LIBRO, AKLAT = BOOKLAT

 

Libro na naman! dami na ng books dito tapos na ba basahin lahat yan! Yan ang linya ko kapag may nagpapabili ng books sa bahay.

Naalala ko noong panahong nag-aaral pa ako ang  tamad kong magbuklat ng libro, ngunit pag ibinigay naman ng professor namin ang listahan ng mga aklat na bibilhin mabilis pa sa alas kwatro nasa Recto na ako. Pag uwi ko ng boarding house bubuklatin ko na, pero mga larawan lang ang tinitingnan ko. Natatapos ang aming klase bago pa rin ang aking mga libro, e paano hindi ako mahilig magbasa maging tagalog man ingles pa kaya? Habang ang aklat ng aking mga kaklase ay puro may guhit na ang mga importanteng words at may mga nakasulat pa sa mga gilid ng pahina, ang sa akin malinis pa rin. Minsan nakikibasa na lang ako sa kanila kasi yong ibang mahirap na salita may isinulat na silang kahulugan basta ayaw kong marumihan ang aking libro. Kung gaano naman ako kaingat sa aking mga libro noon hindi ko naman malaman kung nasaan na ang mga iyon ngayon…hehe!

Hindi talaga ako mahilig magbasa ng kahit na anong books kabaligtaran naman ako ng aking anak habang nagbabasa ng books tungkol sa course nya kasabay ring nagbabasa ng pocket book. At minsan kung nasa pilikula ang kanilang binabasa panonoorin pa rin nila, pero hindi sa sinehan bibili ng dvd at sa bahay nila seryosong panonoorin.

Naalala ko pa rin noong nag specialized ako ni hindi ko man lang talaga nabuklat ang aking libro halos dikit dikit pa rin ang mga pages nito. Wala lang, parang inintindi ko na lang ang ipinapaliwanag ng aking professor.

Speaking of books meron pala akong hindi malilimutang libro, noong naperfect ko ang departmental exam namin, final examination yon sa isa kong subject, manipis lang ang book na yon, pero paulit ulit ko mang basahin hindi ko pa rin  gaanong naiintindihan ang bawat nilalaman kaya sinaulo ko na lang ang nakasulat sa lahat ng pahina, pag dating ng departmental exam namin naperfect ko hehe! ano pa e di naipaskil ang pangalan ko sa kaperasong papel na nakadikit sa bulletin board ng school namin.

Sa tuwing magpapabili ng libro ang aking mga anak lagi kong sinasabi sa kanila na kung pwede sa internet nyo na lang basahin ang lesson ninyo hehe! kasi ang mahal ng books ngayon, hindi ko naisip na hindi ko nga pala sila katulad na hindi mahilig magbasa.

 

ORASAN

Marami ang bata na mahilig sa relo (wrist watch) hanggang sa sila ay lumaki, magdalaga at hanggang sila ay magka edad na tulad ko. Masayang masaya sila na mapasalubungan o mabigyan ng relo kahit pa ito’y mumurahin at higit kung ito’y isang kilalang pangalan ng relo.

Sumubok rin naman akong magsuot ng relo lalo na nung nasa koleheyo pa ako, ayaw kong malate sa klase. May mga nagpapasalubong at nagbibigay rin naman sa akin ng relo sinusuot ko rin noong nag aaral pa ako pero nung makatapos na ako at nagka trabaho hindi ko na  nakahiligan, ni hindi ako naingganyang tumingin ng iba’t ibang uri at tatak ng relo para sumubok na bumili.

Sa buong buhay ko wala pa akong natandaan na bumili ako ng relo (wrst watch). Para kasing kontrolado ang kilos ko at may kailangan pa akong ingatan sa braso ko na baka mapabangga at mabasag. Mas lalo na ngayon na lagi akong nagbabasa ng kamay dahil sa uri ng aking trabaho. Isa pa ayaw ko yong may lagi akong ikinakabit o isinusuot na alahas sa aking katawan at pagkatapos ay tatanggalin ulit lalo na kung maliligo. Mayroon akong isinusuot sa daliri ko tanging wedding ring lang namin na hindi ko tinatanggal sa aking daliri kahit maglaba ganun din ang aking hikaw maliban kung maisipan ko lang linisin. Hehehe! Kahit ang magsuot ng kwintas na ginto ay hindi ko rin nakahiligan. Nagkaroon din naman ako ng kwintas hindi ko na iyon tinatanggal sa aking leeg kahit maligo pa ako, ngunit noong mahablot sa akin hindi ko na iyon pinalitan para magkaroon ulit ng bago. Sa ngayon paminsan minsan ay nagsusuot na ako ng fancy necklace, subalit wala pang 2 oras tinatanggal ko na ulit pakiramdam ko kasi para akong nasasakal sa nakatali sa aking leeg. Hehe! 

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuot ng relo? Kung alam mo nga ang oras, pero tinatamad ka pa rin kumilos, late ka pa rin sa mga plano mong puntahan, laging nagmamadali at natataranta, lagi kang nagkakandarapa sa pag aayos dahil late ka na sa pagpasok sa eskwelahan at ganun din sa iyong opisinang pinapasukan. At ngayong wala na akong sinusuot na alahas sa aking katawan kahit simpleng relo wala ng mahihita ang mga snatcher sa akin kaya magi sip isip kayo mag aaksaya lang kayo ng oras sa akin.

Advertisements

(Tula) RAYUMA KONG MASAKIT

 

Itong aking rayuma sobra ang lupit

Pati sa aking siko ay sumingit

Ang pagkirot ay hindi ko na matiis

Ang braso ko’y namimilipit sa sakit

 

Pati ang aking tuhod ay kumikirot

Kelangan ko na yatang maipahilot

Nang ginhawa sa akin ay maidulot

Lalo  sa paglalakad kong nakatikod

 

Ang pagkain ba ng bawal ang dahilan

Kaya kasu kasoan ko’y dinapuan

Nang ganitong uri ng karamdaman

O namana ko lang sa aking magulang?

 

Kung minsan ay hindi ko rin maiwasan

Ang mga pagkaing ipinagbabawal

Pagkat sa sarap ay nakakalimutan

Na may rayuma palang dapat ingatan

 

Panaghoy ay ‘di maiwasang masambit

Kapag umiral ang rayumang kay sakit

Lalo kung ang paa’y aking ihahakbang

Tiyak lakad ko nito’y mapapagiwang

 

Katawang nakahiga ng pabaluktot

Sa hating gabi mayrong biglang kikislot

Kayat ang aking pagtulog ay bantulot

At puyat naman ang tangi nitong dulot

 

Kaya dapat ko na talagang iwasan

Ang mga pagkaing ipinagbabawal

Nang ang rayuma ay huwag ng umiral

At manalasa pa sa aking katawan

Umatake na naman sa pag kirot itong rayuma ko. Grabe talaga itong joints ng hinlalaki ko sa paa maumbok na at talgang napa sakit. Halos hindi ko na masuotan ng buong sapatos. Kapag umiinom ako ng gamut nawawala ang kirot ng kasu kasoan ko pero ayaw ko rin namang masanay baka ibang parte naman ng aking katawan ang maapektuhan ng gamut. Halos hindi rin ako patulugin sa gabi bigla na lang may kikirot lalo na sa mga daliri ko sa kamay hindi ko maiunat o maitiklop. Tinula ko na lang ang hirap ikwento e. Hehe!

%d bloggers like this: