(Tula) Pag-Uwi ko ng Bahay

Sardinas na naman….

Nagmamadali na akong makauwi

Bakit ako’y sa daang ito nagawi

May nakitang kakilala at bumati

Ang sasakyan ko’y pinatabi sandali

 

Ang oras ay hindi ko na namalayan

Napasarap aming kwentuha’t tawanan

Nalimutang magluluto ng hapunan

Kaya’t bigla ko ‘syang iniwan sa daan

 

Siguradong ang anak ko’y magtataka

Magbubukas ulit ako ng de lata

Lagi na lang sardinas ang aming ulam

T’yang kumakalam sawa na’t nauuyam

 

Ngunit ano pa ang aking magagawa

Magtitiis malamnan lang ang sikmura

Pangakong bukas, ulam ‘di na de lata

Sinigang naman at paboritong tapa

 

Pagdating ko ng bahay….

Pagdating  ng bahay lumapit si Cysai

kumahol dumamba sa aking katawan

Paa at kamay ko’y kanyang dinilaan 

Pagpapakita sa ‘kin ng pagmamahal

Maglalaba

Bago ako matulog ay maglalaba

Pagkatapos sa lababo’y maglilimpya

Kapag may oras pa ako’y magpaplantsa

Saka pa mahihiga’t magpapahinga

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: