MY TRAVEL IN MACAU

 

Ang Macau ay dating Colony ng Portugal kaya makikita mo rito ang mga bahay at pati ang mga kumersyong gusali ay western ang desenyo pati na yata ang mga daan at mga nakasulat rito. Mukhang bago lahat ang mga bus dito wala akong nakitang ordinary o walang aircon, tingin ko ay organized din ang mga motorista.

Unang araw City tour kami, syempre sa mga templo na naman. Dito kami namili ng mga produkto ng Macau,  ang egg tart, at macau sweets marami pang iba . Bawat tindahan na madadaanan namin ay may patikim ng kanilang produktong pagkaing tinda, kaya halos nabusog na rin kami sa katitikim sa buong pamamasyal namin. Kung wala kang pera tapos gusto mong mabusog, maglakad lakad ka lang dun, tyak mabubusog ka na sa kanilang free taste.

Namasyal rin kami sa sikat na cathedral church, ang Ruins of saint Paul.  Dahil nasa mataas na lugar ang church na ito, mahaba ang aming nilakad, hindi kasi kayang akyatin ng aming sinakyang shuttle bus ang lugar. Ang Ruins of St. Paul daw ang orihinal na Cathedral of Saint Paul noong 17th century. Itinayo raw ng mga Jesuits at ito ang pinaka malaking Catholic Church sa Asya noong panahon na iyon.  Ito ang pinaka sikat na landmark ng Macau. Hindi ko lang alam ang detalye tungkol sa nangyari sa church na ito. Ang alam ko lang ay nasira noong panahon ng giyera.

Kinabukasan, iba namanag lugar ang aming pinasyalan. Doon raw kami pupunta sa Venetian Hotel. Grabe! Namangha talaga ako sa aking mga nakita parang puro na lang pagtataka ang laman ng isip ko. Parang maka-luma ang tema ng desenyo ng mga pillars at dingding, pati ang  painting na parang mala-simbahan ang dating. Nakakabighani talagang ikutin ang lugar na ito. Lahat maganda, lahat marangya. nakakalula.  Ang mga mata ko ay di malaman kung san igagawi ng tingin. Para akong nanaginip na nasa loob ng isang mahiwagang syudad. Hay! ang hirap ikwento.. Ang nakakahanga pa sa lugar ay para kang nasa labas dahil sa pekeng kisami nila. Akala ko ay tunay na langit ang makikita ko. Ang nakakatuwa pa, pag gabi na, gabi na rin ang kisami na yon sa loob. Parang totoong langit talaga na may ulap na gumagalaw pero peke lang yon, ewan ko baka nagdidiliryo lang ako sa gutom kakaikot sa hotel na un, kaya ang tingin ko ay gumagalaw ang desenyo ng ulap sa kisami. Hehehe! Kumain rin kami rito sa fast food na parang tulad ng nasa SM.

Umakyat kami gamit ang isang mahabang escalator, at pagdating namin sa taas ay isa na namang mahabang lakarin na pareho lang ang makikita ko sa ibaba. Tulad ng tindahan ng kilala at sikat na brand ng mga damit, bags, sapatos, relo at kung ano ano pa. Bumili pa nga ang friend ko ng digital camera at relo dun sa Venetian Holtel. May mga fountain sa gilid at sa pinanununghan namin ay may mga nag susugal. Halos kasi lahat ng hotel dito ay may casino. May tumututog na mala harmonikang awitin at kung ano ano pa.  At meron pa nga palang parang ilog na may bangka pa ang tawag dito ay gondola. Pwede kang sumakay dito at iikot ka nila sa loob ng hotel, ewan ko ba kung paano nailagay ang ilog na yon doon  at habang isinasagwan ng nagpapaandar nito ay umaawit ng mala harmonikang awintin. Pag labas namin ng hotel lumingon pa ulit ako at hindi ko maimagine kung paano ginawa ang kisami na un. hehehe! Sino kaya ang architect noon at mapuri nga sa obrang ginawa nya. Akalain mo isang City nasa loob ng isang Hotel.

Pauwi na kami sa aming hotel na tinigilan namin para magpahinga, sumakay kami sa free shuttle bus ng Venetian hotel nagpahinga sandali at pagkatapos ay nagpunta kami sa Senado Square (Largo do Senado) para mag shopping.

Bago kami umuwi ng Pinas namasyal muna kami sa bigating hotels na natatanaw namin sa aming hotel na tinigilan ang Wynn Hotel at ang Lisboa Hotel, sikat ring hotel na may casino. Grabe ang mga gusali rito parang napakamura ng kuryente lahat ay nababalot ng iba’t ibang kulay ng ilaw.  Nakakamangha talaga ang bansang ito.

Super enjoy ang trip namin. Thank you Lord and thank you rin sa dalawang kaibigan kong kasama sa pamamasyal.

One Response

  1. i love it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: