(Tula) ANG AKING GABAY (My Poem to Jesus)

Walang kapantay sa’yo aking pagtingin

Nararapat talagang ika’y sambahin

Sa buti’t ganda ng ‘yong mga mithiin

Mayron kang pusong sa’kin ay tumitiim

 

Katulad mo’y isang anghel na may pakpak

Gumagabay saan man ako mapadpad

Laging nakabantay sa’king mga lakad

Di hinahayaang ako’y mapahamak

 

Kapag ang buhay ko’y waring dumidilim

Sa’yo ay pilit kong ito’y ‘dinadaing

Di ka nawawala lagi sa’king piling

Binibigay lahat aking mga hiling

 

At mayron kang puso at budhing busilak

Na para bang kumpol ng isang bulaklak

Ang kabutiha’y laging iginagawad

Kaya’t lubos ang aking pasasalamat

 

Sa lupa, sa langit at buong daigdig

Di ako iniwan kahit isang saglit

Laging nakayakap iyong mga bisig

Upang ipadama tunay mong pag-ibig.

 

Panginoon, lagi ka sa’king isipan

Ang kabutihan mo’y di malilimutan

Lagi mo po ako na pakaingatan

Ang aking pamilya at ang sanlibutan

 

Panginoon ika’y aking sinasamba

At pinupuri ka ng aking kalulwa

Hinding hindi na rin ako mag-iisa

Pagkat ikaw Oh Dyos ang aking pag-asa.

One Response

  1. PERFECT!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: