(Tula) ANG AKING SASAKYAN

 

 

Kailangan kong magpunta sa pagawaan mamaya

Pagkat sasakyan ko ngayon ay kay rami na ng sira

Baka mangyaring sa kalsada’y tumirik lang bigla

At pagkatapos ako’y iwanan sa pinaka gitna

 

May napansin akong kaiba sa gasolinador ko

Ayaw kasi umusad kahit tapakan ko ng todo

At nadamay rin siguro pati na ang aking preno

Napaka hirap ihinto at tuloy tuloy ang takbo

 

Mas lalong kailangan makina nito ay matingnan

Ang tumatagas nitong langis dapat ng mapigilan

Panay ang pagtulo baka ito ngayo’y matuyuan

Gasolina’y apektado ngayon ay napakamahal

 

Ang motor ng erkon nito ay dapat na ring palitan

Pagkat ang lamig ay hindi ko na rin nararamdaman

Buga ng hangin ay mainit na sa’king pakiramdam

Sasapit ang tag-araw tiyak ako’y pagpapawisan

 

Ang maingay na wiper ay ipa-aayos ko na rin

Sapagkat mahirap kapag umuulan at madilim

Baka madisgrasya kung malabo ang aking salamin

Babagal ang pagtakbo direksyo’y mahirap basahin

 

Palyado at mahina na ang pag andar ng makina

Masama ang tunog at pakiramdam ko’y bibigay na

Kailangang bigyan itong pansin agad maipagawa

Upang pagbyahe kong muli ay magdulot ng ginhawa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: