(Tula) MARAMING SALAMAT

 

Para sa mababait kong kaibigan

Maraming salamat sa inyong pagdaan

Dito sa aking munting nakahiligan

Mga sinulat ko sanay nagustuhan

 

Magsulat sa blogsite ay naging libangan

Ilan dito’y araw-araw na karanasan

At ang iba naman ay munting kaalaman

Kung may mali inyo ng pagpasensyahan

 

Mga mata ko’y parating nakadilat

Nakatitig dito sa keyboard ng laptop

Mga kamay ko ay laging nakaabang

Sa  letrang ididikta nitong isipan

 

Ako’y nakakadama ng tuwa’t saya

Kapag kwento at tula ko’y nabuo na

Lalo na kung ito’y inyong mababasa

At paminsan minsan ay magbigay puna

 

Kumento sa nabasa’y wag pagdamutan

Para sa nagsulat ito’y kailangan

Upang ang mga katha ay mapagbuti

At makapagsulat pa lalo ng marami

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: