BAWAL MAGING TAMAD

Ang sabi ko bago ako umuwi galing sa trabaho ay matutulog ako ng maaga dahil kanina ay sobrang aga ko sa clinic. Paano ba naman alam kong may darating akong pasyente ng 7 o’clock, kailangan ko pang iligpit ang kalat na hindi ko natapos kagabi. Ano nga ito at kauupo ko pa lang ay dumating na. Aga naman ng mag-amang ito! Hindi pa nga ako nakasuklay ng maayos e. 

 

Talagang hindi ako pwedeng maging tamad ngayong araw na ito, Sabado nga pala ngayon. Ang dami kong pasyente. Opo nasalo ko ang grasya ng umaga kanina. Hindi na rin ako nakapanang halian derederetso na at mayron pang hindi ko na kinaya at sa inip ay umalis na. Sana bumalik kayo sa Lunes.

Thank you nga pala sa pasyente kong taga Better living at dinalhan ako ng pagkain. Hehe! Akalain mo yon naubos ko lahat ng dala mong pagkain sa akin habang naglilinis ako ng ngipin ni hindi man lang ako nandiri siguro sa gutom ko na talaga.

Nakakapagod pagkatapos kong makapag clinic pagliligpit at pagbabalik naman ng mga ararakas kong kinalkal sa pininturahang mga kabinet ang aking inatupag, kahit may katulong na ko sa pagliligpit ramdam ko pa rin ang pagod at ngawit ng katawan ko. 

 

Ngunit napag isip isip ko. Hehehe! Nakapag isip pa raw, hindi pala ako dapat tamarin. Naalala ko simula ng gawin ko ang ganitong libangan, pinilit kong maging masipag.  Naging masipag sa pagsusulat at pag iisip ng sari-saring kwento. Marunong pala akong magsulat, koreksyon marunong akong magsulat gamit ang keyboard. 

One Response

  1. Ikaw talaga ito Doc ! sobrang sipag at parang ayaw tumigil. parang laging lahat ay kayang gawin. kakainggit ka nga, kahit ang dami mong ginagawa, magaling ka pa ring magsulat. sana ako rin kagaya mo…. a woman of great skills and talent!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: