KWENTO KWENTUHAN

MGA BAGAY BAGAY NA KWENTUHAN AT  SIMPLENG KARANASAN

UNANG SAKAY NG EROPLANO

Unang byahe ko noon patungo ng Bangkok Thailand, kasama ang 2 kong kaibigan. Excited ako syempre kasi unang sakay ko ng eroplano 2006! Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano at nasa itaas ka ng himpapawid, sari sari ang laman ng isipan ko na paano kung bumagsak ito paano ang mga anak ko, paano ang mga maiiwan ko? bsta marami. Nakaramdam ako ng takot at nerbyos.

Habang patungo na ako sa loob ng eroplano nanginginig ang aking katawan. Doon ako pinaubo ng aking kaibigan malapit sa bintana para makita ko ang tanawin sa labas habang papalipad ang eroplano.  Ang mga stewardes, asikaso kami sa aming mga kailangan, tulad ng headphones para makinig kami ng music, kumot, baka malamigan kami sa aircon ng eroplano, pero halos hindi ko pinansin lahat ang mga ito, ang nasa isip ko ang magdasal na makarating na kami ng maluwalhati sa aming bansang pupuntahan at asikaso rin kami sa pagkain.

Mahigit tatlong oras ang byahe namin noon at halos gusto ko ng hilahin ang oras para makababa na kami ng eroplano at matapos na ang nararamdaman kong takot! Wheww! Nakakapa buntong hininga!

Naranasan rin ba ninyo ang naranasan ko?

  

PAGOD BA O INSOMNIA?

Dalawang gabi ng hindi masarap ang aking tulog marahil dahil sa pagod ng aking katawan at isip sa dami ng iniintindi, mga reklamo ng tenants atbp. Tapos sa bahay akong lahat ang gumagawa ng trabahong bahay. Idagdag mo pa ang isang katutak na bayarin na nagkasabay sabay na naman. Napasabay pa ang pagpapa ayos ko ng aking clinic ang daming ligpitin grabe!  

Kaya malamang ang nararanasan kong sleep disorders ay pagod sa pang araw-araw kong ginagawa. Nakaranas na  rin ba kayo  nito?

 

SAAN MO NGA BA MAKIKITA ANG TUNAY NA PAG-IBIG

Marami ang taong naghahanap ng tunay na pag-ibig. Kahit saan daw ay ‘pwede mong makita ito, pero paano mo malalaman kung ang nakita mo ay totoo? Kalimitan ang kwento ng pag-ibig ay nasa parte ng mga kanta, palabas na drama sa TV at pelikula, at hindi lahat ng kwento ay pawang madali makita ang tunay na pag-ibig at kahit sa totoong buhay ay hindi naman laging masaya ang kinahihinatnan.

Merong love triangle o kaya one sided love at alin man dito ay nagbibigay ng sakit sa ating damdamin. Pero marami naman ang nagiging matagumpay na makakita ng kanilang partner sa buhay at nagiging tapat sa kanila.. Ano kaya ang sekreto nila?

Advertisements

PATALASTAS MUNA

 Joke muna tayo

  1. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit daw lagi akong masaya. Akala nila, wala akong problema. Ngumiti na lang ako at sinabi na, “Marami akong problema, maganda lang talaga ako kaya hindi halata.”
  2. Kapag masaya ka, masaya rin ako! Kapag bad trip ka, bad trip din ako! Kapag malungkot ka, malungkot din ako! Kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako! Bakit?! Wala lang! Coincidence.
  3. Kung noo mo’y laging nakukunot  at Pinapatay ka ng lubhang pagkabagot Dali daling kunin papel na maaabot iwaksi ang pakiramdam na nakayayamot.
  4. Ang pagong ginawa ni God para di tayo nagmamadali. Langgam para makita natin maliliit na bagay. Ulap para tumingin sa taas at di makalimot. At ako ginawa para makita kung gano kaganda ang buhay..
  5. Ang kaibigan, parang unan…Andyan kapag kailangan…Pwede mong iyakan…Pwede mong yakapin…Kaya kapag kailangan mo nang kaibigan. Handa ako maging “unan” basta’t huwag mong lalawayan.
  6. Hindi ka ba makatulog kapag umiinom ka ng kape? Baliktad pala tayo..Ako naman, hindi makainom ng kape kapag natutulog.
  7. May mga taong sa biglang tingin ay maganda Pero habang tumatagal nakakawalang gana. Pero ikaw, maganda ka talaga!!! Sa kagandahan mo tunay kang nag-iisa…Walang uubra kung sa unggoy ikukumpara!!!!
  8. Ito ang natutunan ko kanina lang..”Maging masaya ka araw-araw. Walang pakialam ang ibang tao kung malungkot ka. Ikaw ang talo kung di ka masaya wala kang bearing sa life ng iba”

 

Soy and Garlic Chicken (By: rsmacaalay Ang Sarap)

Ingredients

20 pcs Chicken Thighs, cut into bite size pieces
1/2 cup soy sauce (Philippine Soy sauce or Kikkoman)
1 whole garlic, minced
1/4 cup Chinese cooking wine
1 tsp black pepper
fried garlic
oil

Method

1. Marinate chicken pieces in garlic, soy sauce and wine for at least 24 hours.
2. Before cooking let it cool down to room temperature.
3. Pan fry chicken pieces for 6-8 minutes.
4. Once cooked top with fried garlic.

%d bloggers like this: