(Tula) SA AKING PAG-ALIS

Sa aking pag alis pagsusulat ay aking mamimis

Limang araw na gugugulin t’yak ako’y maiinip

Hindi ko mapipigilang daliri ko ay manginig

Hahanapin ang pagtipa mga letrang nasa isip

 

Pagkatha ng tula pansamantala kong ipipinid

Trabahong marami ay akin na munang iwawaglit

Ipapahinga ang katawan ganun din ang aking isip

Pagkaraan ng limang araw ako’y muling babalik

 

Maging masaya sana kami sa aming paglalakbay

Sa Poong May Kapal kami po ay inyong patnubayan

Sa himpapawid piloto ay inyo pong alalayan

Salpok ng hanging malakas sa eroplano’y pigilan

 

Pagdating namin doon kaming tatlo ay mamamasyal

Pagmamasdan ang paligid nitong bansang pinuntahan

Laging nakahanda sa pag papakuha ng larawan

Sa magagandang tanawin na aming mamamataan

 

Magpapahinga sandali matapos ang pamamasyal

Pagkain nilang masasarap ay amin ng titikman

Masasayang ala-ala ay aming pagkukwentuhan

At kapag daka bilihan naman aming tutunguhan

 

Pagbalik ng hotel ang pinamili ay bubuklatin

Bago umidlip ay isa isang pakakaisipin

Ipinagbilin ng mga anak ang unang uukilkil

Dapat ito’y kumpleto bago matulog ng mahimbing

 

Sa aming pag-uwi di mapipigilan ang paglingon

Sa bansang pinanggalingan may maganda kaming baon

Masasayang karanasa’y aming ipapasalubong

Kung aming ikukwento pihong kulang ang maghapon

 

2 Responses

  1. Sa Aking Pagtitiis

    Sa iyong pag alis dentista ko’y aking mamimis
    Isang linggong nakaraan, bagang at ngipin ko’y kumikirot
    Hindi ko mapipigilang magbitiw ng mahalagang katanungan
    Nandito ka na ba bukas, o sa susunod na linggo na ba tayo magkikita?

    Pagkatha ng tula pansamantala kong ika-career
    Sana matuwa ka sa binigyang kong effort
    At kung sakali, klinika mo’y bukas na
    Maari lang po lamang sa 09228375682 ka magtext

    • hahaha! galing naman e. Nahawa ka po ba sa akin?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: