(Tuka) NGIPIN MO’Y AKING KIKIKILIN

Ako’y may nakita matapang na lalake

Siya’y barumbado at laging nasa kalye

Sabi nila pangalan daw ay Enrique

Malaki ang tiyan na parang butete

 

Lagi kong nakikitang mata’y nakamasid

Katawa’y marumi at nanlilimahid

Pati ang kanyang damit ay gulagulanit

Ang sapin sa paa ay putol na kipit

 

Talagang itong si iking ay matapang

Sa dumadaan ay walang pakialam

Anong sinabi ng malaking sasakyan

Haharangin kahit na masagasaan

 

Sige Iking ngipin mo’y aking kikilin

Mangagat ka kapag iyan ay tumalim

Taong masasama ay iyong sakmalin

Mga ganid sa kalye ay sibasibin

 

Kamay na nakasahod ay pagsampuin

Ganyan mo nga sila pirapirasuhin

Mapintog na sikmura’y iyong sagpangin

Ang makagat mo ay pihong ililibing

 

Kung ika’y mangangagat wag magsipilyo

Nang di makaiwas sa iyong mikrobyo

Anong masasabi sa rabis ng aso

Taglay mo na yan sa iyong pagkatao

 

Ngunit maging kanibal man si Enrique

Marahil ‘yon talaga ang kanyang swerte

Meron din namang kabutihang masasabi

Sarili’y pwede rin n’yang ipagmalaki

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: