong manood ng sine maaring mabigo ka rin, pero yayain mo akong kumain sa labas naku! mabilis pa sa alas kwatro nakagayak na ako. Hehehe! joke lang.. May hilig din naman ako sa gala kahit nga mag isa lang ako, pero hanggang sa mall lang, kung may importante lang bibilihin o kaya kasama ko ang mga mahal ko. Pero kung ibang tao bukod sa matalik kong kaibigan wala na akong gustong kasama. Mas kumportable akong nandito lang sa aking trabaho na mag isa o ang kausap at kakwentuhan ay mga pasyente, narito ang konsentrasyon ko. Dito lang sa aking trabaho marami na akong natututunan sa buhay kapakipakinabang man o hindi.
 
May napansin naman akong maganda sa kanila masasaya at laging nakangiti na para bang matagal ng magkakasama, nagbabahagi ng mga karanasan, sariling pag uugali at higit sa lahat para madagdagan ang mga kakilalang magiging kaibigan, pero maaring  doon lang sa kwartong yon pwedeng mangyari yon at hindi ganung kalalim o permanenteng kaibigan.
 
Sa loob ng 2 araw na iyon marami na silang naikwento at naibahaging pansariling ugali at karanasan pero ako nanatiling walang imik at patuloy ko lang silang pinakikinggan. Naiisip ko, na kung ang magiging layunin ko lang sa pagtungo rito ay makapagdagdag ng mga kaibigan at sumaya, siguro hindi na lang marami na ako nito hehehe! joke… Kasi tunay at totoong kaibigan lang ang gusto ko at ayaw kong dayain ang aking sarili.
 
Ang pagiging masaya naman ng tao e nasa pan sariling desisyon. Marami na rin akong beses na nag depende ng aking kasiyahan sa ibang tao, pero karamihan ng pagkakataong ‘yon parang wala rin. Naniniwala akong kaya mong maging masaya kahit anong oras ang gusto mo, pero ang paniwalang nakadepende sa isang tao ang kasiyahan mo e ewan ko, dahil hindi mo kayang kontrolin ang nararamdaman ng ibang tao para sa’yo, pero kaya mong ibigay ang bagay na makakapag pasaya sa sarili mo di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: