PAANO BA ANTUKIN

Hay naku! bakit ba ang hirap kong antukin ngayong gabi? Kanina pa ko pabalibaliktad dito sa kama minsan tatayo minsan uupo hay! di ko na malaman kung anong pwesto ang gagawin ko. Kanina sabi ko matutulog ako ng maaga at ilalapat ko ang likod ko kasi ang sakit talaga ng balikat ko mataas na naman siguro ang cholesterol ko. Naku! Paano ba ito.

  • >>>Ah…. Siguro iniisip ko ang mga bayarin kong bills kasi isa isa ng nagdadatingan. Credit cards, Bank Amortization, electric bills, telephone bills, water bills, cable etc.

  • >>>Ang property taxes ko wheee….bukas na kasi yon at hindi birong halaga ang pakakawalan ko bukas.

  • >>>Insurance ng 2 kong anak due na rin, MRI ng loan ko hay naku!

  • >>> Sweldo pala ng angel ko sa bahay plus sweldo pa pala ng maintenance ko sa apartment talagang whaaaaaa!!!!

  • >>>Wala ng gasolina ang dalawa kong sasakyan maglalakad na yata ako nito bukas.

  • >>>Tumawag na rin pala ang dental laboratory para sa mga bayarin kong cases patay talaga ang kaperahan ko. Talagang kailangan kong halukayin ang kabaul baulan ko nito.

  • >>>Nakupo! Tuition pa nga pala ni jian bukas whaaaa!!!! E pano pa nga ba ako makakatulog nito bukas na rin yon.

Ito pa ibang dahilan kung bakit siguro hindi ako makatulog.

  • >>>May gusto akong singilin……..kaka-isip sa’yo sabi mo this week magbabayad ka na ang linaw ng usapan natin e nasaan na huhu! Dali mo naman makalimot.

  • >>>Insecured na ako …….. tumatanda na marami na ang masasakit lalo na ang tuhod at mga daliri ko. Ang lalalim na ng mga kulubot ko sa noo.  Pangit na ako.

  • >>>Trabaho…….May mga dapat akong gawing paper works sa clinic, may memo na ako ng health insurance e pano naman nakakatamad maglinis ng ngipin nila dahil pagkasilang ata sa kanila ngayon lang pupunta ng dentista dahil libre ng insurance. Tanggihan ko nga… Hayun may mga dapat akong saguting e-mails whaaaaaa!!!

  • >>>Pagkain……. Wala ng laman ang ref namin pasukan na bukas anong ipapa ulam ko sa mga anak ko?

  • >>> Kape……. Sabi nila wag raw uminom ng kape nakakawala raw ito ng antok, hindi naman ako umiinom ng kape.

Ano ang dapat kong gawin para ako ay makatulog na?

  • >>>Magbilang kaya ako ng isang daang ulo ng tupa sa imahinasyon para antukin ako?

  • >>>Uminom kaya ako ng gatas? Ay! wala pala kami nito sa bahay pampaantok ba ito ?

  • >>>Hanapin raw kung saan kumportable ang paghiga. Ano kaya itaas ang paa, maglambitin sa kama, tumuwad, dumapa, tumihaya o patagilid na lang kaya?

  • >>>Sabi  nila huwag daw kakain ng marami sa gabi. Oatmeal nga lang ang kinain ko e. Wala na nga kaming pagkain.

  • >>>Mag-isip lang daw ng magaganda, iwasang mag-isip ng kahit na anong masasama. Ano nga ba talaga?  

  • >>>Matulog na lang kaya ako katabi si Cysai.

Teka parang inaantok na yata ako. Good night na lang sa inyo napagod na ako sa mga sinulat ko.

Siguro dapat na akong matulog paghandaan ang mga haharapin kong mga gawain sa araw ng bukas. Ihanda ang sarili, magtrabaho ng maayos at may kaaya ayang pagtanggap sa takbo ng buhay sa araw-araw.

6 Responses

  1. Maaga pa kasi, wala pang alas dyes. Ako nga nasa Facebook pa. Accept na kita as friend.

    • hi

  2. hahaha! night-night dockie!

    • hehe!

  3. grabe…pati ako nag isip na din ng mga babayarin ko.. nahawa tuloy ako sa iyo… baka di na din ako makatulog nyan…

    • hehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: