TAYO MUNA MAGKAPE


 Naging parte na ng aking  umaga at hapon ang uminom ng kape. At kahit nga gabi bago matulog ay nagkakape pa rin ako. Dangan nga lang at ipinag bawal na sa akin ng aking dr. pero tama nga naman ‘sya, simula nang iniwasan ko ang pag inom ng kape ay may ginhawa akong naramdaman sa aking katawan. Ngunit, napakarami sa ating bansa ang taong napakahilig magkape at sa kanila naman ay kabaligtaran ng sa akin kung aalisin nila ang pag inom ng kape pakiramdam naman nila ay magkakasakit. May anti oxidant daw ang kape.Totoo ba yon?  

Iba’t iba tayo ng gusto sa timpla ng kape merong ang gusto halos puro pait na lang konting asukal, ang iba ang gusto may coffee creamer at asukal pa 3 n 1 ika nga, mayron namang ang gusto sa halip na puting asukal ay brown sugar ang inihahalo, mayron din namang arnibal na  asukal ang ipinantitimpla ng tamis sa kape. Masarap naman talaga ang kape lalo kung mainit na mainit at unti unti mong hinihigop sa tasa.

Naalala ko tuloy noong nakaraang linggo, nagkaroon ng party ang aking anak sa itaas ng starbucks sa may Tiendesitas. Inihatid ko ‘sya  ng 10:00pm at susunduin ko raw sya ng 12:00mn doon at dahil malapit lang dito sa aming bahay naisipan ko na lang na maghintay at tumambay sa starbucks. Tingnan nyo nga naman sino ang hindi mawiwiling uminom dito ng kape kahit mahal, kung lahat ng kilalang kapehan dito sa atin ay ganito na pwede nating tigilan habang may hinihintay. At lalo kang mapaparami ng order kung ang kapehan na pinasok mo ay naka “wifi” at kung malapit ng mag low bat ang laptop mo pwede kang lumapit sa AC outlet, doon magkape habang nag kakarga ng baterya ang iyong laptop. 

Naka dalawang oras na ako ay halos kulang pa rin ang ang pagkatigil ko dito, mabuti na lang at 2:00am na natapos ang party marami pa ring nagkakape open 24hrs. at ang mga kasabay kong nagkukwentuhan ay nandoon pa rin may mga nagsusulat, may mga estudyanteng gumagawa siguro ng project, at may gumagamit ng laptop na tulad ko.

Marami tayong mga kilalang kapehan na bukas hanggang umaga at ginagawang tambayan habang nagkukwentuhan. Nariyan ang Dome, ang masarap na kape ng Figaro, Sheattle’s best at marami pang iba. Parte na rin ng social life ng mga nagkakape dito kaya naman kahit gaano kamahal ang kape ay oorder pa rin sila.

Isa ko pang naalala kapag lumalabas kaming tatlong magkakaibigan dinner kami ng 7:00pm at umaabot ng 10:00 pm kasama na ang kwentuhan at dahil magsasara na ang restaurant, pero bitin pa kami sa aming kwentuhan at tawanan hahanap kami ng malapit na kapehan at doon naman kami tatambay at magkukwentuhan. 

3 Responses

  1. Tama ka frend part na ng social life ang pag inom ng kape sa nga kilalang cafe restaurant. Nung araw sa aming probinsiya ng batangas ay kilalang kilala din ang kape . HIndi lang sa pang inom sa umaga kundi pang sabaw din sa kanin pag walang ulam. Hindi ko malilimutan yun he he he. Pero ngayon wala naman sigurong gagawa na ipagsabaw sa kanin ang kapeng binili sa starbucks ha haha.

  2. hehe! oo nga pero dito sa amin nagsasabaw pa rin ako ng kape sakanin ang sarap e.

    • mahilig talaga ako sa kape, minsan pag walang ulam sinasabaw sa kanin, nakagisnan ko eh… lalu’t kapeng BARAKO… naku kasarap higupin pag mainit… swabe sa lalamunan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: