MY TRAVEL IN BANGKOK

Isa sa mga bansang nais ko uling mapuntahan ay ang Thailand. Kaya isang malaking kagalakan para sa akin na sa wakas ay nakapunta na ulit ako dito noong isang linggo. Masarap at masayang mag travel kung ang mga kasama mo ay nag eenjoy rin. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na nag enjoy mamasyal mag shopping, kumain ng matatamis nilang prutas, nagkwentuhan at nagtawanan. Masarap ang pakiramdam na minsan e nasa iba kang lugar at ang nakikita mo lang ay ang buong paligid noon.  Makakalimot pansamantala sa mga matitinding gawain dito sa atin tulad ng ating mga trabaho na iyon at iyon araw-araw.

  

Pangalawang beses ko ng napuntahan ang bansang ito at siguro hindi pa rin ako mag sasawang bumalik dito. Ilang araw lang kami ngunit masasabi ko na lubos naming nasulit ang pagtigil dito. Talagang nagustuhan ko ang bansang ito. Hindi ako nanghihinayang sa maikling panahon na yon dahil ito ay magsisilbing dahilan upang ako ay bumalik at ang planong ito ay lubos kong kinasasabikan.  Nakakatuwa ang mga paninda nila kahit sa pinaka maliit na kalye makikita mo ang sari saring paninda. Doon ay malinis at napaka lawak ng biliihan. Nakakatuwang mamili kaya kahit hindi mo naman kailangan ay mapapabili ka. Dahil lagi mong ikukumpara ang kalidad ng kanilang produkto sa atin pati na ang presyo nila.  Ang matatamis nilang prutas hindi mo pagsasawaan kainin kahit maya’t maya ay kumain ka nito. Hindi rin gaanong mahal kung ikukumpara sa halaga ng prutas natin. Ito ang isa pang dahilan kung bakit nais kong bumalik kasi di ako nagkaroon ng chance na makapag foodtrip yun pa naman ang isa sa mga binalak kong gawin pag dating ko dun kaso kapos na kami sa araw.

  

Ang Thailand ay isang magadang lugar para e explore. kahit halos pareho lang ang klima sa ating bansa pero may napansin ako na kakaiba sa pakiramdam kahit ka pagpawisan sa tindi ng init ng araw parang hindi ka makakaramdam ng panlalagkit ng katawan kumpara dito.  Hindi gaanong maalikabok kahit tuyong tuyo ang lupa sa paligid.  Ibang iba ang kultura nila, mababait din ang mga thai, masarap din ang pagkain, aliw din ako sa pamamasyal, pamimili at siguro kung makakapunta rin kayo dito ito rin ang sasabihin ninyo babalik ulit ako.

          

Nagpasyal rin kami sa  lugar ng mga elepante, ang Samphran Elephant Ground and Zoo.  Sumakay kami sa tourist van may mga kasabay rin kaming turista na dun din ang punta at ang iba naman ay sa Rose Garden  nagtungo, magkalapit lang ang lugar ng mga Elepante, Crocodile Farm at ang Rose Garden. Dito raw sa Rose Garden ay makikita ang mga Thailander na mahahaba ang leeg at cultural dances ayon sa aming tour guide. Malayo ang lugar na ito sa syudad kung ikukumpara sa atin siguro Manila to Laguna ang layo.

  

Mainit sa lugar ng mga elepante pero mag eenjoy ka sa kanila. Sa Manila Zoo lang kasi ako nakakita ng elepante at isa lang yon. Heto na ang mga elepante na nagpapakitang gilas at umi eksena sa harap namin. May nagsasalita ng  english recorded na siguro yon para ilarawan ang pag pasok ng mga elepante sa loob ng kanilang pagpapakitaan ng kanilang talento. Naka fall in line pa sila nakakatuwa kung paano sila naturuan ng ganong gawain tuwid ang linya na nakahawak ang mahabang ilong sa buntot ng nasa harapan nila.  Nakalinya sila ng tuwid sa aming harap at umiksena na may nag pose na parang mag papakuha ng larawan, may nag papa cute, may ala doggy style, may naghoholahop, may tumutuwad na parang ipinapakita ang kanyang puwet, nakaupo, naka halumbaba at marami pang iba.  Pagkatapos magkakalinya uling pumasok sa kanilang pinagtataguan at ng lumabas ulit ay inilarawan naman ang history ng mga mammals sa Thailand tapos binanggit ng nagsasalita ang naitutulong ng mga elepante sa kanilang lugar. Ipinakita rin ang paraan ng mga elepant hunters para hulihin at i-trap ang mga jumbo dumbo.  Tapos ipinakita rin ang layunin ng mga elepante  sa naging war kung saan nakasakay sa likod nila ang mga warriors.

   

Nakakatuwa talaga sila nakadamit rin sila na parang kapa na may design ng mga country hehe!  Palakpakan ang mga nanonood  Nagpahanga na naman sila may isang nag tatambol gamit ang mahaba niyang nguso, may sumasayaw, may tumutugtog ng malaharmonika gamit ang kanilang bibig. Maya maya pa ay nag pasiklab ng talento sa socker kanya  kanyang sipa pag shoot sa goal.. hehehe! aba ang galing talaga!. Pagkatapos ay may nagsalita na pwede ng bumili ng tubo para ipakain sa mga elepante. At para namang may isip yong gustong mag papicture lumlapit sa elepante at magpopose din sila kakatuwa tapos hayun kung gusto mong bigyan sila ng 20 baht at ginagamit nila sa pag tanggap ng pera ay ang mahaba nilang nguso.

     

2 Responses

  1. Sis thank you sa pasalubong.. i like the pictures. Gusto ko rin pumunta sa Bangkok, maybe maybe next year.

    • ok i’ll give u the pamasahe ikaw na sa shopping and others…hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: