(Tula) ISANG GABI NG BUNTONG HININGA

 

Isang gabing panaho’y maalinsangan

Sa bintana namin ako’y nakatanaw

Madilim tila may nagbabantang ulan

Walang hangin o maliwanag na buwan

 

Pagkakatitig ko ay ‘di tumitinag

Hinihintay kalawaka’y magliwanag

Lamok sa katawan ko ay namamapak

Ngunit hindi ko maramdaman ang kagat

 

Madalas sa mga gabing tulad nito

Ayaw ko pang matulog dahil alam ko

Tulad ng ibang gabing unan ang yakap

At buntong hininga ang aking kausap

 

Bigla na lang sarili ko ay nagpasya

Alam kong ito’y hindi pansamantala

Katawa’y pagod, puso ko ay malungkot

Hindi ko alam kung ito’y natatakot

 

Ang umaga ba ay kailan darating

Upang sa gayon ako ay magningning

Baka buntong hininga ko ay mapawi

At matapos na rin aking pagmumuni

 

Salamat at pumapatak na ang ulan

Ang hangin ngayon, ako ay hinahagkan

Hugot muna ng isang buntong hininga

Bago matulog sa malambot kong kama

 

Hahahaha! Friendship Yollie, I remember your buntong hininga before the trip (hopefully wala na yan) sabi ko gagawa ako ng tula tungkol sa buntong hininga. Ang kaso hanggang dito lang ang nakayanan ko kaya pagpasensyahan mo na. Alam kong ikaw lang ang aking subscriber at masugid kong taga basa ng aking mga tula at samot saring mga sinulat sa aking blogsite kaya alam na alam mo ang mga nangyayari sa akin. Salamat sa matyaga mong pag babasa. Inspirasyon ka, kaya lang sana hindi sa cellphone ka nag rereply dito na mismo. Hehehe!

 

2 Responses

  1. Dear frend,
    Salamat sa iyong tula. Yes totoo na isa ako sanga tagahanga mo na palaging nagbabasa ng iyong mga tula. Alam kong ang nilalaman ng bawat ginagawa mo ay laging galing sa puso at isip mo. Sana katulad mo rin ako na magaling maglahad ng saloobin.
    Keep up the good work my frend, alam kong malayo ang mararating ng nga ginagawa mong tula at kwento. Hindi man makapag comment ang bumabasa nito alam kong ito ay nagsisilbi nilang inspirasyon at gabay sa tamang direction ng kanilang buhay.
    I Love You my Frend! Salamat sa lahat ….

    • Love you too!
      tnx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: