(Tula) KAPAG ARAW NG LINGGO

Heto na naman ako nakatingin sa relo 

Pagod ang isip pagsapit ng araw ng linggo 

Kaya‘t ayaw ko dumating ang araw na ito

Pagkat trabaho sa’ming bahay ay ‘di ko gusto

 

O kay hirap palipasin ng buong maghapon

Sa aming bahay lalo na’t walang makalipon

Mga anak lahat sa computer nakalingon

Uungot lang sila pag nakaramdam ng gutom

 

Isipin ang iluluto sa kanila’y mahirap

Lalo’t pang ulam iba’t iba sila ng hanap

Heto na nga po at nailuto ko nang ganap

Panlasa pa rin nila ay ‘di man lang nalasap

 

Gusto kong magpahinga o kaya ay umidlip

Baka pangarap ko’y makita sa panaginip

Pero mga mata ko’y ayaw naman pumikit

Waring nag-aalala sa nalilitong isip

 

Dumidilim na at ang oras ko’y bumibilis

Matatapos na rin yaring aking pagka inip

Na laging nasa isip trabahong nasa clinic

Mga dapat magampanan sa araw ng lunes

 

Ang pakiramdam ko ngayon ako’y nahihilo

Di malaman ang nasa isipa’t nalilito

Sapagkat ang bayarin bukas ay libu libo

Pera pa naman ay nagkulang pagkat nagpasko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: